Thirty Eight

2.5K 56 2
                                    

***

CYRUS POV:

Nagda-drive ako papunta sa condo ni Vash. Pinag-usapan namin kahapon kung saan kami magbabakasyon since katatapos lang ng exam. Kaso wala kaming maisip na pwedeng puntahan dahil ayaw naman namin bumalik sa lugar na napagbakasyunan na namin noon. Nang makarating na ako ay nagpark na ako sa underground parking ng hotel at bumaba na. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan ang condo ni Vash.

Nang makapasok na ako sa condo unit ni Vash ay dumiretso na ako sa kinaroronan nila. Hindi ko narin naisara yung pinto dahil sa pagmamadali ko. Nandito rin si Denver at Finn dahil mas mauna sila sa akin. Pag-uusapan kasi namin ngayon kung saan maganda magbakasyon ngayon at may nakita ako sa internet.

"Alam ko na kung saan tayo pwedeng mag bakasyon." Bungad ko sa kanila.

Nagkatinginan naman sila bago nalipat ang tingin nila sa akin. Lumapit na ako sa kanila at umupo sa sofa.

"Saan?" Si Finn ang unang sumagot

"Sa Isla Mapayapa. Doon tayo sa resort nila. Sa Mapayapa beach resort tayo magbabakasyon." Masayang saad ko. Nakita ko lang sa internet ang Mapayapa beach resort kaya sinearch ko ito at yun nga, sa Isla Mapayapa iyon matatagpuan.

"Teka, yan ba yung bagong sikat na resort?" Tumango tango ako sa sinabi ni Denver. Kung ganun alam rin pala niya iyon.

"So kailan ang alis natin?" Tanong naman ni Vash na nakikinig lang sa usapan namin.

"Sa isang araw." Nakangiti Kong sagot rito. Excited na ako.

______

CLAIRE POV:

Isla Mapayapa huh?

Narinig ko ang pinag-uusapan nina Vash kanina. Sound prof itong condo unit niya pero narinig ko parin dahil nakabukas kanina ang pinto kaya pumasok na ako. Kaya narinig ko rin yung pinag-uusapan nila.

Pumunta ako dito para yayain sila na sumama sa bakasyon namin sa Paris. Pero mukhang wala silang balak na sumama. Kung hindi rin naman sila sasama edi change of plan na lang. Lumabas na ulit ako ng condo unit ni Vash nang tahimik at pumunta sa parking lot. Hindi nila pwedeng malaman na narinig ko ang pinag-uusapan nila. Alam ko naman na ayaw na ayaw nila akong makita o makasama pero walang makakapigil sa akin makasama si Vash.

Pagkapunta ko sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse ko at tinawagan ko na si Carla. Agad naman niya itong sinagot

"Hello, Claire. Ano? Napapayag mo na ba sila. Sasama na sila sa atin." Bungad na tanong niya sa akin sa kabilang linya.

"Hindi dahil wala naman silang balak na sumama sa atin. At kahit na yayain natin sila, hindi parin sila sasama." Saad ko. Napagpasyahan namin nina Carla at Amara na magbakasyon sa London at yayayain dapat namin sina Vash dahil nagbabakasakali kami na sasama sila kahit na ayaw talaga nila.

"What? But why? Alam mo naman na ito lang ang pagkakataon natin na masulo sila dahil laging nakiki-epal ang Ellah na yun at yung mga kasama niya!" Sigaw nito sa kabilang linya at napairap ako dahil doon

"Can you please just shut up for a while! Pataposin mo muna kasi akong magsalita. Pwede?" Inis kong bulyaw sa kanya. Bwisit kasi na babae to. Ako lang ang pwedeng sumigaw sa kanila at hindi nila pwedeng gawin iyon sa akin. I'm the queen. Duh!

"Okay. Relax." Sagot nito. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Tulad nga ng sinabi ko, hindi sila sasama so, ee need to change our plan." Nakangisi ko nang turan. Hindi pwedeng mawala sa akin si Vash at kahit na sundan ko siya kahit saan gagawin ko, masiguro ko lang na walang Ellah na umaaligid sa kanya. Sebastian Vash Smith is mine. Mine alone.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now