Two

4.3K 77 0
                                    

***

Date with him
______

ELLAH POV:

Nandito ako ngayon sa kusina. Nagluluto ako ng makakain ni Maam. Tiningnan ko ang relo ko at 5:30 na.8:00 pa naman ang klase namin. Pag katapos kong magluto ay inihanda ko na sa tray at pinatong sa table. Maliligo muna ako bago dalhin kay Maam ang pagkain niya. Pumunta na ako sa kwarto ko at naligo then nagbihis na ako. Bumaba na ako at kinuha ang tray tapos pumunta na ako sa kwarto ni Maam. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.Nakita ko si Maam na naka-upo sa kama.

"Maam kumain na po kayo." Nilapag ko sa kama ang tray. Umupo muna ako sa sofa at inayos ang gamot ni Maam na iinumin niya. Mamaya pa darating si nurse Jin pero tinuro naman niya sa akin kung para saan ang mga gamot na kailangang inumin ni Mam at kung anong oras. Pagkatapos niyang kumain ay pina-inom ko na siya ng gamot. Bumaba muna ako sa kusina para ilagay doon ang pinag kainan bago ulit umakyat sa kwarto ni Maam.

"7 AM na, pumasok kana Ellah."

"Mamaya na po, hihintayin ko po muna si Nurse Jin." Sagot ko dito

"Darating din yun maya maya." Sabi pa nito. Nilingon ko siya habang inilalabas  sa bag ko ang notebook ko. "Baka po kasi biglang sumakit ang ulo niyo. Naninigurado lang po."

"Salamat." Bigla nitong turan na ikinangiti ko.

"Ako nga po ang dapat na magpasalamat kasi po tinanggap niyo po ako sa bahay niyo at marami na rin po ang naitulong niyo sa akin. Kahit ito lang po ang magawa ko para sa inyo."

Ginawa ko muna ang assignment ko. Hindi ko kasi natapos kagabi kasi hindi ako makapag sulat ng maayos. Ang hapdi kasi nong napaso sa akin.Ngayon ay hindi na gaano. Tumayo ako at binuksan ang pinto nang may marinig akong kumakatok. Tumambad sa akin si Doctora at Nurse Jin. Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok sila sa kwarto ni Mam.

"Pasok po kayo." Pumasok na sila at umupo sa sofa. Kinuha ko rin ang bag ko. Papasok na rin kasi ako.

"Ingat ka iha." Maam Margarette

"Opo....Doctora aalis na po ako. Tawagan niyo na lang po ako kapag may emergency. Sige po." Lumabas na ako ng kwarto ni Mam at bumaba ba na sa sala. Sinara ko muna ang main door bago ako naglakad papunta sa terminal. Nang may tumigil na bus ay sumakay na ako. Umupo ako sa may bakanteng upuan kung saan wala akong katabi.

" Saan ka Ineng?" Tanong ni manong

"Sa High University po. Ito na rin po ang bayad ko." Inabot ko ang bayad ko kay Manong at umalis na ito sa harap ko para maningil sa ibang pasahero.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Natanaw ko na ang gate ng HU kaya naghanda na ako sa pagbaba.
Pagkababa ko ay nagmadali na ako.
10min. nalang kasi at late na ako. Ang layo pa naman ng lalakarin ko. Lakad takbo na nga ang ginawa ko eh.
Buti nalang at kasabay ko lang ang si Maam sa pagpasok.

"Good morning po Maam." Bati ko

"Good morning." Bati rin niya. Pumunta na ako sa upuan ko. Si mam naman ay pumunta sa harapan at kinabukasan niya sa amin ang libro ng science kaya nilabas ko sa bag ko ang libro ko at binuklat sa page 132.

"Okay class listen, the solar energy......" Nagsimula nang magdiscuss si Mam pero hindi ako sa kanya makapag pukos kundi sa ibang bagay. Hinanap ko si Vash pero wala siya dito. Sina Dara naman ay kinawayan lang ako. Magkakahiwalay kami ng upuan para daw hindi maingay. Tinuon ko nalang ang antensiyon kay Mam. Mamaya ko na lang siya hahanapin.

______

Margarette POV:

"Ang bait talaga ni Ellah. Biruin mo hindi ka niya iniwan hanggang hindi kami dumadating. Bilib na talaga ako sa kanya."Panimula ni Elsa habang umiinom ng coffee. Si Dr.Elsa ang kaibigan ko. Isa siyang doctor at ako ay designer.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon