Forty Nine

2.1K 41 0
                                    

***


THIRD PERSON POV:

Lumapit sa kanila si Dara. Si Ellah naman ay galit na ang makikita sa mga mata niya. Habang si Denise at Margie ay gulat na gulat dahil sa inamin ng kanilang kaibigan.

"Wag mong sigawan si Denise dahil wala siyang alam sa ginawa ko." Sabi nito at tumingin kay Denise na gulat na gulat parin.

"Anong purpose mo bakit mo ginawa yun?" malumanay na tanong ni Ellah pero nandun parin ang galit sa bawat binibitawan niyang salita.

"Mas mabuting wag tayo ditong mag-usap." Saad ni Dara at tatalikuran na sana nito si Ellah ngunit mabilis naman niyang nahila ang kamay nito paharap sa kanya.

"Dito tayo mag-uusap. Wag kang mahiya sa ginawa mong pagtraydor sa sarili mong kaibigan. Ang tanong ko ang sagutin. Anong dahilan mo bakit mo ginawa yun?" Walang nang makakapigil sa kanya.

"Para magkaalaman na at para matapos narin ang gulong ito. Wala naman kasing gagawa at lalo lang lalaki ang gulo kapag hindi natapos itong gantihan na to. Kaya ako na ang gumawa ng hindi mo kayang gawin, Ellah." saad ni Dara

Uupo na sana ito nang hilahin ulit ito patayo ni Ellah. Inaawat sila nina Margie pero hindi nila ito mapigilan. Ang dami na ring nakikiusyuso. May mga iba rin na taga ibang room na pumunta sa room nila para manood. Big deal ito sa kanila dahil ang mismong magkakaibigan ang siyang nag-aaway away. Sa kampulan ng mga estudyante ay nakatayo roon ang grupo ni Claire na tuwang tuwa sa nangyayari. Wala din silang prof kaya walang makaawat sa kanila. Umawat narin sa kanila ang ibang officers pero wala din magawa ang mga Ito.

"Anong karapatan mo para pangunahan ang desisyon ko? Sino ka ba?" Hindi na napigilan ni Ellah ang sumigaw at itulak si Dara. Napaatras naman si Dara. Mukhang nasaktan naman si Dara Dara sa kanyang tinuran dahil sa kakaibang emosyon na sumilay sa mga mata nito.

"Sino ba kamo? Kaibigan. Kaibigan mo ako, Ellah. Kaya ginagawa ko ito para sayo para maging masaya ka na." saad nito at nagtangkang lumapit sa kanya . Hinampas naman ni Ellah ang kamay  nito at umatras palayo rito.

"Kaibigan nga kita, Dara. Kayo." saad nito at nilingon ang dalawa pang kaibagan na Malungkot na nakatingin sa kanilang dalawa. Muli niyang binalik ang tingin kay Dara. "At hanggang dun lang yun!" Patuloy nito. Nasaktan naman ang ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi niya. Gusto niyang bawiin ang salitang yun pero hindi niya magawa. Masyadong masakit ang ginawa ni Dara sa kanya at hindi niya yun kayang tanggapin.

"Oo, kaibigan mo lang kami pero wag mong sabihin na hanggang dun lang yun. Sinuportahan ka namin sa laban mo, Ellah. Lagi kaming nandiyan kapag kailangan mo ng tulong. Yun ba ang sinasabi mong hanggang dun lang? Ang sakit mong magsalita." Hindi na naka-imik si Ellah dahil sa sinabi ni Dara. Tama ito. Lagi silang nandiyan tuwing kailangan niya ng tulong.

"Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Oo, Tinutulungan ka namin sa laban mo pero Ellah hindi ko na kaya. Tuwing nakikita kita na kinakain na ng galit mo, nasasaktan ako. Mahalaga ka sa amin, Ellah, kaya ayokong mabaon ka sa galit na nararamdaman mo." saad pa  ni Dara sa kanya.

"Kahit tumigil ako sa ginagawa ko nasasaktan parin ako, Dara. Masasaktan at masasaktan parin ako. Kaya dapat lang na masaktan din sila tulad ko." malamig na saad saad ni Ellah. Tumawa naman ng mapakla si Dara dahil sa sinabi niya. Hindi na nito makilala ang sariling kaibigan dahil kinakain na Ito ng galit. Kung marunong lang sana siyang makinig sa mga paliwanag baka maayos pa ito.

"See? Yan ang dahilan kung bakit gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at iayos ang mali. Ellah, hindi na kita kilala. Malayong malayo ka na sa dati." Hindi maalis ang hinanakit ni Dara sa mga binibitiwang salita ngunit hindi naman natinag si Ellah sa mga sinasabi nito

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now