Twenty Four

3.1K 66 0
                                    

***

ACE POV:

Nandito kami ngayon nagme-meeting. Si Chloe naman ay halos sumabog na sa sobrang galit. Bumababa kasi ang sales ng restaurant at hindi niya alam kung bakit. Isang buwan narin akong nandito at isang buwan ko na ring sinisira ang image ng restaurant kaya bumaba ang sales nito.

Ang ginawa ko kasi ay nilalagyan ko ng mga insect ang mga sini-serve at nilalagyan ko din ng gamot. Yung pagkatapos mong kainin ay mananakit ang tiyan mo. Tapos ninanakawan ko din kaya ayun. Wala namang nakakaalam eh. Dahil mayroon akong ina-signed na i-cut ang mga cctv footage. Kaya walang nakakaalam. Malaya akong nakakagalaw dahil mayroon akong mga kasamahan dito.

Hindi nila ako isusumbong dahil mga tropa ko sila. Mga kaibigan ko na ang kinuha ko para walang sabit. Ang importante hindi nila kilala si Ellah na totoong may pakana nito dahil ayaw kong masabit siya dito at mapahamak. Yung pera na nakukuha namin sa restaurant ni Chloe ay ginagastos namin.

"WALA BANG SASAGOT SA INYO." Napaitlag ako nung sumigaw si Chloe. Nagkatinginan kami nung mga kasama ko sa pagsira sa restaurant.

"Cheneck ko na po yung cctv pero wala naman pong kahinahinala." Kinakabahang sabi nung naka assign sa cctv. Katabi nito ang kaibigan ko na parang kalmado lang.

"So anong ibig niyong sabihin? Na ako mismo ang sumisira ng sarili kong restaurant? Mga wala ba kayong utak. Hindi ko kayo binabayaran para tumunganga." Sabi nito

"I-double check kaya natin yung cctv baka makakuha tayo ng clue." Sabat ko sa usapan nila.

"Ginawa ko na po yun sir pero wala po talaga." Malumanay na saad ni Ben.

"May kaaway ka ba na pwedeng gumawa nito?" I asked Chole at bumaling as kanya. Tumingin naman sa akin si Chloe at yung iba.

"Si Ellah. Siya lang ang naiisip ko na pwedeng sumira sa akin. Hayop na babaeng yun. Hindi ko siya hahayaan sirain lahat ng pinaghirapan ko."

'Nice. Hula mo.' Turan ko sa isipan ko habang nakatingin kay Chloe na halos sumabog na sa galit.

"Posible rin. Pero paano kung hindi siya... Wait... Sino ba yung tinutukoy mong Ellah? Bakit mo naman siya nasali sa usapan?" Kunwari kong tanong sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman na magkakilala kami ni Ellah ko.

"Yung hayop na babaeng yun. Siya ang bwisit sa buhay noon pa man at hanggang ngayon ayaw niya akong tantanan. Sana namatay na siya noon pa." Naputol na ang ballpen nito sa sobrang kapit niya dito.

"Umalis na kayo. Ako na lang ang gagawa ng paraan tutal wala naman kayong mga silbi." Nagsitayuan naman ang lahat at lumabas na. Kami lang ni Chloe ang nandito.

"Lubog na sa utang itong restaurant. Kapag hindi pa ako makapag bayad ipapasara nila ito." Paiyak nitong sabi. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa upuan niya.

"Ibenta mo na lang kaya." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Pero...." Hinawakan ko yung kamay niya

"Mas mabuti na ibenta mo kaysa ipasara. Pwede ka namang magpatayo ng bagong restaurant diba? Bagong restaurant bagong buhay." Masaya kong sabi

"Talaga?" Tumango ako sa tanong niya. Umiiyak na siya sa harap ko pero hindi ko manlang magawang maawa sa kanya.

"Wag kang mag-alala, matatapos din ito." Pinunasan ko ang luha niya. Nakakaawa ka pero para to sa mahal ko. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag sa suggestion ko.

"May kakilala ako, yung kaibigan niya. Baka sakaling magustuhan niya ito. Magpapatayo kasi siya ng coffee shop. Wag kang mag-alala malaking bumayad yun. Kung gusto mo lang naman." Pag aalok ko dito

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon