Forty

2.7K 50 0
                                    

***

ELLAH POV:

Pumasok na kami sa resthouse. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ngayong araw o sa mga susunod na araw lalo na nandito ang mga taong  kinamumuhian ko. Ito ang lugar na kinalakihan ko at hindi ako makakapayag na dito sila mangugulo dahil hindi ko sila palalagpasin kahit na isa sila sa mga guest ng isla.

Tinuro ko na lang sa kanila ang kwarto pupuntahan nila. Dalawang palapag kasi ito rest house ko at lima ang kwarto sa ikalawang palapag. Bawat kwarto ay may kanya kanyang bathroom. Magkakaiba nga lang ng laki. Yung dalawang kwarto ay mayroong dalawang kama, yung tatlo naman ay tig isa ang kama kasama na doon ang akin. Tanging ang kwarto ko lang ang may veranda at doon nakaharap sa malawak na dagat.

Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay sila na bumaba at kinuha ko ang t-shirt at maong short na nakalagay sa table at sinout ito. Tumayo na ako nung makita kong bumaba sina Dara at nakapag palit na sila ng damit.

"Ang ganda ng rest house mo. Gusto ko ring magpagawa nito." Ani Denise habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar.

"Ako rin." Dagdag naman ni Margie

"Saka niyo yan pangarapin kapag kapag nakapagtapos na tayo." Saad ni Dara. Sumimangot naman ang dalawa dahil sa tinuran nito.

"Panira ka talaga moment." Inungusan siya ni Margie. Si Denise naman ay Inirapan si Dara na parang wala namang pakialam sa dalawa.

"Tama na yan. Ang mabuti pa samahan niyo muna ako sa labas ng resort. May bibisitahin lang kasi ako." Inawat ko na sila. Nagsitango naman sila kaya lumabas na kami ng resthouse. Nilock ko muna yung pinto bago kami nag deretso. Lumakad na rin kami. Papalabas na sana kami ng resort nang may tumawag sa amin. Nilingon naman namin sila at sina Vash lang pala ito na papalapit sa amin.

"What?" Walang ganang tanong ko nang makalapit si Vash kasama ang barkada niya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Denver

"Wala ka na dun." Pagtataray ni Dara. Tiningnan naman ng masama ni Denver si Dara.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko eh." Nakangising turan ni Denver. Hinarap naman ni Dara si Denver at namiwang pa. Nakataas din ang kilay nito.

"Are you stupid mister? You said kayo it means kami ang tinatanong mo kaya sumagot ako. Kasi pag hindi ako sumagot edi nag mukha kang tanga niyan kahit totoo naman."Pagtataray nito kaya nawala ang ngisi sa labi ni Denver. Pansin ko lang. Parang nagiging madaldal si Dara kapag si Denver ang kausap niya. Noon ko pa ito napapansin.

"Ano natameme ka ngayon? Don't be so stupid kasi." Dagdag pa nito. Hindi rin ito naging madaldal kundi nagiging pikonin dahil sa pang-aasar ni Denver. Para ngang may Mali sa dalawang Ito.

Tinaas naman ni Denver ang kamay niya na parang sumusuko. "Relax. Masyado ka namang hot. Nagbibiro lang naman ako eh."

"Well, for your information Mr. stupid alien creature. I'm not joking and it's not even funny. Your joke is so lame. Hindi ka rin mukhang joker so shut up."

"Grabe ka naman maka stupid sa akin. Atsaka hindi naman talaga ako joker eh. Sa gwapo kong to. Nah!" Saad ni Denver habang umiiling.

"Alien na nga feeling pa. Hindi ka naman talaga mukhang joker eh dahil mukha kang payaso. Oo gwapo ka nga pero pag nakatalikod nga lang." Pagtataray pa ni Dara.

"Sumusobra ka nang amasona ka huh. Pag hindi mo tinigil yan iisipin ko na talaga na may gusto ka sa akin. Parang nagpapapansin ka lang ata sa akin." Naaasar na turan ni Denver. Napamaang naman si Dara sa narinig at Tinuro Tinuro ang sarili. "Ako? Magkakagusto sa isang tulad mo? No way! Asa ka. Sa pangit mong yan. Wag na." Magsasalita na sana si Denver nang pigilan siya ni Finn

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now