Twenty Two

3.4K 55 0
                                    

***

VASH POV:

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari sa school. Ganon ba siya nasasaktan sa nangyari 3 year ago at hanggang ngayon ay hindi parin niya makalimutan?

Sa bawat mga salita niya, nararamdaman ko ang sakit na pinagdaanan niya. Yung mga mata niya, makikita mo yung sakit, galit, lungkot at pagkamuhi.

Kung nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Kinalingan ko siyang i-let go para mabuhay siya. Ganon ko siya kamahal.

"Masakit pa ba yung pasa mo?" Naiinis ako sa tanong ni Denver

"Ikaw kaya yung sapakin tapos tanongin kita kung masakit." Bulyaw ko rito

"To naman. Nagtatanong lang eh. Ang init agad ng ulo mo." Sabi nito

"Sino ba kasi yung Ed na yun? Nakakainis mukang aagawin niya pa sa akin si Ellah." Pagmamaktol ni Cyrus

"Pwede ba Cyrus, tigilan mo na yang kaka reklamo mo. Wala namang magagawa yan eh. Ang isipin natin eh yung darating na basketball tournament." Saad ni Finn. Tama siya pero hindi ko mawala sa isip ko yung lalaking yun.

Napaitlag kami ng malakas na bumukas ang pinto at iniluwa nun si Claire

"Okay ka lang ba Vash? Nabalitaan ko yung nangyari kahapon." Sambit ni Claire at Umupo sa tabi ko

"I'm okay." Walang ganang sabi ko

"Si Ellah siguro ang may pakana nito. Talagang hindi siya titigil."

"Pwede ba Claire, tama na. Your acting like my girlfriend even if not." Saad ko

"Wag kang mag-alala dahil malapit na malapit ng mangyari yun." Taas noo niyang sabi ng walang pag aalinlangan

"Dream on." Nasabi ko na lang. Never mangyayari yun. Tss.

"Mas gusto ko pang maging matandang binata kaysa mapunta sayo." Dagdag ko pa at pumunta na ng kwarto ko.

______

CYRUS POV:

"Mas gusto ko pang maging matandang binata kaysa mapunta sayo!" Saad ni Vash at pumasok ng kwarto dito sa hide out namin. At di niyo lang din alam na kanina pa kaming tatlo na nagpipigil ng tawa.

"Pft. BWUAHAHAHAHAHA!" Tawa namin ni Denver. Si Finn naman nakangiti lang ang umiling iling pa.

"Anong nakakatawa?" Pamiwang na sabi ni Claire

"Hahaha so-sorry Hahaha nakakatawa lang k-kasi yung itsura mo kanina Hahaha. H-hindi mai-pinta hahaha!" Halakhak ko

"Grabe so epic. Laptrip. Hahahaha Sakit ng tiyan ko dun ah." Tawa din Denver

"'Dream on!' Talagang hanggang panaginip ka na lang Claire. Tingnan mo nga nag walk out oh." Pigil na tawa ni Finn at ginaya pa yung boses ni Vash sa dream on

"Nakakainis!" Gigil nitong sabi at lumabas ng hide out namin. Padabog pa niyang sinara ang pinto. Ang amazona talaga ng babaeng yun. Kaya walang nagkakagusto eh.Dahil sa ugali.

_____

ELLAH POV:

I'm on my way. Papunta ako ngayon sa school. Ako na ang nag drive, nasa mood kasi ako at mayroon naman akong licence kaya okay lang na magdrive ako. Pagkarating ko ay nagpark na ako. Pumunta na ako sa room ko.

"Hi bes." Bati sa akin ni Margie pagka-upo ko

"Hello. Good morning." I smiled at her

"Saan si Dara at Denise?"
Tanong ko

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now