Forty Five

2.4K 46 7
                                    

***

ELLAH POV:

Naalimpungatan ako dahil sa kumakatok sa pinto ko. Kahit na inaantok pa ako ay napilitan along bumangon dahil walang tigil ang taong yun sa pagkatok sa pinto. Nag-unat unat muna ako bago lumapit sa pinto at binuksan Ito.

"Bakit?" Tanong ko at kinusot kusot ang mata ko. Papikit pikit pa ako dahil talagang inaantok ako. Nahirapan akong matulog kagabi dahil sa Vash na yun at sa mga pinagsasabi niyang walang kwenta. Ang akala niya ganun lang kadaling magpatawad  na sa isang sorry mo lang ay okay na ang lahat na parang bang nabura na ang lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. Palibhasa hindi siya yung nasaktan.

"May naghahanap sayo sa baba." Saad ni Margie at umalis na. Sino naman yun? At bakit parang wala sa mood si Margie?

Pero hindi ko na yun pinansin pa baka wala talaga siya sa mood kay sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko na inalam kong anong etsura ko. Habang bumababa ako ay nagkakamot ako ng buhok ko. Wala ako kuto.

"Sinong naghahanap sa akin eh an----" Saad ko habang bumaba ng hagdan. Nang makababa na ako ay ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko at napaatras pa ng bahagya. Hindi pa ako nagmumumog o nakakapaghilamos. Para na ring pugad ng ibon ang buhok ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na pupunta ang mga bugok na ito sa rest house ko. Hindi ko naman sila pinapapasok dito magmula noong dumating sila dito sa isla. Bakit hindi sinabi ni Margie na ito pala yung mga buwisita ko?

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ko na lang after kong makabawi sa pagkaka-shock ko. Pinabayaan ko na lang ang itsura ko ngayon. Lumapit ako sa kanila at naupo sa pang-isahang sofa habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Dinadalaw ka lang namin. Nawala ka na lang kasi bigla kagabi." Saad ni Denver. Hindi nila ako kina-usap kagabi nung nadaanan ko sila dahil talagang badtrip ako.

"Okay lang ako kaya pwede na kayong umalis." Walang gana kong sabi at tiningnan ko sila isa isa. Naghikab pa ako sa harap nila para mapansin nila na Ayoko silang nandito.

"Atsaka may sasabihin rin pala kami sayo. Tutal naman bukas din ang uwi mo ay sasabay nalang kami sayo." Dagdag pa ni Denver. Pero Buti naman at aalis na sila dito sa Isla.

"Wala akong pakialam. Mas mabuti na rin na makita ko kayong umuwi kaysa maiwan kayo dito. Baka dito pa kayo sa isla maghasik ng lagim." Saad ko nang hindi man lang sila nililingon

Tumango na lang sila at umalis na. Buti naman. Naiinis na ako na makita sila. Umagang umaga sila ang mabubungaran ko. Bukas na din ang uwi namin. Para makapaghanda sa pasukan. Four days from now ay magsisimula na ang pasukan. Second scheme. Tapos na kasi ang dalawang linggo naming bakasyon.

"Anong sinabi nila?" Tanong ni Denise na kalalabas pa lang ng kusina kasama si Dara at Margie.

"Sasabay daw sila sa atin pag-uwi." Sagot ko at iniwan na sila. Bumalik na rin ako sa kuwarto ko at nag-ayos. Dadalawin ko muna sina kuya Brandon. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako. Hindi ko na inalam kung nasaan sina Dara kahit na hindi ko sila nadatnan sa sala. Baka nasa kwarto nila.

Habang naglalakad ako patungo sa bahay nina Nay Sonya ay nahagip ng mata ko si Claire na may binubulyawang isang babae at hindi pa ito nakotento dahil sinampal pa niya yung kawawang matanda. Marami ding nanonod sa kanila at may pumipigil din sa kanya pero ayaw niyang magpaawat. Kahit kaylan talaga itong babaing to. Pati matanda pinapatulan.

Base sa itsura ngayon ni Claire ay sobrang dumi ng suot niya. May nagkalat din na pagkain sa buhangin. Yung matandang babae naman ay walang tigil sa paghingi ng tawad. Hindi ko na sana sila papansinin dahil ayuko muna ng gulo pero nakita ko na lang si Tatay Kaloy na tumatakbo sa kinaroroonan nila Claire at inilayo niya yung babae kay Claire na balak sana niyang sampalin ulit.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now