Forty Seven

2.7K 45 8
                                    

***

Ellah POV:

Nandito ako ngayon sa Fancy's restaurant habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong nag-i-enjoy sa party. Ito yung restaurant na sinasabi ni mrs. Marcova. Nasa loob na rin kami dahil kanina pa binuksan ito sa madla. Ribbon cutting to be exact m. Madami ngang reporters ang pumunta dahil sikat pala ang mag-asawa sa business industry. Pinangalan nila ang restaurant sa pangalan ng kanilang anak na babae na si Fancy Marcova ngunit matagal na panahon na nung mawala ito sa kanila at hanggang ngayon ay hindi parin nila nahahanap.

Alam nilang buhay ito at umaasa sila na muli itong makasama. Hindi naka line sa food business ang Marcova ngunit pinatayo nila ang restaurant sa pag-alala nila sa kanilang anak dahil nung bata pa raw ito ay mahilig itong kumain kaya't napabilog nito sa sobrang lusog ng pangangatawan. Ang swerte nga ni Fancy dahil naalala parin siya ng mga magulang niya at hindi siya sinukuan sa paghahanap. May parte sa puso ko na na-iinggit ako kay Fancy dahil magulang siyang nagmamahal sa kanya ng totoo. Ako kaya? Hinahanap rin kaya ako ng mga magulang ko? Gusto ko ngang isipin na sana ako na lang siya pero alam kong imposible.

"Ang ganda talaga ni Ms V."

"Sobra. Mukha nga siyang princess sa suot niya eh."

"Mas maganda pala siya sa personal"

Ano bang problema nila sa akin. Gusto kong magsulo para makapag emote pero ang ingay ingay ng paligid at kung pag-usapan nila ako parang wala ako rito.

"Pansin niyo ba ang pagkakahawig niya kay mr. Marcova?"

"Napansin ko rin yun kanina. Yung ilong at mga mata, parehas na parehas kay mr. Marcova at yung labi kay mrs. Marcova."

"Ano ba kayo? Magkahawig lang sila. Yang mga utak niyo kung saan saan lumilipad.

Napalingon ako ng biglaan sa tatlong nagbubulunga malayo sa akin nang marinig ang mga sinasabi nila. Nagulat naman sila at biglang tumahimik. Napunta ang tingin ko sa mag-asawang Marcova na nakikipagtawanan sa mga guest nila. Tinitigan ko sila pero parang wala naman kaming pagkakahawig sa isat isa. Mga utak lang ng mga babaeng kung ano ano ang pumapasok. Napailing na lang ako. Bakit ba ako nagpapaniwala sa kanila.

Tutal naman ay wala akong gagawin dito ay lumabas na ako. Gabi na pala. Tumingala ako sa kalangitan at napangiti ako nang makita ang mga bituin na nagkalat sa kadiliman ng langit. Sobrang kinang. Parang binibigyan nila ng liwanag ang buhay ko purong itin.

"Ah-mm." Npalingon ako sa gilid ko dahil sa pekeng umubong yun sa gilid ko at tumambad sa akin ang mukha ni Vash na nakatayo sa harap ko. Sinundan ba niya ako? Imbitado ang Mommy niya rito ngunit siya ang pinapunta. Medyo nawala yung mood ko kanina nung nakita ko siya pero hindi ko naman siya pwedeng ipagtabuyan dahil hindi sa akin ang party na ito.

Hindi na lang ako nagsalita at muling tumingala sa kalangitan upang pagmasdan ang mga bituin. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin pero hindi ako nagreklamo.

"Ang ganda no?" Hindi ko mapigilang bulalas habang pinagmamasdan ang kinang ng mga bituin. Hindi ko muna siya aawayin ngayon dahil masyado akong pagod para magbunganga.

"Yeah, just like the star of life. It's so beautiful. " tugon nito. Napangiti naman ako. Star of his life? He's maybe Inlove to someone who's better than me. Tsk. Letse! Bakit ko ba naiisip yun.
Nang lingunin ko siya ay laking gulat ko na lang na sa akin pala siya nakatingin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Napaseryoso nito habang ang dalawang kamay ay nasaloob ng bulsa nito.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now