Fifty

2.3K 39 1
                                    

***

TRISTAN POV:

Hindi ko nahabol kanina si Ellah dahil ang bilis niyang nawala sa paningin ko. Hindi na rin ako bumalik sa cafeteria dahil kahit na tanungin ko sila kung ano ang nangyayari ay hindi naman nila ako sasagutin. Tumambay na lang ako sa garden ngayon. May one hour pa bago ang klase. Alam ko na may namamagitang hindi pagkakaintindihan si Dara at Ellah. Hindi ako ganun ka slow para hindi yun mapansin pero ang ikinasasakit ng ulo ko ay kung ano ba ang pinag-awayan nila.

"Narinig mo na ba ang balita? Nagsama daw sa iisang table si Ellah at Dara."

"Yes naman girl dahil nandun din ako."

"For real?"

"True."

Dinig kong usapan nung tatlong magkakaibigan sa isang bench na malapit sa akin. Ang pinagtataka ko lang ay kung ano ibigsabihin ng pinag-uusapan nila. Ano naman kung nagsama-sama sa iisang table si Ellah at Dara eh magkakaibigan naman sila. Pwera lang kina Vash na epal lang. Nakinig lang ako sa kwetuhan nila.

"Alam mo ba na tense na tense na kaming lahat dahil sa dalawang yun. Halos wala na ngang nagsasalita eh. Baka magkaroon na naman kasi ng part two ang war nila. OMG!"

"Sayang wala ako dun."

"Ako nga narinig ko lang eh. Usap upan na kaya yun ngayon."

"Me too."

Dahil sa narinig ko ay agad na akong lumapit sa tatlong babae na dapat ay paalis na. Nagulat naman sila ng pigilan ko sila. Nag-away nga ang dalawa pero anong dahilan? Is it about Vash and his friends again?

"Excuse me, tama ba yung narinig ko? At anong yung sinasabi niyo na may part two? Nag-away ba si Ellah at Dara?" Tanong ko. Nagtinginan naman sila sa isat isa bago tumango. So kaya pala ang awkward kanina.

"Tama ka, nag-away nga sila kahapon. Bakit hindi mo alam eh trending na nga yun sa High University website simula pa kahapon." saad nung maiksing buhok. Napakamot naman ako ng ulo. May ganun din pala dito? Hindi ko alam yun ah.

"Sorry. Transfer lang kasi ako tapos absent pa ako kahapon. Atsaka kaibigan ko yung dalawang pinag- uusapan niyo kaya ko natanong." paliwanag ko. Tumango tango naman sila.

"Anyway. Sayang dahil absent ka kahapon kasi hindi mo napanood yung away nilang dalawa. Galit na galit nga si Ellah nung time na yun eh. Muntik na nga niyang sampalin si Dara pero napigilan lang niya ang sarili niya. Ang intense ng nangyari kahapon. Buriun mo dalawang mababangis na tigre ang nagbanggaan plus the fact na magkaibigan pa sila." nagulat naman ako nahil sa mga nalaman ko ngayon. So yun pala ang dahilan kung bakit wala silang kibuan sa isat isa pero ang gusto kong malaman ay kung ano ang reason ng away nila. Hindi naman sila basta basta mag-aaway lang ng walang dahilan.

"Ito oh, panoorin mo. May nagpost niyan kahapon sa website ng school natin." saad nito at inabot sa akin ang phone niya. Pinanood ko naman ito. Tama nga sila. Kaya pala hindi man lang kasi sila nagpapansinan. Inabot ko na sa kanila yung phone. Nagpaturo rin ako kong paano makapasok sa website ng HU. Nalaman ko rin sa website na nagkaayos na na sina Dara at Vash pwera lang kay Ellah. Buti naman at hindi na ako maa-out of place dito dahil may source of chismi na ako. Galing diba. Hi tech na rin ngayon pati sa chismisan.

_____

MARGIE POV:

"You're so harsh talaga Dara." saad ko at sinampal sa balikat si Dara pagkaalis ni Ellah. Sinundan siya ni Tristan pero hindi ba kami nagsalita. Susundan dapat ni Vash si Ellah pero pinigilan namin ito. Sinabi namin rito na hayaan muna niyang mapag-isa at makapag-isip ng tama si Ellah bago niya lapitan.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now