Four

3.7K 70 2
                                    

***

ELLAH POV:

Monday na ngayon ay excited na ako para mamaya. Susunduin kaya ako ni Vash? Hindi na kasi niya ako kinaka-usap simula nong mangyari ang away namin noong nag date kami. Napabuntong hininga na lang ako. Tinatawagan ko siya parati pero ayaw naman niyang sagutin. Ipinaghanda ko na lang ng breakfast si Maam.

"Good morning Ellah." Napalingon ako sa bumati sa akin at si Maam pala.

"Morning din po Maam kain na po kayo."

Umupo na si Maam at nagsimulang kumain. "Wala ka bang pasok ngayon?"

"Opo. May gaganapin po kasing party mamayang gabi sa school kaya wala po muna daw pasok para daw po makapaghanda kami."

"May susu-utin ka na ba?" Tanong nito

"Wala pa po eh. Pero okay na po sa akin yung binigay nina Dara. Dun na lang po ako pipili ng susuutin ko mamaya." Sagot ko

"Naku hindi pwede Hija. Party ang pupuntahan mo kaya dapat mag-ayos ka. Mag shopping ka mamaya." Maam

"Wag na po. Okay lang po talaga sa akin." Pag tanggi ko

"Sigurado ka?"

"Opo." Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na ako nito kinulit. Ayaw kong bumili dahil isang beses ko lang din naman magagamit atsaka isa pa may mga dress pa ako doon sa kahon kasama nung mga binigay sa akin nina Dara.

"Maam Margarette may naghahanap po kay Ellah sa labas." Yung isang katulong ang pumasok sa dining area at lumapit sa amin.

Sa akin? Hindi naman nagsabi sina Dara na pupunta sila dito.

"Papasukin mo."

"Sige po." Sang-ayon nong isang katulong

"Kausapin mo muna ang mga bisita mo." Tumango ako at pumunta sa may sala.

"Anong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko nang makita ko kung sino ang naghahanap sa akin. Sila lang pala.

"Hi bes." Bati nila. Lumapit na ako sa kanila at umupo sa tabi nila.

"Bes hindi kami makakapunta sa party mamaya." Malungkot na sabi ni Margie.
Ang hilig pa naman nito sa party.

"Bakit?" Tanong ko

"Eh kasi inutusan kami ng principal na kunin ang mga school supplies na binili nila sa Mall." Naiinis naman na turan ni Denise

"Eh di kunin niyo na para maka punta kayo sa party." Sabi ko

" Hindi pwede." Sagot ni Margie

"Bakit?"

" Eh kasi sabi ni Ms. Principal. mamayang 5 PM na daw atsaka hindi nila sinabi sa amin kung saang mall. Sasabihin na lang daw nila kapag pupunta na kami doon." Si Dara ang sumagot at nagkibit balikat. Bakit naman ganun? Parang ang unfair.
Tumango-tango na lang ako. Kung ganon ako na lang mag-isa ang pupunta doon. Edi mag-isa lang ako sa party na yun.

"Sorry talaga bes, wag kang mag-alala babawi kami sayo." Kumapit pa sa braso ko si Margie

"Okay lang."

"Tara, mall tayo." Sigunda naman si Denise at lumapit din sa kabilang braso ko. Agad agad? Ang aga pa ah.

"Para san?"

"Diba sabi ko sayo babawi kami? Eh ngayon na kami babawi."

"Ililibre ka namin. Bibili tayo ng susu-utin mo mamaya sa party para lalong ma-in-love si Vash." Parang may bumbilya sa ibabaw ni Margie habang sinasabi ang mga salitang yun. Lalong mainlove eh ayaw nga akong kausapin.
Pero Sige na nga. Payag na ako. Alam ko naman na hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi ako pumayag.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now