Twenty Eight

2.9K 57 2
                                    

***

ELLAH POV:

Nakatingin lang ako kay Claire na kakalabas lang ng police station. Napatigil siya ng makita ako. Anong ginagawa niya dito?

Lumapit ako sa kanya. May benda parin ang braso ko dahil hindi pa ito gumagaling.

Dalawang araw na nung nangyari ang pag baril sa akin ni Chloe at dalawang araw na rin siyang nakakulong rito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tumingin sa entrada ng police station kung saan may ilang mga pulis na nakatayo.

"Wag mong sabihin na may kasalanan ka kaya ka nandito?" Pagbibiro ko kaya tiningnan niya ako ng masama

"May dinalaw lang ako." Walang gana niyang sabi

"Sino? Kasabwat mo?" Tanong ko pa

"Excuse me?" Mataray nitong sabi dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

"Bakit, tinamaan ka?" Tanong ko. Hindi na ito nagsalita pa at umalis na. Nilingon ko siya ng nakangisi at nakita ko kung paano niya sinarahan ang kotse niya ng malakas.

Sa ngayon malaya ka pero bilangin mo na ang mga araw na malaya ka dahil ikaw naman ang isusunod ko kay Chloe at ako mismo ang gagawa na sarili kong batas para sayo Claire at sa mga kasama mo na nagpahirap sa akin.
Pumasok na ako sa police station at lumalit sa isang pulis.

"Gusto kong maka-usap si Chloe Manoban." Saad ko. Tumango naman siya.

Umupo ako sa may upuan at hinintay siya. Tumayo ako ng makita ko siyang papalapit sa akin. Ang sama ng tingin niya sa akin.

"How's your day?" Mapang asar kong tanong. Hindi siya nagsalita at umupo na lang. Kaya umupo na rin ako.

"Akala ko natuluyan ka na." Saad nito

"Akala ko rin natuluyan kana. Pero malabong mangyari yun dahil ang Sabi nga nila ang masamang damo mahirap mamatay." I said

"Pumunta ka ba dito para makita akong naghihirap?" Inis nitong tanong

"Yeah. But I'm not yet satisfied." Naka ngiti kong sabi

"Kung Wala ka ng sasabihin ay papasok na ako sa loob." Sabi nito at tumayo na

"Alam ko naman na hindi ka dito magtatagal dahil alam ko na may tutulong pa sayo na makalaya pero hindi ko na tatanongin pa kung sino yun." Saad ko at tumayo na rin

"Sorry girl pero ako dapat ang maunang mag walk out. You know why? Because I'm the queen." Muli kong saad at binangga siya

Narinig ko naman ang pag aray niya dahil ang binangga ko ay yung may benda sa braso niya na tinamaan ng bala. Nilingon ko siya at nagdurugo ang braso niya. Malakas kasi ang pagkakabangga ko sa kanya.

"Oppss. Sorry." Pang aasar ko at tuluyan ng umalis

Alam kong hindi pa tapos ang laban namin ni Chloe pero nasisigurado ko na ako ang mananalo sa laban na ito. Kung noon ay nanalo siya sa pagpatay sa akin noon pwes ngayon hindi na dahil sisiguraduhin ko na ako ang mananalo. Pinatay man nila ang Ellah na mahina ay binuhay naman nila ang palaban na ELLAH na hinding hindi mapapabagsak nino man.

Because I'm not ordinary.
_______

SOMEONE'S POV:

"Hon, may balita na ba sa anak natin." Tanong ko sa asawa ko. Umupo siya sa couch at sumandal.

"I'm sorry, hon. Wala pang balita si Detective Han." Malungkot nitong sabi

"Nawawalan na ako ng pag-asa, hon. 19 years na natin siyang hinahanap pero hanggang ngayon wala paring nangyayari." Mangiyak-iyak kong sabi

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now