Thirty Four

2.8K 56 0
                                    

***

Ellah POV:

Nag-aabang lang ako ng bus dito sa bus station. Hindi ko kasi ginamit yung kotse ko dahil tinatamad akong magmaneho ngayon. Atsaka miss ko narin ang ganitong routine sa araw araw na pagpasok sa school. Yung makikipagsiksikan ka kasi baka malate ka. Kaya lang pati pagsakay sa bus o sa jeep ay may deskriminasyon rin na nangyayari pero hindi naman ganun kadalas. Pwera na lang talaga kung ang makakasabay mo ay mga boys na mahihilig sa mga magagandang babae at parang ikakasira ng pagkalalaki nila na tabihan sila ng mga hindi kaganda, at ganun din sa mga babae.

Nang may tumigil na bus sa harap ko ay tumayo na ako at naglakad pasakay sa bus. Pagpasok ko palang sa loob ay napunta na sa akin ang mga tingin ng mga lalaki pati na ang mga babae.

"Girl, diba siya si ms. V? Makipagkaibigan kaya tayo sa kanya?"

"Oo nga, mas pagkakaguluhan tayo kung may kaibigan tayo na tulad niya."

"Dito natin siya paupuin."

"Tol, ang ganda niya."

"Pormahan ko kaya, mukhang bagay kami eh."

"Tingin ko mas babagay siya sa akin. Dito natin siya paupuin. Umusog ka ng kunti."

Ibat ibang bulungan ang naririnig ko kahit na hindi pa ako nakaka-upo. Kakasabi ko nga lang kanina tapos ito na. Napailing na lang ako sa aking isipan at iginala ko aking mga mata upang makahanap ng mauupuan. Medyo puno na kasi ang mga upuan dahil pati nag nila ay pinapa-upo nila.

"Ms. Beautiful, may bakante dito."

"Dito ka na lang Ms. Maluwag dito."

Hindi ko pinansin ang mga nagsalitang iyon. Bahala sila sa buhay nila. Naglakad na ako nang may makita akong pwedeng upuan.

"Can I sit here?" Tanong ko sa lalaking naka nerdy glasses kaya't napunta sa akin ang kanyang atensyon. Kumurap kurap pa ito bago naproseso ang sinabi ko.

"Sure." Nakangiti nitong Sagot at kinuha ang bag niya sa katabi nitong upuan na malapit sa bintana.

"Thanks." Saad ko at dumaan sa harap niya para maka-upo sa tabi ng bintana. Pandalawahan lang ang upuan kaya ito dito ako umupo. "You're welcome." Sagot lang dito at tinuloy ang pagbabasa nito ng libro. Ganyan na ganyan din ako dati kapag sasakay ako ng bus o jeep na para bang wala akong pakialam sa paligid ko.

"Swerte ni nerdy boy." Yun lang ang narinig kong turan ng lalaki na inaya sa akin ang katabi nitong upuan dahil sinuot ko ang earphone ko pinatugtog ito ng malakas.. Alam ko na ang mga galawang yun dahil laging yun ang mga eksena na nakikita ko kapag sumasakay ako noon. Tumingin lang ako sa bintana habang pinapakinggan ang kantang pinapatugtog ko.

Dalawang linggo na nung mangyari yung anime costume party. At sa mga nagdaang araw na yun ay lalong lumala ang pagiging bungangira ni Claire at ng kampon niya. Lalo nung malaman niya na ako pala yung nakabili ng pinakamalaking shares ng H.U. na dapat sila ang makakakuha.
Hindi ko nga makakalimutan yung araw na yun eh. Sugurin ba naman ako. Ayun tuloy natikman niya ang galit ko. Tss. Ang lakas ng loob.

>Flashback<

Naglalakad kami ngayon nina Dara sa hallway habang nagko-kwentuhan nang bigla nalang may humigit sa akin at naramdaman ko na lang ang malakas na sampal na tumama sa kaliwang pisngi ko. Hindi ako makapag reak sa nangyaring yun dahil sino ba naman makakasalag ng isang sampal kung biglaan ito at hindi mo pa inaasahan. Simula ng makabalik ako dito sa University ay ngayon lang ulit ako nasampal. Nilingon ko si Claire na ang sama ng tingin sa akin. Galit na galit ang mga mata at anytime ay parang gusto na niya akong patayin.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now