Eleven

4.7K 101 7
                                    

***

The battle's begin

VASH POV:

"Sige na nga magpapakilala na ako dahil mukhang wala na talagang gamot sa mga katangahan ninyo. I'm the one and only nerd before... I'm Ellah Cassandra Fuentavilla... And I'm back..." Malaki ang pagkakangisi niya sa aming lahat pero ito at nakatulala sa kanya.

Gulat, saya, lungkot at pagsisisi ang nararamdaman ko. Ang akala ko wala na ang babaeng mahal ko pero mali pala ako dahil ngayon nasa harap ko na siya. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung buhay siya at nasa harap namin ngayon, hindi sa gusto ko siyang mamatay. Masaya nga ako at buhay siya. Pero sabi nila patay na daw siya dahil nahanap ang bangkay niya.

"Alam niyo ba kung bakit ako nandito?Dahil gusto kong tapusin ang sinimulan niyo. Sayang naman kung hindi natin tatapusin diba? So I decide na ako na lang ang tatapos ng sinimulan niyo. Diba nga sabi nila wag mong iiwan ang sinimulan mo, tapusin mo ito para wala ng problema. So....Ang sinumulan niyo, tatapusin ko pero hindi sa paraang gusto niyo dahil ngayon, ako naman ang magpapasya kung ano ang magiging wakas ng sinimulan niyong gyera. And That's the reason why I'm here." Kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya. Wala ng kalambing lambing di tulad ng dati kapag kinakausap niya ako sinasamahan niya ng lambing, ngayon wala na.

Sinuot niya ulit ang shade niya bago bumaba ng stage. Wala parin kaimik imik ang lahat. Tiningnan ko si Claire. Nagulat ako dahil sa pagtulo ng luha niya habang nakahawak sa bibig niya. Putlang putla rin siya at nanginginig ang katawan niya.

"N-no t-this c-can't b-e..." umiiling iling ito habang nagsasalita. Nakatitig siya kay Ellah.

"SHIT....CLAIRE!!" Lahat ay nagtinginan sa amin dahil sa pagsigaw ko. Pati si Ms.-- I mean Ellah ay tumingin sa gawi namin. Nabigla ako nung ngumisi siya bago siya umalis. Wala na ang awa sa mga Mata nito. Tuwang tuwa pa siya sa mga nangyayari. Buti na lang katabi niya ako at nasalo ko siya. Hinimatay siya dahil hindi niya akalain na ang dating mas mababa sa kanya ay nilagpasan na siya. Ewan ko ba sa babaeng ito bakit nahimatay sa sobrang takot. Para siyang nakakita ng patay.

"Finn buhatin mo." Utos ko kay Finn

"Bakit ako? Ikaw na lang. Ikaw naman nakasalo eh." Bwisit na Finn to. Inuna pa talaga ang kaartehan. Hindi ko pwedeng buhatin to dahil pag nagising to ewan ko na lang.

"Pag ako ang bumuhat dito at nalaman niyang ako ang bumuhat sa kanya pagkagising niya sigurado akong hindi niya ako titigilan. You know what she can do. At kapag nangyari yun humanda ka sa akin. Magtago ka na sa puder ng nanay mo." Pagbabanta ko

"Wengya naman oh." Pagmamaktol niya

"Maghanap kaya tayo ng pwedeng magbuhat." Cyrus

"May isip ka pala Cyrus?" Nagawa pa nilang magbiruan sa lagay na to.

"Malamang, ako pa." Umalis siya saglit. Nang bumalik si Cyrus ay may kasama na siya.

"Ayan buhatin mo, sa clinic mo dadalhin huh. Subukan mo siyang dalhin sa ibang lugar at ako mismo ang magdadala sayo sa impyerno." Pagbabanta ni Cyrus. Binuhat na nung lalaki si Claire. Umalis na rin kami. Kailangan kung maka-usap si Ellah.

_____

ELLAH POV:

Mukhang nasurpresa ko sila. Hindi nila inaasahan na talagang magbabalik ako at nilagpasan ko pa ang yaman na meron sila. Akala nila puro salita lang ako noon pero hindi. Kahit na tatlongGrabe sobrang saya ko nung makita ko silang gulat na gulat lalo na si Claire. Lalo akong natuwa noong hinimatay siya. Pwes hindi lang yun ang mararanasan niya or nila. Sobra sobrang sakit ang ipaparanas ko sa kanila. Papatunayan ko sa kanila na talagang nagbago na ako at kayang kaya ko na silang labanan ng ako lang mag-isa because I have a power, wealth and also...

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now