Sixty Two

1.8K 35 5
                                    

***

ELLAH POV:

Pagkarating namin sa mansion ay  lumabas na ako ng kotse niya. Hindi ko na siya hinayaan na pagbuksan pa ako.

Nauna pa siyang lumabas kaya lang nakalabas na rin ako. Disappointment ang nakikita ko sa mga mata niya pero hindi ko na pinansin yun.

"Hinayaan mo na dapat akong pagbuksan ka." Saad nito at nilapitan ako

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

"Kaya ko na ang sarili ko." Malamya kong saad

Ewan ko ba kung bakit naging ganito na naman ako. Simula nung mapag-usapan namin ang tungkol sa past namin ay naging conscious na ako.

Napansin yata niya ang pananahimik ko kanina pa. Magsasalita palang sana siya pero inunahan ko na siya at lumayo ako ng bahagya sa kanya nang magtangka siyang hawakan ako.

"Kung tatanungin mo kung okay lang, the answer is yes. I fine. Kaya pwedeng ka nang umalis." Saad ko pero sa ibang direksyon ako nakatingin.

Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya na nangungusap.

"Are you sure. Hindi ka naman ganyan kanina. May nagawa ba akong masama?" Malungkot nito saad

Lumingon na ako sa kanya at Umiling ng sunod sunod. Huminga ako ng malalim bago siya sagutin.

"Wala kang ginawang masama. Pagod lang ako kaya wag kang mag-alala dahil hindi ako galit sayo.... Ang mabuti pa umuwi ka na. Alam kong pagod ka na rin. Good night."

Alam kong magsasalita pa siya pero mas pinili niyang manahimik. Tinalikuran ko na siya at akmang Maglalakad na ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko bago ko siya hinarap.

"Are you still mad at me?"

Alam ko kung ano ang tinutukoy siya. It's all about the past

Ngumiti lang ako sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Umuwi ka na." Sabi ko na lang

Ngumiti rin siya ng bahagya at umatras palayo sa akin. Alam kong disappointed siya sa sagot ko.

Hindi ko kasi kayang sagutin ang tanong niya. Maski ako naguguluhan sa sarili ko.

"O-okay.......S-susunduin kita bukas. Good night."

"No need. I can manage." Sagot ko

Ayuko na siyang abalahin pa.

"It's okay. I insist. Pumasok ka na at magpahinga."

Tumango na lang ako. Ayuko nang makipagtalo pa. Tinalikuran niya ako at pumasok ng kotse niya. Pinaharurot na niya ang kotse niya. Ang nagawa ko lang ay pagmasdan ang papalayo niyang sasakyan. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na rin ako.

Nagtungo na ako sa kwarto ko. Nang makapasok na ako ay nilapag ko sa kama ang bag ko at pumunta sa closet. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang malaking kahon.

Binuhat ko ito at nilapag sa kama ko. Umupo rin ako kaharap ng kahon at unti unti itong binubuksan.

Nang mabuksan ko ito ay tumambad sa akin ang litrato naming dalawa. Dinampot ko ito at pinagmasdan. Ito ang kauna unahan naming litrato na magkasama.

Inilapag ko ito sa higaan at kinuha sa loob ng kahon ang balat ng chocolate na nakabalot sa panyo.

Naalala ko pa yung first encounter ko sa kanya. Nakakahiya ako nung araw na yun. Mukha akong basang sisiw

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now