Sixteen

4.3K 83 4
                                    

***

Fuentavilla's Mansion

DENISE POV:

"Nasaan kaya ang mga bruhang yun?" Bigla ko na lang natanong sa sarili ko. Kanina pa kasi ako naghahanap sa kanila pero hindi ko sila mahanap.

"Denise." Lumingon ako sa tumawag sa akin. Tumaas ang kilay ko nung makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

"What?" Pagtataray ko

"Nasaan ang president?" Lalong tumaas ang kilay ko sa tanong niya

"At bakit mo siya hinahanap aber?" Pagtataray ko pa

"I need to know where she is dahil may mahalaga kaming pag-uusapan." Finn said

"And I need to know kung bakit mo siya gustong makausap." Ulit ko sa tanong niya.

"About sa school ang pag-uusapan namin. Ano sasabihin mo na kung nasaan siya?"

"Hindi! Dahil hindi ko naman alam kung nasaan siya at kanina ko pa din sila hinahanap. Ano may itatanong ka pa?"

"Tss." Singhal niya at bigla na lang umalis

"What a childish girl." Narinig kong bulong niya pero hindi ko nagets ang hina kasi ng boses niya. Magtatanong na sana ako kaso nakaalis na kaya hinayaan ko na lang. Nag patuloy na lang ako sa paghahanap sa kanila.
Pumunta ako sa garden at nandito nga sina Dara pero si Ellah lang ang wala dito.Lumapit na ako sa kanila

"Margie." Tawag ko. Nakuha ko naman ang atensiyon nila

"Bakit?" Tanong nito

"Nakita niyo ba si Ellah? Kanina ko pa kasi siya hinahanap." Sabi ko

"Hindi eh atsaka kanina parin namin siya hindi nakikita." Tumango na lang ako sa sinabi niya

"May ginawa lang siguro yun. Mabuti pa ayusin na natin ang office natin." Sabi ni Dara

Pumayag naman kami ni Margie at pumunta na sa office namin. Ngayon namin aayusin ang office namin.
Pagkarating namin ay naabutan namin sina Carla na naglalabas ng mga basura nila.Yes basura dahil basura naman talaga lahat yun parang sila basura.

"HAY! Buti naman at tapos niyo ng ayusin ang mga kalat niyo. Hindi kasi namin maayos ang mga gamit namin dahil ang bagal niyong maghakot ng basura." Saad ko para makuha ang atensyon nila. Ngumisi naman si Margie at nag-apir kami. Umupo ako sa couch samantalang si Margie ay nakatayo pa

"Gusto namin walang matitirang kalat na galing sa inyo." Margie. Liningon namin si Dara na umiiling-iling na nakangiti.

"MAKAKAGANTE RIN KAMI SA INYO!" Sigaw ni Carla

"AT BABAWIIN NAMIN SA INYO ANG KINUHA NIYO!" Si Amara

"MAGNANAKAW!" Sigaw din ni Darla

"We don't care kahit maglumpasay pa kayo diyan." Pagtataray ni Margie

"As if naman na may mababawi kayo. Atsaka hindi kami magnanakaw kasi in the first place naman walang sa inyo dahil ang lahat na mayroon sa inyo noon ay ninakaw niyo lang! Kayo ang magnanakaw, binabawi lang namin ang ninakaw niyo. Mga walang utak!" Bulyaw ko. Kung makapagsalita kasi alaka mo kung sino.

"Kung wala na kayong sasabihin you may now leave. Dahil may mahalaga pa kaming gagawin kaysa sa makipag talo sa mga walang utak na kagaya niyo." Singit ni Dara. Lumabas naman sila ng padabog dala ang mga gamit nila. Ibinalibag pa nila ang pinto. They really a bitch

"Margie tawagan mo nga yung magdadala ng gamit natin dito nang matapos na tayo!" Sinununod naman ni Margie ang sinabi ni Dara. May kinalikot naman sa phone niya si Margie at nakipag-usap sa tinawagan niya.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now