Seventy Four

1.2K 20 1
                                    


Third person POV:

Nasa fifth floor na si Ellah pero hindi parin niya nakikita si Claire. Ang baliw na babaeng yung. Napatigil siya sa paglalakad ng may marinig siyang takong ng sapatos palapit sa kanya. Naging alerto ito at itinutok dito ang baril na hawak nang lingonin niya ito.

"Nice to see you again, Ellah. How's life?" Saad nito at halatang halata ang piking ngiti sa mukha nito

"Ibaba mo nga muna yang baril mo. Ang agrisibo mo huh. Don't worry walang mananakit sayo dito ako lang." Pagpapatuloy nito. Magtatangka na sana itong lumapit sa kanya pero lalo niyang itinutok ang baril na hawak

"Hindi ako nakikipagbiruan dito Claire. Tumupad ako sa usapan. Kaya ilabas mo ang mga kaibigan ko." Walang pag-aalinlangan noting sabi sa kaharap

"Am I? Atsaka anong usapan? As far as I know one sided lang ang usapang yan. Sa tingin mo ba makakalabas pa kayo dito ng buhay? No. Ito na ang magiging libingan mo." Matalim na sabi naman ni Claire kaya lalo niyang ikinagalit ito

Inaasahan na niya ito. Hindi siya pwedeng magpadalos dalos ng kilos baka ikapahamak pa Ito ng mga kaibigan niya.

"Sa tingin mo rin ba hahayaan kita ditong makalabas pagkatapos ng ginawa mo sa mga kaibigan ko? Hindi rin." Sagot nito. Nakita naman niya na lalong sumama ang tingin sa kanya ni Claire

"Wag na wag mo akong pagbabantaan. Tandaan mo hawak ko ang mga kaibigan mo. Isang maling galaw mo lang isa sa kanila ang mawawala." Sigaw nito sa kanya

Magsasalita na san siya ng makarinig sila ng mga putok ng baril. Mukhang nakasagupa na ng mga kasama niya ang mga tauhan ni Claire. Nagpanic naman ang kaharap dahil sa narinig. Napalingon sila sa isang tauhan nito na papalapit sa kanila. May tama ito ng baril sa braso.

"Boss napapalibutan na nila tayo. Kailangan na nating umalis. Marami sila wala tayong laban." Sabi ng tauhan ni Claire. Halatang nahihirapan na ito dahil sa tinamong sugat.

"What!? No!" Sigaw ng kaharap at binalingan siya ng tingin

"This is your fault!" Sigaw nito sa kanya at tinutukan siya ng baril. Ganun din ang ginawa niya. Kaya ang labas parehong nakatututok ang baril sa isat isa. Tinutukan din siya ng tauhan ni Claire.

"Puntahan mo siya. Siguraduhin mo na hindi siya makakatakas. Umalis ka na. Ako na ang bahala sa babaeng to." saad ng kaharap sa tauhan nito. Ibinaba ng tauhan nito ang baril at tumakbo paalis.

Siya?

Sino ang tinutukoy nito?

Naguguluhan siya. Sinong siya ang tinutukoy ni Claire. Isa ba sa mga kaibigan niya.

Nagtututukan parin sila ng baril. Parehong walang gustong bumitaw at magpatalo. Kahit na naririnig na nila ang malakas na putukan ng baril ay hindi parin sila nagpatinag. Gaano ba karami ang mga tauhan nito? Bakit hindi maubos ubos.

"Sino ang tinutukoy mo? Bago mong biktima?" Bulyaw na asik nito sa kaharap. Nginisihan lang siya ng huli.

"Wala ka ng pakialam dun. Mamamatay ka rin naman eh." Sagot ni Claire

Magsasalita na sana siya ng makarinig sila ng malakas na pagsabog malapit sa kanila.

**BOOOMMMM**

"AHHHHHH.!" Sigaw nilang pareho

Sa lakas pagsabog ay pareho silang tumilapon sa magkaibang direksyon. Nabitawan din nila ang mga baril nila. Si Ellah ay tumilapon sa sa isang pader. Napangiwi na lang siya dahil sa lakas ng pagtama niya. Pinilit niyang imulat ang mata at tumingin sa paligid. Sirang sira na ang paligid nila. Napahawak siya sa braso niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Nagkaroon din siya ng ilang sugat sa katawan.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now