Sixty Nine

1.4K 27 4
                                    

***

Third Person POV:

Sa mansion ng Marcova sila nagtipon- tipon. Ang mga-asawang Marcova, mga pulis at mga kaibigan ni Ellah.

Nang malaman ng mag-asawa na ang nawawala nilang anak ay si Ellah ay labis silang natuwa. Sa wakas nahanap na nila ang ang nawalay nilang anak  sa loob ng maraming taon. Hindi nila inakala na si Ellah Cassandra Fuentavilla ang kanila palang anak. Ngunit nang malaman nila na hawak ito ni Dani Marcova ay labis silang nabahala at natakot. Ayaw na nila ulit na mawalay sa kanilang anak.

Hindi rin sila makapaniwala na ang pinakamamahal nilang pamangkin at itinuring na rin na parang isang tunay na anak ang isa sa dahilan ng pagkawalay nila sa anak. Hindi rin nila inakala na itinago nito ang katotohanan na buhay pala ang ina nito na kanya ring kapatid. Akala niya ay namatay na ito.

Si Dani Marcova ay kasama sa mga binabalak nang kanyang kapatid para pabagsakin sila at kunin ang kanilang mga ari-arian na pinalago nila ng maraming taon. Ngayon ay nahuli na nila ang ina nito at ang kailangan lang nila ay mahuli si Dani at mailigtas si Ellah.

Nahihirapan ngayon ang mga pulis na i-track ang location ni Dani. 5 hours lang ang binigay sa kanilang palugit para mailigtas si Ellah.

"Ano na kayang nangyayari kay Ellah ngayon? Baka sinasaktan na siya ni Dani?" Paiyak na saad ni Margie at tumingin sa mga kasamahan

"Nangyari na ito noon eh tapos mauulit na naman. Paano kung hindi na siya makaligtas. Hindi pa natin alam kung saan siya hahanapin. " Sang-ayon din Denise sa kaibigan na katabi lamang nito

" Tita, totoo po ba na kayo ang magulang niya? Siya po ba talaga si Fancy?" Di mapigilang tanong nang dalagang si Dara

Sobra silang nagulat nang malaman nila na kinidnap ni Dani ang kaibigan nila. Inakala nito na pupunta talaga ito sa party pero bitag pala iyon. Pero mas lalo nilang ikinagulat nang sabihin ng mag-asawang Marcova na ang nawawala nilang anak ay ang kaibigan nilang si Ellah.

Hindi sila makapaniwala na ang kanila pala nilang kaibigan ay isang tagapagmana. Nakakagulat pero iyon ang katotohan.

"Kami nga rin nagulat eh. Akala namin noon patay na siya, halos pagbagsakan kami ng langit at lupa. Siya ang kaisa isa naming prinsesa. Lumipas ang ilang buwan at halos matapos na ang isang taon pero hindi parin namin nahahanap ang bangkay niya kaya umasa kami na buhay pa siya. Pinahanap namin siya hanggang sa lumipas na ang ilang taon pero wala parin. Yun pala matagal na pala nilang nahanap ang anak namin pero hindi dumadating ang impormasyong iyon. Ang magandang balitang iyon ay ibinibigay nila sa kapatid ko na nagpapanggap na patay. Hanggang sa nalaman namin ang katotohanan at kasabwat niya  pala si Dani." Malungkot na saad ni Gabriella sa magkakaibigan

"Marami nang pinagdaanan ng prinsesa namin at hindi kami papayag na muli siyang ilayo sa amin." Pag-sang ayon din sa kanyang asawang si Jerome
.
.
.
Isang oras na silang naghihintay at apat na oras na lang ang natitira. Napatigil sila sa pag-uusap nang lumapit sa kanila si Officer Nam na nakangiti na.

"Mr. Marcova, Alam na namin kung saan dinala ni Dani ang anak niyo. Nasa isang yate sila ngayon. Alam narin namin kung ano ang pangalan yate." Masayang saad ni Officer Nam

"Kung ganun ano pang hinihintay niyo. Umalis na tayo." Biglang pagsingit ni Vash na nakatayo na

"Ang mabuti pa huwag na kayong sumama. Baka mapahamak kayo. Mapanganib ang lakad na ito. Hintayin niyo na lang kami dito." Malumanay na sabi sa kanila ng ginang

"No. Ayukong maghintay at maupo na lang dito habang yung taong Mahal ko nandun nanganganib ang buhay. Sa ayaw at gusto niyo sasama kami." Pinal na tugon sa kanya ng binata at nauna nang umalis

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon