Seventy Six

1.3K 21 0
                                    

***

Third person POV:

Nakasandal lang si Ellah at nakatingin sa bintana. Kahit na nagsasalita ang prof sa unahan ay hindi niya ito maitindihan. Wala doon ang utak niya. Ilang araw na ba o weeks na parang patay ang pagkatao niya. Bumalik na siya sa school pero lutang naman siya lagi. Lahat ng subject niya bagsak.

Tatlong linggo na pero hanggang ngayon wala paring balita sa mga kaibigan niya. Si Vash naman wala paring pagbabago. Tulog parin hanggang ngayon. Binalikan niya si Claire ng paulit ulit pero hindi na siya hinayaan ng mga pulis dahil sa nangyari. Nadagdagan ang bantay nito.  Dahil sa ginawa niya sa kanya ay kailangan niyang manatili sa hospital ng isang buwan.

Nagring na ang bell na hudyat na labasan na. Lumabas siya ng room at naglakad na parang walang patutunguhan. Lahat ng nadadaanan niya ay tumatabi para bigyan siya ng daan. Natatakot sila sa pinapakita nito. Nawalan ng emosyon ang mga mata niya.

"Kawawa naman siya."

"Ang sama talaga ni Claire pati yung walang kasalanan sa kanya dinamay niya."

"Hanggang ngayon nga hindi parin nagigising si Vash."

Ibat ibang bulungan ang naririnig niya pero ni isa wala siyang pinansin. Para saan pa. Nang makarating siya sa gate at sinalubong siya ng butler niya. Sumakay siya sa kotse at nagpahatid sa hospital.
.
.
.
.
Pagkarating niya ay bumaba na siya at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Pati mga tao sa hospital ay pinagtitinginan siya. Minsan na rin kasi nilang makita na magwala ito sa loob ng hospital dahil sa binalita sa kanya na hindi parin nahahanap ang mga kaibigan niya.

Natagpuan niya sa loob ang mga magulang ni Vash. Lumapit siya dito at nakipag beso.

"Anong oras palang iha. Bakit ang aga mong pumunta dito? Labasan niyo na  ba?"

"Hindi pa po Tita. Pero ano naman pong gagawin ko sa school. Wala namang mangyayari eh. Mas gusto kong domito na lang kaysa pakinggan ang mga bulungan ng mga schoolmate ko. Nakakasawa na." Sagot niya dito. Nilapag niya sa sofa ang bag at lumapit sa tabi ni Vash. Inayos nito ang medyo magulo nitong buhok

"Tulog ka parin? Ang haba naman masyado. Hindi mo  ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita... Gumising ka na Vash... Kailangan kita ngayon." Pinunasan niya ang luhang umalpas sa kanyang pisngi. Pilit niyang nginitian ang Tita niya na lumapit sa kanya

"Tiwala lang magigising din siya. Anak ko yan eh... Kumain ka muna. Nangangayat ka na oh. Wala ka pang tulog. Magpahinga ka naman kahit saglit lang. Magagalit ang anak ko niyan sa amin eh kasi napapabayaan ka namin." Saad ng Tita at hinaplos ang kanyang buhok

"Hindi ko na po alam ang gagawin ko Tita. Sa tuwing lumilipas ang mga araw lalo akong nawawalan ng pag-asa... Ayoko po ng ganitong sakit na pinapatay ako unti unti." Agad siyang niyakap ng kaharap at hinagod ang kanyang likod upang patahanin siya

"Ssshh tahan na. Nandito lang kami hindi ka namin iiwan sa labang ito."

"Thank you po. Siguro kung wala kayo nina Mommy at Daddy baka tuluyan na akong sumuko."
.
.
.
.
.
.
________

Nakatambay lang si Ellah sa rooftop ng school. Lunch ngayon kaya nandito siya. Gusto niyang makalanghap ng hangin at makapag-isip kahit saglit lang. Hindi na dapat siya papasok dahil mas gusto niyang tumulong sa paghahanap sa mga kaibigan niya kaya lang pinigilan siya ng mga Tita at Tito niya pati na rin ang magulang niya. Sila  na lang daw ang bahala sa pagnanahap sa mga kaibigan niya. Wala naman siyang magawa kundi sundin ang mga ito.

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa nang tumunog ito bago sinagot. Sino naman kaya ang tumawag sa kanya. Kinakabahan siya baka hindi maganda ang ibabalita sa kanya. Araw araw na lang. Sawa na siya.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now