Epilogue

1.9K 34 6
                                    

***

Third person POV:

Nakatambay silang magkakaibigan sa kwarto ni Vash. Si Tristan na nanonood ng TV kasama si Margie, Finn at Cyrus. Si Denver na kinukulit si Dara. At si Denise na kumakain sa tabi ni Vash na payapang natutulog. Gusto sana nilang ihatid si Ellah kaya lang hindi na ito pumayag.

Masayang kumakain si Denise katabi ni Vash dahil hindi siya ginugulo ni Tristan para manghingi. Nawala ang ngiti niya at naibuga niya ang kinakain nang makita niya ang unti unting pagmulat ng mga mata ni Vash. Bigla siyang tumayo at nagtatatalon. Natapon rin ang cake na nasa lap niya dahil sa biglaang niyang pagtayo.

Pumunta siya sa mga kasama na may kanya kanyang ginagawa. Nakatingin ang mga ito sa kanya at hindi nila maitindihan ang kinikilos nito. May itinuturo siya sa likod niya kung saan nakahiga si Vash. Hindi siya makabuo ng salita sa sobrang gulat.

"Sivash,gishingnnasshiya." Sa wakas at nakabuo na siya ng sasabihin kaya lang mukhang hindi naitindihan ng mga kasama niya ang sinasabi niya dahil sa sobrang bilis nitong magsalita.

Umiling iling naman si Dara. Nasa isip niya na baka nababaliw na naman ang kaibigan niya.

"Ano? Ang bilis mong magsalita kasi." Bulyaw ni Margie sa kanya

"Nababaliw ka na naman no? Hahahah. Hindi ba tumalab ang gamot?" Si Finn na pinagtatawanan siya

"Tss." Sabi lang ni Dara at bumalik sa pagbabasa kahit na ginugulo siya ni Denver

"Gutom lang yan." Sabi ni Denver at kinulit na naman si Dara

"Kulang pa ba sayo yung cake? Machine ba yang tyan mo?" Si Cyrus na pinagtatawanan din siya

"Magsitahimik kayong lahat! Hindi ko maitindihan yung pinapanood ko!" Sigaw naman ni Tristan na tutok na tutok sa TV.

"Sivashnagkamalayna." Sabi niya ulit pero hindi na naman siya naitindihan ng mga ito dahil bumalik sila sa kanya kanya nilang ginagawa.

Nag-init naman ang ulo niya dahil hindi siya naitindihan ng mga kasama niya. Huminga siya ng malalim para makasigaw ng malakas.

"SI VASH NAGKAMALAY NA MGA GUNG-GONG KAYO!" Buong pwersa nitong sigaw na ikinatigil ng mga kasama niya sa kanilang ginagawa at tumingin sa kinaroroonan ni Vash.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita nilang umupo si Vash sa kama at nakatingin sa kanilang lahat at sapu- sapo ang ulo.

"A-ang ingay niyo." Nahihirapang sabi ng binata sa kanila

Nang maka get-over sila ay nagsigawan na sila at nagsilapitan sa bagong gising.
.
.
.
.
.
.
.
.
_____

"Vash!" Umiiyak na saad ni Ellah habang nakatingin sa binata na nasa harap niya ngayon.

Gising na nga ito dahil nandito ito ngayon sa harap niya. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa saka dinamba ng yakap ang binata. Wala na siyang pakialam kung nakaalis na ang eroplano ang mahalaga sa kanya ngayon ay gising na ang taong mahal niya at kayakap na niya. Ito na ang matagal niyang hinihintay.

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap si Vash na kanangiti na sa kanya. Pinunasan nito ang luha sa kanyang pisngi. Siya naman ay hinawakan din ang mukha ng kaharap para kompirmahin kung totoo ba ito.

"Totoo ka nga. Hindi ito panaginip o imahinasyon lang diba? Nandito ka talaga sa harap ko." Umiiyak nitong sabi habang nakahawak parin siya sa pisngi ni Vash

"Hindi ito panaginip o imahinasyon lang. Totoong nandito ako sa harap mo at mula ngayon wala ng makakapag hiwalay sa atin... I missed you so much Ellah." Tugon sa kanya ng kaharap at patuloy na pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Hinalikan nito ang kanyang noo na ilinapikit nita. Nang magmulat siya ng mata ay niyakap niya ito ulit. Sobrang higpit ng yakap niya dito. Ayaw na niya itong mawala sa tabi niya.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now