Thirty Three

3K 62 5
                                    

***

ELLAH POV:

Kitang kita ko sa mga mukha nila ang pagkamangha nung bumaba ako. Lumapit ako sa table namin. Kung saan sina Dara.

"Hi." Bati ko at kumaway sa kanila pero nakatulala lang sila sa akin.

Ilang minuto rin ng bumalik sila sa realidad. Well. Mas lalo silang mamamangha at the same time mabibigla oras na malaman nila kung sino ang nakakuha ng pinaka malaking shares ng H.U.

Dati ang tingin nila sa akin ay hindi kayang bumili ng mga bagay na meron sila pero ngayon ipapamukha ko sa kanila na mas angat ako sa kanila. Mas mayaman at hinding hindi nila ako mapapantayan kahit kailan.

"Ganda mo naman Ellah." Napangiti ako ng magsalita si Denise at tiningnan pa ang kabuuan ko.

"Tinalbugan pa ako sa ganda." Saad naman ni Margie

"Bakit kaya ngayon ko lang nakita ang totoong ganda mo?" Biglang saad ni Cyrus

"Because you're blind." Malamig kong sabi sa kanya.

"Maybe you're right. But I think lalo ata akong mabubulag dahil sa ganda mo ngayon na hindi kumukupas." Banat pa niya

Tss. Pa fall

Sakyan ko na lang kaya ang trip niya. Let's see kung sino ang unang susuko sa amin.

"Thank you for appreciating my looks. And you know what. You're so handsome today, too." Saad ko at kinindatan siya. Umubo naman si Vash. Problema nito.

"Wag kang ganyan Ellah baka ituloy ko ang panliligaw sayo. Sige ka." Saad ni Cyrus. Pulang pula na rin ang pisngi niya. Hindi pa nga lang ako nagsisimula kinilig na agad siya. HAHAHAHA. Mga lalaki nga naman.

"Well, sorry to say pero wala kang pag-asa sa akin. Hindi ikaw ang tipo ko." Diretso kong sabi na ikinasimangot nito.

Ganyan ako. Ang saya kayang makakita ng nasasaktan. Lalo na yung taong nanakit sayo noon.

Nagpatuloy lang ang kasayahan nang magsalita ang annoucer.

"Everyone, qhindi niyo lang alam pero hindi pa natatapos ang kasiyahan dahil isi-celebrate pa natin at the same time eko-congratulate din natin ang bagong may-ari ng pinakamalaking shares ng High University. Let's all congratulate and give warm applause, ms. Ellah Cassandra Fuentavilla for being the co-owner of our loved University. " Saad nung annoucer na siyang ikinasinghap ng lahat. Pumapalakpak ang mga kilalang tao at matataas sa HU ganun din ang ibang mga estudyante ngunit ang mga nakakakilala kay Ellah simula pa noon ay hindi parin maka pagreak at nag-alangan pa na sumabay sa palakpakan.

_______

DENVER POV:

Laking gulat namin ng sinabi nung annoucer na si Ellah ang bagong owner ng pinakamalaking shares ng H.U. Mukhang kasama ito sa mga plano niya. Napunta ang aming atensyon may Ellah nang tumayo ito habang nakangiti.

Umakyat na siya ng stage. Nagpalakpakan naman ang ibang guest at estudyante pero kami sa table na ito at yung sa iba ay hindi manlang makapagreak. Paniguradon din na Pag-uusapan na naman siya nang lahat dahil sa bago niyang pasabog.

"May alam ba kayo dito?" Malamig na tanong ni Vash kina Dara. Mukhang hindi nito nagustuhan ang balita. Dahil simula ngayon hindi lang school president ang role ni Ellah sa University dahil isa na siyang co-owner nito at maaari na nitong gawin ang anumang naisin.

Agad namang silang umiling ng sunod-sunod. Mukhang wala nga silang alam dahil halata sa mukha nila ang gulat at pagtataka. Siya lang ang nakaka-alam nito.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now