Fifty Five

2.3K 47 7
                                    

***

Margie POV:

"HAHAHAHA hindi daw takot eh ano yung nangyari sa loob? Huh? Tears of joy? Hahahah. Oh m G! Nakakahiya ka talaga. Paano kaya pag nalaman ng fan girls mo ito. So nakakahiya." tumatawa kong saad habang palabas kami ng sinehan. Nakasimangot naman siya habang pinunasan sa panyo ang kanyang pawis. "Grabe, wala kang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw sa buong tatlong oras Hahahah. Tibay mo ah. Hindi na ako magtataka kung mawalan ka ng boses kinabukasan." Hindi siya sumagot sa halip ay patuloy na pinanusan ang pawis sa kanyang noo at nagpupunas rin siya ng luha. Nasa mukha parin niya ang takot dahil sa putla ng kanyang itsura. Pero ang sama din ng tingin ang binibigay niya sa akin.

Yung iba ding mga nanood ay tumatawa habang tinitingnan si Cyrus na naglalakad. Magagalit na sana ako sa kanya kanina dahil wala man lang akong naitindihan sa palabas pero nung makita ko siyang umiiyak na sa sobrang takot at putlang putla na bigla na lang nawala yung galit ko. Natakot talaga siya dun? Eh panggugulat lang naman ang ginawa nung kalaban yun lang. Ano nakakatakot dun?

"Sa susunod talaga hindi ko na hahayaan na pumunta tayo sa ganitong lugar. Baka ito pa ang maging sanhi ng kamatayan ko." bulalas nito at hinila na ako paalis sa lugar na iyon kaya nagpatangay na lang ako. Anong nangyari sa I'm not scared chu chu niya hahaha.

________

Masaya akong pumasok ng university. Hindi ko kasi makalimutan yung nangyari kahapon. Super epic. Dapat vinideohan ko yung pagsigaw niya at yung pag-iyak niya. Sayang talaga. Siguradong sisikat ako dun.

"Morning guys!" bati ko kay Denise nang makalapit na ako sa kanya.

"Good mood ka ah pero bakit walang good sa morning mo. Anyari?" saad ni Denise. Kumapit lang ako sa braso ni Denise at ngitian siya. "Mamaya kwento ko sa inyo." masaya kong saad

"Ang saya mo ata." turan ni Dara at lumapit sa amin

"Simpre may nangyari eh." nakangiting saad ni Ellah. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Sa kanya ko kasi unang kinwento dahil hindi naman siya madaldal.

"Ah yun ba yung nangyari sa date nila ni Cyrus kahapon." napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay Denise. Paano niya nalaman?

"Wag mo na ikwento dahil naikwento na sa amin ni Ellah." saad din ni Dara. Nilingon ko naman si Ellah. Seryuso?
Nakangiti naman si Ellah sa akin na parang walang nangyaring bukingan. Tss. Nahawaan na siya.

"Alam mo Margie, yang si Ellah kaibigan natin yan kaya malamang nahawaan natin siya ng pagiging madaldal. Kaya kung ako sayo i-treasure mo na lang kung ano man ang gusto mong sabihin about kay Cyrus mo." nakangising saad ni Denise. Anong Cyrus ko. Tss. Kung ano ano ang iniisip.

"Pero bakit hindi niyo sinabi kanina?" maktol ko. Kainis. May pa secret secret pa akong nalalaman yun pala alam na nila. "Ayaw kasi naming masira ang moment mo kaya napagplanohan namin na wag sabihin sayo." nakangisi ding saad ni Dara. Ngumuso naman ako. Nakakainis talaga. Nagtawanan naman silang tatlo. Makakaganti rin sa inyo. Hahaha.
.
.
.
>Fastforward<

Nasa cafeteria kami ngayon. Break kasi namin ngayon. Wala kaming ginawa kundi magtawanan at makwentuhan. Ikinuwento rin kasi ni Denise yung paglabas nila dati ni Finn. Hindi nga namin alam yun eh. Ang sabi naman niya dati na yun. Yun yung hindi pa kami magkakasundo. Nagcelebrate silang dalawa nun dahil sila yung nanalo sa cooking competition.

Inipon na namin yung kalat namin dahil babalik na kami sa room nang biglang may lumabas sa pintuan ng cafeteria na isang lalaking humahangos. Nagkatinginan naman kaming apat bago tumingin sa kanya. Ganun din ang reaksiyon ng mga estudyante na kumakain. May tinuro yung lalaki. Tinuro niya kung saan siya nanggaling.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon