Fifty One

2.3K 43 5
                                    

***

ELLAH POV:

Gumaan talaga ang pakiramdam ko nung magkabati kami ni Dara. Simula nung maging magkaibigan kaming tatlo ito ang una naming away at malala pero buti na lang at naayos. Nagpaliwanag siya sila sa akin at sinabi rin nila na hindi na daw sila galit sa mga boys especially Vash but it's fine with me. Ayoko naman na pati sila ay madamay sa gulo dahil mukhang napapansin ko rin ang mga kaibigan ko na may something sila sa nga kaibigan ni Vash at ayokong ako ang maging dahilan upang hindi nila magawang mahalin ang lalaking gusto nila

One week na nung magkaroon ng competition ang high University sa ibang school at nagpresent kaming Offices na tumulong kaya sumama kami. Nagkaroon lang ng kunting aberya sa basketball tournament nina Vash dahil sa walanghiyang Claire na yun. At ang bruha, balak pa sa akin isisi ang ginawa niyang kalukuhan. Sinira lang naman niya lahat ng sports shoes ng basketball player ng school namin at kung hindi lang ako nakaisip ng paraan ay matatalo talaga kami.

>Flashback<

"Anong pang ginagawa niyo rito? Five minutes na lang bago magstart ang game." Pumasok ang sa naka-asign sa kanilang locker room dito sa Jaze University.  Hindi sila sumagot dahil ang atensiyon nila ay nasa mga rubber shoes nila. Mabilis akong lumapit sa isa sa kanila at inagaw dito ang sapatos at laking gulat ko dahil biglang ngumanga ang sapatos. "Sinong may gawa nito?" Si Vash ang nilingon ko since siya ang captain.

"Hindi ko alam, pagpasok namin rito sira na ang mga sapatos namin." Sagot nito habang hinihilot nito ang sintido.

"May kinalaman ka ba dito?" Bigla akong napatingin sa coach nina Vash dahil sa sinabi nito. "What?" Di makapaniwalang tanong ko. Kahit na siya ang teacher namin sa pe ay wala parin itong karapatan na pagbintangan ako.

"Ikaw ang nagsuggest na wag muna nilang suutin ang mga sapatos nila para walang maging aberya. Sinira muna minsan ang practice game nila hindi ba?" Saad nito at humarap sa akin. Inaamin ko naman na sinira ko ang practice game nila dahil nainis ako nun kay Vash but that doesn't mean na sisirain ko rin pati final game. Pangalan ko ang nakataya rito at ang reputasyon ng school and I'm not that stupid para gawin yun.

"Magugulat ba ako kung ako ang may gawa nito? Wag kang magbintang kung wala ka namang proweba at isa pa hindi ako ganun katanga para itaya ang sarili kong pangalan at ng school sa walang kwentang pakulo na to. Hindi ako ganito makipaglaro."

"Kung ganun sino ang may gawa nito? Nagpagod kaming lahat sa practice tapos tapos ito lang ang kahihinatnan? No!" Galit na turan ni Denver at hinagis nito ang sirang sapatos sa sahig.

"Malaking kahihiyan sa buong University kung magba back-out kami sa laban." Hindi rin mapigilang komento ni Finn

"Anong nangyari?" Tanong ni Dara na kapapasok pa lang kasama si Denise at Margie. "Hinahanap na kayo doon."
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Margie. Nilabas ko ang phone ko at kinontack si Butler Kim.

"Butler Kim, pumunta ka ngayon din sa Mall na malapit sa kompanya. Bilhin mo ang mga sports shoes na iti-text ko sayo. Bilisan mo, hihintayin ka namin." Binaba ko na ang tawag at lumingon ako kay Margie na pinupulot ang mga sirang sapatos.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now