Nine

4.7K 96 6
                                    

***

What if she's back?

CLAIRE POV:

Tatlong taon nang patay si Ellah. Akala ko sa pagkawala niya ay matututunan na akong mahalin ni Vash. Umasa lang pala ako sa wala. Ano ba talaga ang mayroon sa babaeng yun? Bakit ganon siya kamahal ni Vash?

Binigyan ko ng malaking halaga yung  kapatid ni Ellah dahil siya ang nakapatay dito. Tatlong taon ko naring tinanggal sa buhay ko ang ginawa kong pagpapapatay kay Ellah. Binaon ko na rin sa limot ang nakaraan. Pero may araw na bigla bigla akong ginugulo ng nakaraan na pilit kong ibinabaon sa hukay pero kahit ganun hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.

_______

DENISE POV:

"Kailan ba siya uuwi huh, Dara?" Tanong ko kay Sandara the mute. Nasa room na kami at ang hinihintay na lang namin ang ang prof namin na any minute now ay darating na.

"Seryuso ka talaga sa tanong mo Denise? Hindi ba uso sayo ang salitang TV." Napasimagot na lang ako sa sagot niya. Kinaka-usap nang maayos tapos mambabara lang. Pag siya naman ang biniro galit na galit.

"Grabe ka naman. Nagtatanong lang eh."

"Hindi kami kasi nakapanood ng TV kahapon kasi busy kami." Napatango ako sa sinabi ni Margie. Siya lang kasi ang nakaka-usap ko dito simula nung mawala siya.

"Bakit, hindi rin ba uso sa inyo ang salitang youtube, fb, instagram at twitter? Nag cellphone pa kayo kung ganun." Bakit kaya mainit na naman abg ulo niya ngayon.

"For your information Dara lahat po uso sa amin. Sadyang busy lang, ikaw lang ata ang hindi uso ang ngumiti. Sali ka  kaya sa poker face compitation baka sakaling manalo ka.." Tama si Margie. Tiningnan na naman kami ni Dara ng masama.

Magsasalita pa sana siya nang pumasok na ang prof namin. Buti naman baka matalakan na naman kami ni Dara nito. Save by the bell. Umayos na kami ng upo at nakinig.

Kamusta na kaya siya ngayon? Three years na nung iwan niya kami. At sa loob ng three years na yun ay hindi na kami nagkikita-kita. Sa cellphone lang kami nag kaka-usap, yung video call ang gamit namin. Gusto ko sana na magmeet kami kaso ayaw niya. Hindi pa daw ito ang tamang panahon para magkaharap harap kami.

______

Natapos ang klase at nagsi-uwian na kami. Sa bahay kami ni Dara pumunta baka sakaling may pagkain doon. Alam niyo na. Nakarating na kami sa bahay nina Dara. Si Dara ay pumasok na sa kwarto niya kasama si Margie.Ako ay pumunta sa kusina.

"Manang ano pong pagkain?" Tanong ko kay Manang Lily. Felling kanya ang bahay ah. Sanay naman na sila sa akin eh kaya okay lang. Pumunta ako sa ref at tumingin ng pwedeng kainin. Napasimangot ako nang wala manlang lutong pagkain sa ref.

"Ay wala." Pagpaparinig ko kay Manang
Baka kasi gumana. Hehehe alam niyo na

"Naku Iha pumunta kana sa mga kaibigan mo at ipagluluto ko na kayo ng makakain." Kuminang ang mata ko nung marinig ko yung sinabi ni Manang.

"Talaga po manang?" Hinawakan ko ang kamay ni Manang

"Hahaha oo kaya pumunta ka na sa doon." Manang

"YEHEYYY." Sigaw ko at tumatalon habang papunta sa dining. Kumuha muna ako ng kutsara at tinidor bago umupo.

"MANANG PAKIBILISAN PO." Pasigaw kong sabi kay Manang. Nasa kusina kasi siya. My god kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan.

"Ano namang inutos mo kay Manang?" Tiningnan ko si Dara

"Nagpaluto ako ng makakain natin." Nakangiti kong sabi

"Pag pagkain talaga hindi mo pinapalampas." Margie

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang