Twenty Six

3K 51 0
                                    

***

ELLAH POV:

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Puting kisame ang bumungad sa akin. Doon ko lang napag tanto na nasa clinic pala ako. Nahimatay ako kanina sa cafeteria dahil sa pakikipagsagutan ko sa mga kampon ni satanas plus the fact the masama ang pa pakiramdam ko that time.

"Ellah, okay ka na ba? Oh god. Tinakot mo kami kanina." Pag aalala ni Margie nang lumapit ito sa akin. Ganun din si Dara at Denise na may pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"Okay na ako. Wag na kayong mag alala sa akin." Ngiti kong sabi. Mukhang nag-aalala nga sila sa akin ng sobra dahil halata ito sa mga kilos nila.

"Ellah, gising ka na pala." Saad ng isang taong kapapasok pa lang sa clinic. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ko kung sino yung nagsalita. Napabangon din ako sa gulat at nakatingin sa kanya na nakangiti.

"Tristan?" Di makapaniwalang tanong ko rito

"Yeah, it's me. How are you my bestfriend? Nawala lang ako pero nagkakasakit ka na." Naka ngiti nitong turan. Lumapit naman siya sa akin. Kahit na Nakangiti ito ay halata parin dito ang pag-aalala.

"Sabi ko kasi sayo alagaan mo ang sarili mo. Yan tuloy nangyari sayo." Sabi pa nito nang makalapit siya sa akin

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rito. Nasa kalagitnaan pa naman sila ng semester ngayon.

"Wala man lang bang thank you diyan?" Inirapan ko na lang siya

"At bakit naman ako magpapasalamat sayo?" Nakataas kong kilay na tanong

"Ako kaya ang nagdala sayo dito sa clinic tapos ang bigat bigat mo pa. Ang taba mo kasi." Hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya. Nagbiro pa kasi.

>Flashback<

MARGIE POV:

Paalis na sana si Ellah pero napatigil kami nang tumigil Ito sa paglalakad. Nagtaka kami nina Dara at nagkatinginan pa kami. Namalayan na lang namin na bigla siyang bumagsak.

"ELLAH!" Sabay sabay na sigaw namin sa pangalan ni Ellah

Tumakbo kami sa kinaroroonan nito. Napatakbo narin si Vash at yung iba na nasa cafeteria ay nag kagulo. Bubuhatin na sana siya ni Vash ng makarinig kami ng sigaw. At kilalang kilala ko ang boses na yun.

"ELLAH!" Sigaw nito mula pa lang sa pinto ng cafeteria. Mabilis itong tumakbo palapit sa amin.

"Tristan?" Sabay sabay naming bulalas nina Dara. Anong ginagawa niya dito?
Gulat naman ang gumuhit sa mukha nina Vash at ang iba.

"ELLAH! Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya hinimatay?" Tanong nito sa amin

"A-ano....." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nasa state of shock parin ako. Pati nga sina Dara eh hindi na makapag salita.

"Sabi ko naman kasi sayo wag kang masyado magpagod sa trabaho. Yan tuloy nangyari sayo!" Sabi pa nito

Kinuha niya si Ellah sa pagkakahawak ni Vash at binuhat ito. Hindi na nakaangal si Vash nang kunin dito ni Tristan si Ellah at binuhat. Binalingan niya kami ng tingin.

"Samahan niyo ako sa clinic niyo." Sabi nito. Tumango kami at lumabas na ng caf para maidala sa clinic si Ellah. Iniwan na namin doon sina Vash. Bahala sila dun.

Tss!

>Flashback End<

_________

ELLAH POV:

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now