Fifteen

4.4K 73 0
                                    

***

FINN POV:

Pagkapasok ko sa principal office ay nandito na pala ang iba ang wala pa dito ay sina Ellah. Nasaan na kaya ang mga iyon?

"Sit down Mr. Alcantara." Tumango ako sa sinabi ni Ms. Principal. Habang hinihintay namin ang iba pa ay nag cellphone muna ako. Tinitingnan ko ang website ng HU. Pagbukas ko ng web. ay puro tungkol kay Ellah  ang topic. Sigurado ako na alam nang lahat yung pagbabalik niya at kung sino ba talaga si Ms. V.

"Buti naman dumating na kayo Ms. Fuentavilla." Napatingin  ako sa pinto at nandun nga sina Ellah at ang mga kaibigan niya.

"I'm sorry Ms. Principal, we're late." Paghingi ng paumanhin ni Dara

"It's okay. Maupo na kayo at ng maka pag simula na tayo." Umupo naman sila sa may couch. Naka harap sila sa amin.

"Magsimu----" Napatigil si Ms. Principal dahil sa pag kalabog ng pinto. Pati rin kami ay nagulat. Pero si Ellah lang ang hindi nagulat. Mukhang alam niyang mangyayari ito. Sa harap ng pinto ay nakatayo doon sina Claire at ang mga kaibigan niya na galit na galit.

"What do you want Ms. De Chaves?" Tanong nalang ni Ms. Principal. Pumasok na sina Claire at lumapit kay Ms. Principal.

"Hindi mo pwedeng gawin ito sa amin Ms. Principal." Galit na bulyaw ni Claire

"At bakit naman hindi? You're just a student Ms. De Chaves kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako kung ano ang pwede kong gawin."

"And you're just a principal not the owner of this University kaya wala kang karapatan na magdisisyon ng walang pahintulot ni Mr.Smith." Balik na sigaw sa kanya ni Claire

"At sino rin ang nagsabi sayo na basta na lang ako gumagawa ng desisyon na walang nakakaalam. Para sabihin ko sayo, si Mr. Smith ay mag gusto nito. Sinusunod ko lang ang gusto niya." Ms. Principal. Nilingon ko si Ellah na nagce-cellphone lang. Napakalaki talaga ng pinagbago niya.

"For pete's sake. Kulang pa ba ang binayad namin sayo? Gusto mo dagdagan ko pa. Magkano ba ang gusto mo?"

Agad akong napalingon kay Claire dahil sa sinabi niya. Sinisiko siya nung kaibigan na parang pinapatigil niya. Lumingon ako sa mga kasama ko na gulat na gulat din.

Kung ganon binayaran nila si Ms. Principal para makuha ang mga posisyon nila. Matagal na pala nila kaming niluluko.

"Alam mo ba ang pinakamalaking pag kakamali ko huh? Yun ay ang nagpa-uto ako sayo at nagpagamit. Pero ngayon itatama ko na ang pagkakamaling ginawa ko. Dahil ayukong magsisi sa huli' ayukong kamuhian ako ng pamilya ko." Ms. Principal

"Pero natanggap mo na ang pera. Hindi ka na pwedeng umatras." Sigaw pa ni Claire. Wala na siyang pakialam kung marinig namin ang mga sinasabi niya.

"Yun lang ba ang problema mo? Sige ibabalik ko sayo ang pera mo. Dadagdagan ko pa. Kahit magkano pa yan. Magkano ba ang gusto mong idagdag ko?" Ms. Principal

"Pero Ms. Principal." Hinawakan ni Carla ang kamay ni Ms. Principal

"I'm so sorry girls." Paghinging paumanhin ni Ms. Principal

"Magagalit po si Daddy kapag nalaman niya ito." Carla

"Ako rin po baka po ipadala nila ako sa america." Darla

"Magpaliwanag nalang kayo sa parents niyo."

Lumingon sina Claire kay Ellah na nagce-cellphone parin.

"IKAW!" Bulyaw ni Claire. Nilingon siya ni Ellah with poker face.

"What?" Walang ganang sabi ni Ellah

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now