Thirty Five

2.6K 47 0
                                    

***

ELLAH POV:

"Ma'am, sila ang pagsabihan mo hindi kami." Saad ni Claire at tumingin sa akin. Tss. Nadamay pa ako samantalang nananahimik ako dito.

"Ikaw dapat ang manahimik. Dahil Nagkakalat ka lang ng masamang hangin. Maawa ka naman sa mga tao dito." Singit ko din

Nagtawanan naman sila. Si Claire naman ay ang sama na ng tingin sa akin.

"Bitch."

"Who cares" Walang gana Kong Sagot sa kanya.

"Class stop na sabi." Bulyaw ni ma'am. Hindi narin nakasagot si Claire the bitch.

"So tatawagin ko na ang magkakagroup. Ellah, Sandara, Denise, Margie, Vash, Cyrus, Denver, Finn, Claire and Amara." Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko. Masasang tingin ang binigay ko sa grupo ni Claire at ganun din sila. Hindi na ako nakinig dahil tinamad na ako.

_____

Nasa cafeteria na kami. Walang nagsasalita sa amin dahil hanggang ngayon ay ang iniisip namin ay ang nangyari kanina sa room. Especially, yung grouping ni mam.

"Nananadya ba si ma'am? Gusto ba niyang magka world war 3." Inis na sabi ni Margie. Parang mini-murder na nito ang pagkain nito.

"Wala naman tayong magagawa eh. Teacher na yung nag decided. Siguro ang kailangan lang nating gawin muna sa ngayon ay manahimik at wag gumawa ng gulo." Sabat ni Dara

"Hindi naman tayo ang gumagawa ng gulo. Ang kampon ni satanas ang gumagawa ng gulo." Sabat din ni Denise. Pero ako tahimik lang dito. Ano namang sasabihin ko.

"Wag na nga kayong magreklamo. Para rin naman ito sa grades natin eh. Atsaka wag kayong mag-alala dahil hanggang exam lang ito. Mananahimik muna tayo ngayon at ang kailangan na nating isipin ay ang exam. Wag muna natin silang patulan." Saad ulit ni Dara

"No way. Hindi ako makakapayag na makaisa yung mga babaitang yun. NEVER." Angal ni Denise

"Mas lalo naman ako." Angal din ni Margie

Napairap naman si Dara dahil sa dalawang to.

"Diba sabi ko ngayon exam lang. Kapag natapos na ang exam ay gawin niyo na ang gusto niyong gawin. Kahit ipakain niyo sa pating o ilibing ng buhay. Wala akong pakialam." Bulyaw ni Dara. Mukhang naiinis na siya

"Buti pa sundin nalang natin siya. Tingnan mo nagbabanta na." Narinig kong bulong ni Denise pero mukhang hindi siya bulong dahil narinig ko iyon at mukhang narinig din ni Dara dahil ang sama ng tingin niya sa dalawang ito.

"Okay payag na kami. Pero pag hindi na kaya tama na." Pagsuko MArgie

"Ako din." Saad din ni Denise

Nilingon naman ako ni Dara.

"Ikaw ang mas malaki ang galit sa kanila. Kaya mo bang gawin yung sinabi ko?" Tanong ni Dara

Hayy. Wala naman akong magagawa eh. Tumango nalang ako. Ayuko munang magsalita.

______

Nang matapos na kami ay pumunta na kami sa room namin. Friday na ngayon at dalawang araw lang ang iri-review namin. Sa Monday na kasi ang exam. Ang bilis nga eh. Kapag natapos narin ang exam ay bakasyon namin ng dalawang linggo. Buti naman dahil sawang sawa na ako sa pagmumukha ni Claire. Pagkapasok namin ay umupo na kami. Walang teacher ngayon dahil busy rin sila sa gaganapin na exam sa Monday.

"Dara." Pagtawag ko kay Dara. Lumingon naman siya.

"Tawagin mo yung mga kagroup natin." Utos ko sa kanya. tumango naman siya at umalis sa upuan niya.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon