Fifty Three

2K 36 0
                                    

***

ELLAH POV:

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makalayo na ako dun. Ano bang plano ng mga yun? Aist! Itinaas ko ang hawak kong kwentas na hugis susi at tiningnan ito. Bakit ito pa ang pinili ni Vash at bakit naman niya sa akin binigay? Binulsa ko na lang ito. Pumunta na lang ako sa cosplay coffee booth para tumulong. Naglilinis ako ng table nang biglang may naglagay na posas sa kaliwang kamay ko. Tiningnan ko naman ang gumawa nun.

"Sorry po Ms. Pres. Napag-utusan lang." paumanhin ng babae sa akin at mabilis na akong hinila pero hindi naman masakit. Nakarating kami sa wedding booth. Hinila na naman ako ng babaing may hawak sa akin kaya sumunod na lang ako. Napatigil lang ako sa paglalakad dahil ang lalaking nakatayo sa harap ko ay walang iba kundi si Vash. Katabi nito si Margie at Tristan.
Nandito na naman ang lalaking ito. Naku Tristan mapapatay talaga kita.
Pakana na naman nila ito.

"Pagsuutin niyo na ng belo ang bride. Naiinip na kasi yung groom natin." saad ni Tristan. Nang makalapit ako sa kanya ay binatukan ko na siya. Napa aray naman siya.

"Ano bang kalukuhan to huh?" inis kong tanong

"Tumahimik ka na lang at mag enjoy okay." sagot nito at sinenyasan si Margie 

"Simulan na natin ang seremonya." sabi pa ni Tristan na may malakas na boses. Seremonyang pinagsasabi nito.

Lumapit sa akin si Margie at hinila. Pinaharap niya ako bigla kay Vash na ikinagulat ko. Malakas ang pagkakahila nito sa akin paharap kay Vash pero dahil nga sa lakas nun ay hindi ko nabalanse ang katawan ko kaya muntikan na akong mapasubsob kay Vash. Muntikan ng magdikit ang katawan namin pero buti na lang at napigilan ko kahit yun lang. Tumingala ako at sumalubog sa akin ang mukha ni Vash na seryosong nakatingin sa akin.

Mabilis akong umiwas ng tingin at lumayo dito dahil isang pulgada lang ang layo ng mga katawan namin at baka marinig pa niya ang lakas ng pintig ng puso ko. Tumingin ako kay Margie dahil sa ginawa niya at ang bruha ngiting ngiti pa. Sinadya niya yun panigurado. Pinagholding hands niya ang mga kamay namin ni Vash na tahimik lang sa harap ko. Inabot din niya sa akin yung bulaklak kaya kinuha ko na lang ito. Wala akong magawa kundi gawin lang ang gusto nila. Hayyy. Sana pala nagtago na lang ako. Kainis. Itong lalaki namang ito ay mukhang walang pakialam. Hindi ba ito magagalit?

"Bago magsimula ang kasalang ito, mayroon bang tumututol? Kung mayroon man wag ng magsalita." Saad ni Tristan habang nakatingin sa maliit na librong hawak.

"Wala yun sa script." rinig kong bulong ni Margie na nakatabi na kay Tristan.

Hindi naman ito pinasin ni Tristan sa halip ay lumapit sa amin at tumingin kay Vash. Kung pwede lang sanang umalis kaso nakaposas pa yung kamay ko. Binalingan ko ng tingin yung kumukuha sa amin ng picture. Nakangiti lang siya sa amin.

"Ikaw Lalaki, tinatanggap mo  ba ang babaing ito bilang kabiyak ng iyong puso sa hirap man o sa ginhawa? Sa lungkot man o ligaya? At pasasayahin habang kayo ay nabubuhay sa mundong ibabaw? Hinding hindi sasaktan at mamahalin magpahanggang wakas? say I do."

"I do." napatingin ako kay Vash ng sabihin niya iyon. Nakatingin lang don siya sa akin at hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon nang biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang kabiyak ng iyong puso sa hirap man o sa ginhawa? May kasalanan man o wala? I do or I do?" nagtawanan naman yung mga nanood sa amin dahil sa choices na sinabi ni Tristan. Nagbigay nga ng pagpipilian pero wala namang mapipili dun. At bakit parang may ibigsabihin yung mga salita niya?

"I-i do." sagot ko na lang. Wala rin namang mangyayari kung hindi ako Sasagot pero letse. Bakit bumaluktot ang dila ko?

Basta gaganti ako sa tukmol na ito. Puro kalukuhan ang naiisip eh. Kinuha niya rin ata itong sideline. Dapat hindi ko na lang siya pinayagan na magplano.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora