Seventy Two

1.3K 21 3
                                    

***

ELLAH POV:

Two days had passed at bumalik na ako sa school. Malapit ng mag lunch time. Nakikinig lang kami sa prof na nasa unahan. Nabaling bigla ang tingin ko kay Vash nang hawakan niya ang kamay ko. Sinakop niya ito into a holding hands. Hihilain ko sana pabalik baka mapansin kami at baka kung ano pang isipin nila. Kaya lang ang higpit ng kapit niya. Ang laki ba naman kasi ng kamay. Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian lang niya ako. So hinayaan ko na lang siya. Ang init init ng Palad niya pero masarap sa pakiramdam.

Nang mag bell na ay nagsilabasan na kami ng room. Hanggang ngayon na palabas kami ay hindi parin ako binibitawan ni Vash habang papunta kami ng cafeteria. Holding hands while walking. Haha. Nasaan kaya si Claire. Siguradong magwawala yun pag nakita kami nun.

"Baby wait!" Hinila niya ako para tumigil ako sa paglalakad. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.

Pero hindi yung pagpapahinto niya sa akin ang ikinagulat ko kundi yung pagtawag niya sa akin ng 'baby'. Nilingon ko yung mga kasama namin na halatang kinikilig sa aming dalawa.
Nabalik ang atensiyon ko kay Vash nang hapitin niya ako sa bewang kaya lalong nanlaki ang mata ko at lalong nag-iritan yung mga nakapaligid sa amin.

Shit! Nakakahiya. Ano to PDA. Tss.

"May kukunin lang ako, susunod ako." Nakangiti nitong ani habang nakapulupot parin sa akin ang braso niya. At dahil hindi ako maka move on ay tumango na lang ako at ngumiti ng alanganin. Naririnig kaya niya yung tibok ng puso ko. Ang lakas pa naman nang pagkabog.

"See you later baby." He said again and kiss my forehead

"O-okay!" Alanganin kong sagot. Bumitaw naman siya agad at umalis na.

Nakatanaw lang ako sa kanya habang paalis siya at kinakawayan ako. Ngumiti naman ako pabalik. Nang mawala na siya sa paningin ko ay bigla kong nahawakan ang bandang puso na ang lakas ng tibok. Bakit habang patagal ng patagal ay lalong lumalakas ang tibok nito para ka Vash. Lalo ko siyang minamahal.

Nakabalik lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang paghila as akin ni Margie papunta sa cafeteria dahil hindi parin ako maka get over. Iniwaksi ko na lang sa isipan ko ang pangyayari kanina. Kalma lang puso.
.
.
.
.

Mga 15 minutes na kaming nandito at nakabili na rin kami ng food namin pero hanggang ngayon ay wala parin si Vash. Nasaan na ba iyon.

Naibaba ko ang kutsara ko nang makita ko si Claire na papalapit sa akin. Nagpakita na rin siya sa wakas. Nakangisi siya habang papalapit sa akin.

"Ellah! You're still alive?" Mapang-asar nitong sabi nang makalapit sa akin

"Akala ko kasama ka ng pinsan mo sa sumabog na yate. What happen? Balak ko pa namang magpa party kasi mawawala ka na sa buhay ko. Bakit kasi hindi ka pa namatay?" Pagpapatuloy nito.

"Halatang halata nga na disappointed ka. Well sorry ka na lang dahil hindi matutupad ang gusto mo.... and thanks to Vash. He saved me. Kahit na delikado ay hinarap parin niya para lang iligtas ako... Ang sweet diba? Handa siyang magbuwis ng buhay para sa akin. Ganun niya ako kamahal. Eh ikaw?" Malambing kong saad. Sina Margie naman ay humahagikik sa tabi ko.

Bingo! I think I hit the right spot. Dahil nawala ang nakangisi niyang itsura dahil sa sinabi ko. Napalitan ito ng matalim na tingin na para bang gusto na akong lamunin ng buhay.

"Wag kang magsaya dahil kung hindi nagawa ni Dani ang patayin ako kayang kaya ko." Nanggagalaiti nitong sabi

"Really? How? Sinubukan mo na rin akong patayin noon diba? Pero tingnan mo buhay na buhay parin ako... Marami nang sumubok na patayin ako pero lahat kayo walang nagawa." Naghalumbaba pa ako para lalo siyang maasar

Sa sobrang galit naman nito ay itinapon niya sa akin ang juice na nasa table. Napapikit na lang ako dahil sa mukha ko mismo niya isinaboy. Hindi ako nakapag reak dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Maging sina Margie ay gulat na gulat.

"Sa susunod asido na ang itatapon ko sa mukha mo. Wag mo akong subukan." Malamig nitong saad

Nakatingin lang din ako sa kanya ng malamig at hindi alintana ang nabasa sa akin. Tumayo naman ako at hinarap siya. Nakipagtitigan din ako sa kanya.

"Wag mo rin akong susubukan Claire. Natatandaan mo pa ba yung pagtatangka mo sa buhay ko? Malapit mo nang pagbayaran yun at lahat lahat ng kasalanan mo..... Akala mo ba nakalimutan ko. Isang maling galaw mo lang lalabas na lahat ng bahong tinatago mo." Ako naman ang napangiti dahil sa dumaloy na takot sa kanyang mukha. Napansin ko rin na nanginginig na siya pero tinatago lang niya

Ganyan nga matakot ka. Matagal tagal na rin nung pina imbistigahan ko ang nangyari sa akin 3 years ago. Mayroon na kaming ebidensya pero naghanap pa kami nang maaaring ilaban sa kanya para wala na siyang kawala. Naibalita rin sa akin nang kinuha kong detective na si Claire ang mismong nagnanakaw na sarili nilang kompanya para gamitin sa kasamaan niya.

Si Officer Nam naman ay may hinala na si Claire ang pumatay kay Chloe. Kapag napatunayan lahat ng yun maaari na siyang arestuhin. Yun lang ang hinihintay ko para matapos na ang gulong ito.

"Bakit parang natahimik ka? Natatakot ka na ba?.. Well..Dapat lang." saad ko pa at inumpisahang punasan ang mukha ko gamit ang panyo.

"Hindi pa ako tapos sayo." Matalim nitong turan at tinalikuran na kami

Napahingan naman ako ng maluwag.
Pinanood ko lang siya na palabas ng cafeteria. Tataposin ko na ang walang kwentang laro na ito. Gusto ko ng sumaya nang walang inaalalang takot at pangamba para sa mga kaibigan ko. Gusto ko na ring maging masaya.

_Leydeereyhn

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon