Thirty Six

2.7K 52 3
                                    

***

ELLAH POV:

Pangalawang araw na namin ngayon na nagri-riview sa mansion. Meaning bukas na yung exam since Sunday na ngayon. Nandito ulit kami sa garden. Maaga silang pumunta dito dahil may gagawin din daw sila after nito.

Lahat kami ay tutok na tutok sa mga laptop namin. Nagtatanong naman sila sa akin about sa niri-review namin at sinasagot ko sila dahil ito naman ang purpose ng group study, ang magtulungan hindi ang magyabangan kung sino ang matalino. Wala dito sina Claire. Umalis sila kahapon at hindi na bumalik. Buti naman dahil hindi kakayanin ng utak ko na manatili sila dito. Buti nga at hindi nagkaroon ng away kahapon sa pagitan namin.

Ilang oras na rin kami dito. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at tanghali na pala. Sinarhan ko na ang laptop ko at inipon ang mga gamit ko.

"Guys." Pagkuha ko sa atensyon nila
Lumingon naman silang lahat sa akin.

"Tanghali na. Diba may mga pupuntahan pa kayo. Itago niyo na yang mga gamit niyo. Kumain muna kayo bago kayo umalis. " Saad ko at nagsitanguan sila. Tinago naman nila yung gamit nila. Nagtungo na kami sa dining area at nakahain na ang mga pagkain sa lamesa.

"Ang bango at ang dami ng pagkain. Parang pang fiesta na eh." Natutuwang saad ni Denise habang nakatingin sa mga pagkain.

"Sinadya talagang damihan yan ni Ellah dahil nandito ka." Pang-aasar ni Margie kay Denise kaya tumawa naman kaming dalawa ni Dara.

"Ang sama mo." Saad nito at nauna nang umupo at nagsunuran naman kami. Kanya kanya na kami ng upo.

"Hindi naman halata sa katawan mo na matakaw ka sa pagkain." Biglang singit rin ni Finn pero mukhang hindi naman yun biro dahil Seryoso lang itong nakatingin sa mga plato nito at hindi kay Denise.

"Isa ka pa." Asik rito ni Denise at nagsimula nang sumandok ng kanina.

"Ellah, I'm here!"

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng dining area dahil sa malakas na boses na iyon na papalapit. Iniluwa naman ng pinto si Tristan na malaki ang pagkakangiti.

"Kaya pala amoy na amoy ko na ang mabangong amoy na yun mula pa lang sa labas dahil sa mga pagkain at sakto din ang dating ko." Nakangiting turan ni Tristan na nakatingin sa mga pagkain. Lumapit na Ito sa amin at hinila ako patayo at siya ang pumalit sa pwesto ko. Napamaang na lang dahil sa ginawa nito. Sinimulan na nitong kainin ang nasandok kong pagkain. Wala talagang respeto ang lalaking to. Pasasalamat ito at kaibigan ko siya. Hindi manlang niya kami nagawang batiin. Siraulo talaga.

"Hoy Tristan, hindi mo manlang kami binati." Usal ni Dara.

"Hindi na yun kailangan atsaka gutom ako. Mamaya ko na lang kayo babatiin pag tapo na akong kumain." Sagot nito.

Umiling na lang kaming tatlo. Nagpakuha rin ako ng plato ko dahil inagawan ako ni Tristan at sakto lang ang mga utensils na nilagay dito sa table. Nagsimula rin akong kumain pagka-abot sa akin nung maid ang plato ko.

"Lagi ba siyang nandito sa inyo?" Nakuha ni Cyrus ang atensyon ko dahil sa tanong niya. Tumingin ako dito at nakatingin pala ito kay Tristan pero ang loko busying busy sa paglamon.

"Lagi yang nandito. Halos araw araw pa nga eh. Kahit wala dito si Ellah nakatambay parin yan dito para makikain." Si Margie ang sumagot dito habang nakatingin rin kay Tristan na walang pakialam sa paligid niya.

"Sobrang close niyo pala." Saad ni Cyrus at tumingin na ito sa akin.

"Three years na kaming magkaibigan. In fact, siya at ang kakambal niya ang nakakita sa akin na inaanod ng dagat. Siya ang nagligtas sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa kakambal niya. Kung hindi dahil sa kanya baka patay na ako ngayon." Nagulat naman silang lahat pwera lang sa mga kaibigan ko. Sabay sabay silang napatingin kay Tristan.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora