Forty Two

2.6K 47 0
                                    

***

CYRUS POV:

Dalawang araw na rin nung sumama kami kina Ellah sa mga kakilala niya at sa pagdalaw niya sa puntod ng mga magulang niya. Simula din nung umuwi kami nung araw na iyon ay hindi na kami nagkaka-usap nina Ellah. Ang sabi naman ni Dara ay busy daw ito sa pag aayos ng first anniversary ng Mapayapa beach resort. Yung mga kaibigan naman niya ay hindi namin alam kung saan saan nagpupunta. Yung mga oras narin na nandun kami sa bahay ni Tatay Kaloy ay sisingsisi ako dahil sa nagawa namin kay Ellah noon. Pero ang sobrang nagsisisi sa amin ay si Vash dahil hindi niya ginusto ang nangyari. Kung alam ko lang ang buhay noon ni Ellah. Edi hindi na sana namin tinuloy ang balak namin sa kanya. Naging ganid kasi kami sa pera kaya ganon.

Yung nararamdaman ko naman kay Ellah ay wala na. Simula kasi nung malaman ko na mahal pala talaga ni Vash si Ellah simula pa noon ay tinigil ko na yung pagkagusto ko sa kanya. Ayaw kong agawan ang bestfriend ko atsaka mayroon ng babaing nagpaparamdam sa akin ng kakaiba na hindi ko noon naramdaman kay Ellah kaso hindi ko pa ngayon mabigyan ng meaning. Gusto ko munang makasiguro sa nararamdaman ko bago ko talaga maamin sa sarili ko na mahal ko talaga siya. Sa ngayon ay babantayan ko muna siya at hindi ako papayag na saktan siya ng iba.

"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa likod ko dahil sa nagsalita. Napangiti naman ako sa loob ko dahil yung babaing kanina ko pa iniisip ay nandito sa tabi ko. Humarap ulit ako sa malawak na dagat upang hindi niya makita ang pagngiti ko. Buti na lang din at madilim na kundi nakita na niya ang pamumula ko.

Siguro mahal ko na talaga siya pero hindi ko lang maamin sa sarili ko. Napahawak ako sa bandang dibdib ko nung lumakas ang tibok nito dahil sa pag-upo niya sa tabi ko. Hindi ko naman ito nararamdaman noon kay Ellah ah. Atsaka buti nalang at marunong akong magtago ng feeling kundi matagal na niyang napansin yun. Ang paraan na naisip ko ay ang asarin siya para makuha ko ang kanyang atensyon at mapansin niya ako. Worth it naman dahil nakakapag-usap na kami lagi yun nga lang sumasakit na yung tenga ko. Para kasing nakalunok ng microphone.

"May sakit ka ba?" Tanong nito habang nakatingin sa akin. Umiling naman ako pero sa ibang direksyon ako nakatingin. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sobrang ganda niya ngayon at buti nalang at hindi siya tumatalak ngayon.

"Ang weird mo ngayon." Saad pa nito pero tinawanan ko lang siya.

"Maiba nga tayo. Bakit hindi ko na nakikita na nanliligaw ka kay Ellah? Nabagok ba yang ulo mo at natauhan." Saad nito na tumatawa. Napansin pala nito.

"Grabe ka huh. Hindi ba pwedeng na realize ko lang talaga na hindi talaga siya yung gusto ko?" Saad ko. Nanlaki naman ang mata niya at napatingin sa akin.

"You mean...hindi mo siya gusto? Seryoso ka?" Tanong nito.

"Yung nararamdaman ko ay hindi pala talaga pagmamahal yun. Kundi paghanga lang. Atsaka mayroon na itong itinitibok no." Saad ko at itinuro ang kaliwang dibdib ko. Tumango Ito pero kasunod nito ay ang pagtawa nito.

"Wow! Big word." Tumatawa nitong saad. Sinimangutan ko naman siya.

"Ito naman siryuso na nga yung tao gaganyan ka pa." Malungkot kong saad.

"Joke lang. Ito naman hindi na mabiro." Tumatawa nitong sabi at hinampas pa ako sa braso pero hindi naman masakit.

"Maiba tayo. Talaga bang nag give up ka na kay Ellah? Walang halong biro?" Tanong pa nito. Tumango naman ulit ako

"Oo nga. Wala na akong nararamdaman sa kaniya. Atsaka ang hirap kaya yung lagi kang binabasted at hindi pinapansin ang mga effort mo. Kaya yun din ang dahilan kung bakit nag give up na ako sa kanya. Atsaka mayroon ng taong nagmamahal sa kanya na nasa tabi lang niya hindi lang niya yun makita dahil sa galit at sakit na nakabalot sa kanya." Saad ko

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now