Forty Eight

2.4K 50 4
                                    

***

Denise POV:

Palabas na kami ng school nang makita ko si Ellah na papunta sa kotse nito na nakapark. Mabilis ang lakad nito at mukhang nagmamadali. Nagpakita na rin ang bruha. Kinalabit ko si Dara upang ituro dito si Ellah. Kanina pa kasi Ito aligaga sa paghahanap kay Ellah. "Ayun ang bruha oh. Tumatakas." Nginuso ko ang kinaroroonan ni Ellah.

Hindi na sumagot si Dara dahil tumakbo na siya papunta kay. Hindi man lang nagpasalamat. Tss. Sinundan ko na lang sila. Hindi namin kasama ngayon si Margie. Ewan ko kung saan na naman yun nagpunta. Bago pa makasakay ng kotse si Ellah ay hinila na siya si Dara at dinala sa kung saan kaya sumunod na lang ako hanggang sa makarating kami sa 7/11 na malapit lang sa school. Hindi na nakapagreklamo si Ellah. Iniupo nito si Ellah sa isa sa mga upuan sa labas ng 7/11. Ako naman ay pumasok sa loob para bumili ng makakain.

Aba wag kayo mahabang aminan na ito kaya kailangan ko ng food at drinks baka gutumin ako. Ayuko na ring sumabat sa pag-uusapan nila dahil baka masapak na ako ng wala sa oras. Lumapit na ako sa kanila at pinatong sa table ang mga nabili ko. Tiningnan naman ako ng masama ni Dara pero nginitian ko nalang siya. Muli niyang hinarap si Ellah at sumandal sa upuan. Nagcross rin ito.

"So, Ellah. Anong ibig sabihin ng pag-iwas mo nitong mga nakaraang araw? Hmm?" Panimula ni Dara. Umiwas naman ng tingin si Ellah. "Anong sinasabi mo? Sinong umiiwas?" maang maangan nitong tanong.

Sabuyan ko kaya siya nitong iniinom ko. Halatang halata naman na umiiwas siya sa amin lalo na kung kasama namin si Vash tapos magdi-deny pa.

"Wag ka nang magkaila. Sinabi na saamin ni Vash ang nangyari sa inyo." Umirap naman si Ellah dahil wala na itong masasabi na palusot. Malamang, umamin na si Vash eh.

"Ipagkakaila mo pa?" mataray na tanong pa ni Dara. Huminga naman ng malalim si Ellah at tiningnan ng diretso si Dara. "K fine. So ano naman ngayon."
Wow. Taray ah. Hindi ko na pala kailangang manood ng drama mas maganda na itong napapanood ko ngayon dahil aminan na ng nararamdaman.

"Aminin mo nga sa akin, Ellah. Do you still love him?" Nilingon ko si Ellah kung anong magiging reaksyon niya at kung ano ang sasabihin niya.

"No." matigas na sagot naman ng bruhang ito at umiwas ng tingin. Naku! Napapaghalataan.

"Oh, really? Pero bakit iba ata ang sinasabi ng mga mata mo? Kabaligtaran ng sagot mo." Pang babara ni Dara. Hindi naman nakasagot si Ellah at napansin ko nga na parang may iba sa mga mata niya. Kakaibang emosyon na hindi mo mapangalanan.

"Tatanungin kita ulit and this time magsabi ka ng totoo." malamig na saad ni Dara. Inaamin kong kinilabutan ako doon. Kasi naman napakaseryoso. Para siya Nanay na hindi tanggap ang relasyon ng anak sa babaeng kinaaayawan nito. Parang sa mga drama lang. Kawawa pala ang magiging anak nito pagkakataon.

"Do you still love him?" tanong ulit ni Dara Kay Ellah ko naman binaling ang tingin ko at nabitawan ko yung pagkain na hawak ko nang biglang magsituluan ang luha nito ng sunod sunod. She's crying for crying out loud.

"I..... I don't k-know." Umiiyak nitong Sagot habang pinupunasan ang mga luha nito.

"Paanong hindi mo alam?" Grabe naman itong si Dara, kita na ngang umiiyak yung tao pinipiga pa. Sama talaga ng ugali ng babaing to. Condolence na lang talaga sa magiging asawa at anak nito.

"Hindi ko alam, okay! H-hindi ko a-alam kung mahal ko pa ba siya o hindi na. Dara, naguguluhan a-ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kasi sa tuwing naiisip ko ang pinagsamahan namin noon naghihinayang ako at nasasaktan at kapag sumasagi naman sa akin ang ginawa niyang pananakit sa akin nagagalit ako at sobra sobrang  nasasaktan. Hindi ko na alam ang gagawin ko." patuloy ang pag iyak nito habang nagpapaliwanag. Binaling ko ang tingin ko kay Dara na tahimik na pinagmamasdan si Ellah. Edi tumigil ka din.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now