Twelve

4.2K 71 2
                                    

***

W

hat happen three years ago

THIRDPERSON POV:

"Good bye and see you again in hell my dear nerd and fucking sister." Turan ni Chloe

Itinutok na ni Chloe ang baril kay Ellah. Pero kasabay ng pagkalabit ni Chloe sa baril ang siyang pagtalon din ni Ellah sa bangin.Ito lang ang alam niyang paraan para makatakas kahit na maliit ang pag- asa niyang mabuhay.

Naramdaman na niya ang paglubog niya sa tubig.Pinilit niyang lumangoy ngunit mahina na siya at lalong hindi pa siya marunong lumangoy.Unti-unti na siyang nawawalan ng hininga hanggang sa siya ay lumubog.

Samantalang sina Chloe at ang mga tauhan niya ay nakatanaw sa baba ng bangin.

"Buhay pa kaya siya?" Tanong ng isa niyang tauhan

"Patay na yan." Sagot naman ni Chloe

"Paano ka nakakasiguro na buhay pa yan eh ni hindi nga siya natamaan ng bala." Suhistiyo ng isa pa niyang tauhan

"She didn't know how to swim. Kaya malamang ay patay na siya." Sagot naman ni Chloe

"Let's go." Dugtong ni Chloe at umalis na sila

_______

"Nagawa niyo na ba ang pinapagawa ko?"

"Yes Ms. De Chaves, she's already dead." Sagot naman ni Chloe habang malaki ang ngiti sa kanyang labi

"Good." May lumapit na lalaki na may dalang dalawang bag.Ibinaba niya ito sa tabi ni Chloe

"Ang laman ng mga bag nayan ay pera. Tulad ng napag-usapan natin. Yang isang bag na yan ay para sa mga kasama mo at yang isa naman ay para sayo." Sabi ni Ms. De Chaves kay Chloe. Kinuha ni Chloe ang bag pati ang mga kasama niyang lalaki.

"Gusto ko umalis na kayo sa buhay ko. Wag na kayong magpapakita at kalimutan niyo ang araw na ito. Kalimutan niyo narin ako." Nakangisi namang umiling iling si Chloe na ikinataas ng kilay ni Claire

"Maliit lang ang mundo Ms. De Chaves, kahit na anong gawin nating iwasan ang isat isa lalo na ang araw na ito, hindj parin natin magagawa. Tadhana parin ang maglalapit sa atin. Atsaka baka ikaw pa ang lumapit sa akin at humingi ng tulong." Sabi ni Chloe

"Never." Sagot naman ni Ms. De Chaves
Tumawa muna bago umalis si Chloe pati ang mga lalaking kasama niya.

_____

SOMEONE POV:

Napakalamig ng simoy ng hangin. Hindi ko maipagkakaila na namiss ko ang lugar na ito.

"Tristan." Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Megan lang pala. Ang makulit kong kakamlab.

"Bakit?" Balik na tanong ko

"Tumawag si tita. Hindi ka daw niya makontak." Naglalakad ito palapit sa akin.

"Nasa kwarto yung phone ko." Lumingon ulit ako sa malawak na dagat.

"Tara pasok na tayo sa loob."

"Sige una kana, susunod ako." Sabi ko at nilanghap ang simoy ng hangin. Lumakad narin si Megan.

"TRISTAN." Liningon ko naman si Megan ng biglang sumigaw.

"ANO?" Sigaw ko rin

Malayo siya sa akin kaya nilalakasan ko ang boses ko. Nagulat ako ng may ituro siya sa dagat kaya tumingin naman ako. Laking gulat ko ng may makita akong babae na palutang lutang sa dagat.

Tumakbo ako sa dagat at lumangoy para tulungan ang babae. Binuhat ko siya at pinahiga sa may buhanginan. Lumapit na rin sa akin si Megan.

"Buhay pa kaya siya?" Tanong ni Megan. Tinapik tapik ko ang mukha ng babae. Base sa itsura niya na puro pasa at sugat ay kinidnap siya at tinapon sa dagat.

"Miss?" Tawag ko at tinapik ko ulit ang mukha niya

"Tingnan mo kaya ang pulsuhan niya." Inis na sabi sa akin ni Megan. Kinapa ko naman ang pulsuhan niya kung buhay pa siya.

"Buhay pa siya." Sabi ko

"Eh ano pang tinutunganga mo diyan, buhatin mo na siya para magamot."
Binuhat ko naman yung babae.

______

"Doc. okay na po ba siya?" Tanong ni Megan. Nakatingin parin ako doon sa babae. Wala parin kasi siyang malay.

"Magigising din yan maya maya."
Tumango nalang si Megan sa sinabi ng doctor. Nagpaalam narin yung doctor na aalis na.Pinagmasdan ko yung babae habang mahimbing na natutulog. Napakaamo ng mukha niya.Kahit may mga pasa siya ay lumilitaw parin ang kagandahan niya.

"Baka matunaw yan sa pagtitig mo." Napalingon naman ako sa nagsalita

"Manahimik ka nga." Sabi ko kay Megan bago tingnan yung babae

"In love ka sa kanya no?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo. Wala akong gusto sa kanya. Ang dami mong alam. Tinititigan ko lang siya dahil ang dami niyang sugat." Naiinis kong dabi rito

"Naku Tristan, magkambal tayo kaya kilalang kilala na kita. Sa mga tingin mo pa lang sa kanya alam ko na iba ang narardaman mo sa kanya." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Bumaba muna ako para kumuha ng pagkain.
.
.
.
.
."TRISTANNN." Napaitlag ako nung sumigaw yung magaling kong kakambal. Umakyat ako ng padabog sa kwarto niya. Doon kasi namin dinala yung babae. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko. Yung babae kasi na tinulungan namin ay gising na.

"Ms. okay na ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong ko

"O-okay lang po ako?" Sagot niya

"Bakit siya kina-usap mo pero ako na kanina pa sayo nagtatanong eh hindi mo pinapansin." Reklamo ng kakambal ko

"Manahimik ka nga muna." Suway ko rito

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko. Pero imbis na sagutin ako ay umiyak siya.

"Kuya, bakit mo naman siya tinakot?" Reklamo ni ni Megan

"Wala akong ginawa." Depinsa ko

"Tumawag na lang tayo ng pulis baka may naghahanap na sa kanya." Biglang sabi ni Megan

"WAGG!" Napalingon naman kami doon sa babae ng sumigaw siya

"Wag kayong tatawag ng pulis, parang awa niyo na." Umiiyak niyang sabi

"Ms. kailangan namin tumawag, baka may naghahanap sayo." Megan

"Pag tumawag kayo ng pulis,malalaman nilang buha ako at pag nangyari yun babalikan nila ako." Sabi niya

"Sigurado ka?" Sabi ni Megan ni Megan. Tumango naman yung babae.

"Okay, hindi na kami tatawag ng pulis but, please stop crying okay." Megan . Tumigil naman sa pag-iyak yung babae. Siguro mahirap ang pinagdaanan nito sa mga kumidnap sa kanya.Umupo na kami sa tabi niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko

"A-ako s-si E-ELLAH."
.
.
.
.
.
>Flashback End<

_Leydeereyhn

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now