Seventy

1.3K 24 3
                                    

****

Third Person POV:

Pagkatapos kunin ni Dani ang ilan sa gamit niya ay naramdaman niya bigla ang pag-ikot ng yate. Nagmadali siyang sumilip sa maliit na bintana at doon niya napagtanto na pabalik sa pangpang ang andar ng yate.

"MGA PUNYITA. BAKIT NILA PINAPALIKO PABALIK ANG YATE. MGA BOBO. AHHHH." Nagwawala na ito at pinuntahan ang mga tauhan niya

Napatigil naman siya sa pag-akyat sa taas ng yate nang makita niyang wala na sa pagkakatali si Ellah. Napatakbo naman siya palapit sa upuan at nilabas ang baril na nakatago sa likod niya.

"Mga tanga. Bakit hindi niyo binantayan ang bihag." Gigil niyang bulyaw at sinipa ang upuan na kinatatalian kanina ni Ellah.

"Ang init naman ata ng ulo mo, couz." Napalingon siya bigla at tinutok na dito ang baril na hawak niya

Ang nagsalita lang naman ay ang bihag niya na si Ellah. Naglalakad ito palapit sa kanya na iika ika. May ilan itong sugat sa katawan.

Hindi man lang narinig ni Dani ang ingay nang isa isa niyang patumbahin ang tatlo nitong tauhan.

Paano ito nakawala sa pagkakatali.

'Paano ka nakatakas huh?" Galit nitong tanong at lumingon lingon sa paligid

"Kung ang hinahanap mo ay ang mga tauhan mo nandun na sila sa ilalim ng lupa, tinatahak ang daan papuntang impyerno at ikaw na ang susunod."

Ngumisi naman si Dani at pinakita ang hawak na remote control. Tinitigan lang siya ng malamig ni Ellah at itinutok din dito ang baril na hawak.

"At isasama din kita papunta dun. Sira na ang mga plano namin at wala na akong malalapitan kaya mas mabuti pa ngang mamatay na lang. Sabay tayong mamamatay dito at sisiguradun ko yan." Sigaw nito

Akmang pipindutin nito ang remote control nang maunahan siya ni Ellah. Agad nitong binaril ang kaliwang kamay nito na nakahawak sa remote control kaya ito tumilapon.

Nagsisisigaw naman ito dahil sa sakit na iniinda. Tumutulo na ang dugo nito mula sa kaliwang braso.

"HAYOP KA. PAPATAYIN KITA." Buong lakas nitong sigaw at akma nitong kakalabitin ang gatilyo ng baril nang maunahan ulit siya ni Ellah. Binaril ulit nito sa kanang braso.

Napaluhod na ito sa sakit at sumisigaw na. Naglakad siya palapit kay Dani na sumisigaw at umiiyak na sa sakit.

"Ang tagal kong hinintay na makaharap ang pumatay at nagpahirap sa mga kaibigan ko. Thanks dahil ikaw na mismo ang lumapit sa akin. Hindi na ako mahihirapan na hanapin ka... Tutuparin ko na rin ang pangako ko sa mga kaibigan ko na pagbabayarin ang nagpahirap sa kanila kahit buhay pa ang maging kabayaran....Kaya lang ayaw kong madungisan ng dugo ang kamay ko na galing sayo. Kahit gustong gusto kitang patayin ngayon ay hindi ko gagawin. Pero pwede parin naman kitang pahirapan dahil kung sa tingin mo na hahayaan kitang makaalis dito nang hindi manlang nakakaranas ng dobleng sakit tulad nang ginawa mo sa mga kabigan ko diyan ka nagkakamali" Galit nitong saad at binaril ang binti mg kaharap. Lalo namang nagsumigaw si Dani

Habang sumisigaw ito sa sakit ay magulang napalitan ng tawa. Imbis na umiiyak ito sa sakit ay tumatawa na ito sa hindi alam na kadahilanan.

"AHHHH!! HAHAHAHA! Sa tingin mo hahayaan din kitang magtagumpay? NO. FUC****. WAY. Diba sinabi ko kung mamamatay ako dito isasama din kita? HAHAHAHA!!" malademonyo na ito kung magsalita at pinakita dito ang remote control na hawak na niya ulit

Napaatras naman si Ellah sa nakita at gulat na gulat.

Paano nito nakuha ulit iyon. Nahulog na naman siya sa patibong nito. Lalo naman ngumiti si Dani ng makitaan niya si Ellah ng takot at galit.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon