Fifty Nine

1.6K 37 3
                                    

***


Third person POV:

Isang lalaki ang nakatali sa upuan at duguan ang buong katawan habang patuloy na binubugbog ng mga armadong lalaki. Sa isang gilid naman ay may babaing nakangiti habang kinukuhanan sila ng video.

"Tama na muna yan." Saad ng babae at binaba ang camera bago lumapit sa duguang lalaki.

"A-ano bang at-traso ko s-sa inyo?" Nahihirapang saad ng lalaki at sumuka ng dugo

"Wala kang atraso sa akin pero siya malaki ang atraso sa akin."
Saad ng babae

"Ha-ha. W-wal-a ka-yong m-mapa-pala sa a-a-akin." Nahihirapang sagot ng lalaki

"Mayron. Malaki ang mapapala ko sayo. Isa ka sa mga kahinaan niya. Kaya malaki ang magiging papel mo sa larong ito. I mean malaki ang magiging papel NIYO sa larong ito........... This will be an exciting game ever...... What do you think? HAHAHAHA." Mala demonyong tawa ng babae

May lalaking lumapit sa kanya at inabot sa kanya ang baril. May sinabi rin ito bago umalis sa tabi niya na lalong nagpangisi sa babae at nilingon ang lalaking duguan.

"Nagawa na po niya ang pinag-uutos niyo." Saad ng lalaki

"Oh my!! Did you hear that? Exciting diba? Isang araw lang dalawa na ang malalagas sa kanya. HAHAHAHA.." masayang saad ng babae

Napaangat ang tingin ang duguang lalaki at tiningnan ang babae na tumatawa parin. Kahit gusto niyang kumawala ay hindi niya magawa. Pero isa lang ang tanging nasa isipan niya. Yun ang babaing mahal niya. Gusto niyang patayin ang babaing nasa harap niya pero hindi niya magawa. Nanlalabo na ang paningin niya. Yumuko siya ulit pero  napaangat siya ng tingin ng marinig ang sigaw ng babae. Mukhang ito na ang katapusan niya.

"IBITIN NIYO NA YAN."

Nagsilapit ang mga armadong lalaki at tinalian siya sa katawan bago ibitin sa kisame. Hindi na niya magawang lumaban pa dahil nanghihina na siya. Bukod kasi sa pangbubugbog na ginawa sa kanya ay kinuryente din siya at binaril sa balikat kaya nanghihina na siya.

Samantalang yung babae naman ay pinagmamasdan lang ang ginagawa ng mga tauhan niya habang malawak ang ngiti nito. Nang maibitin na siya ay itinutok ng babae ang hawak niyang baril sa kanya. Hindi parin nawawala ang galak sa mukha niya.

"Any last word?" Malademonyong saad ng babae. Hindi naman sumagot ang lalaki. Indikasyon na wala na itong balak magsalita pa

"Okay! See you in hell. Don't worry dahil magkikita pa naman kayo ng pinakamamahal mo sa impyerno. Good bye." Huling saad ng babae at binaril ang lalaking nakabitin.

"Lets go." Sabi nito at nagsialisan na sa Gym.

Nakangiti naman ang babae habang palabas ng school. Sa school niya tinorture ang lalaki at pinatay dahil alam niyang madali itong makikita ng babaing pakay niya.

______

"AHHHHHHH!"

Isang malakas na sigaw ng guro mula sa Gym. Nagsitakbuhan naman ang mga tao papunta sa doon ng marinig nila ang sigaw kasama na dun sina Ellah at ang mga kaibigan nito. Maging sina Vash na papunta na rin Gym.

Nagulantang naman ang lahat ng makita nila ang lalaking nakabitin sa kisame ng Gym. Yung babaing namang sumigaw ay hinimatay na. Dinaluhan naman siya ng ibang mga guro at dinala sa clinic.

Pero kung nagulantang ang lahat ay mas higit na nagulantang si Ellah at ang mga kaibigan nito. Nakatakip na sa bibig sina Dara habang nakatingala.

"Ace!!" Piping saad ni Ellah habang nakatingin kay Ace na nakabitin at punong puno ng dugo.

Lumapit siya ng unti unti habang naglandasan na ang mga luha sa mukha niya. Umiling iling pa siya dahil sa nakikita. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.Napa upo na siya dahil sa sobrang pang hihina. Nagtaka siya ng basa ang naupuan. Hinawakan niya ito ng dalawang kamay at nang iangat niya ang kamay niya ay punong puno na ito ng dugo. Nanginginig na siya sa sobrang takot para sa kaibigan niya. Sobrang laki ng dugo na nawala sa kaniya.

"AHHHHHHHHHH!!!!" Hagulgol nito habang sa kamay parin nakatingin. Dinaluhan siya ni Vash pero patuloy parin na umiiyak si Ellah. Nagsilapit narin ang mga kaibigan nito sa kanya.

Pilit siyang inilalayo ni Vash sa dugong naupuan niya pero hindi niya ito maiangat dahil sa patuloy na pag-iyak ni Ellah. Maging siya ay punong puno na rin ng dugo

"E-el-lah." Napatigil siya sa pag iyak at tumingala ng marinig ang boses ni Ace. Gumaan kahit papaano ang loob niya nang malamang buhay pa si Ace. Nabuhayan siya ng loob.

"BUHAY SIYA. I-IBABA NIYO.. BUHAY PA SIYA." Sigaw nang kung sino kaya pinagtulungan nilang ibaba si Ace

Tumayo naman si Ellah at Vash habang pinapanood ang pagbaba kay Ace mula sa pagkakabitin.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANCE." Sigaw din nang isang lalaki

Nang maibaba nila ito ay agad na lumapit si Ellah sa kanya at niyakap. Hindi niya alintana ang dugong nakabalot na sa kanya

Ang tanging mahalaga lang sa kaniya ay ang kaligtasan ng kaibigan.

"Ace! S-sinong ma-y g-g-gawa nito?" Umiiyak na tanong ni Ellah. Hinaplos nito ang pisngi ng lalaki at patuloy parin siyang umiiyak.

"M-mag-i-i-ingat k-ka. I-ik-aw a-ang t-to-to-ong p-pakay n-niya." Nahihirapang saad ni Ace. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa pisngi nitohabang nahihirapang huminga

"W-wag ka m-mu-nang  mag-s-salita." Umiiyak na saad ni Ellah

"Ma-g-i-ingat k-ka." Saad pa ni Ace. Umiling iling naman si Ellah na hudyat na pinapatigil nitong magsalita.

"Wag ka munang magsalita. Please! S-sa ngayon m-mag-pakatatag  ka. W-wag kang s-susu-ko."

"H-hin-di ko n-na k-ka-ya. S-so-rry. T-tandaan m-mo na la-gi lang a-akong nasa t-ta-bi mo." Nakangiting saad nito at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ni Ellah.

"Wag kang magsalita ng ganiyan. Please!" Hagulgol na nito nang unti unti ng pumipikit ang mga mata ni Ace.

Hindi na kumikilos si Ace kaya lalong nataranta si Ellah at inalog alog niya ito pero hindi na ito gumagalaw.

"ACE!! WAG MONG GAWIN TO PLEASE! IDILAT MO ANG MGA MATA MO, ACE! PARANG AWA MO NA, ACE!!! ......AHHHHHH.!" Tuluyan ng humagulgol si Ellah nang hindi na sumasagot si Ace. Niyakap niya nito ng mahigpit habang umiiyak.

Himala pa at umabot siyang buhay ng umaga. Siguro ay pinilit lang nito na wag tuluyang pumikit kahit na may tama siya ng bala dahil alam niyang kailangan niyang balaan si Ellah. Pero mukhang hindi na niya kaya ngayon.

Nagsidatingan na ang ambulansiya. Sinakay nila ito. Hindi na malaman ni Ellah ang gagawin dahil natataranta na siya. Blangko na ang isip niya at ang tanging nasa isip lang niya ay ang kaligtasan ni Ace.

Pasakay na sana siya ng ambulansiya nang biglang lumapit sa kaniya si Denise na umiiyak at may dalang phone.

"S-si Ed. Sinugod sa h-hospital. Na-naaksidinte daw s-siya at critical ang lagay."

Tila nabingi si Ellah sa narinig. Hindi niya kayang iproseso ang lahat. Wala na siyang makita dahil sa luha niyang sunod sunod na pumapatak. Pakiramdam niya nanghihina sa at nagdidilim ang paligid niya. Hindi na rin niya marinig ang sigawan sa paligid niya.

Pero ang narinig lang niya ay ang pagtawag sa pangalan niya.

"ELLAH!!!!"

And everything went black..
.
.

_Leydeereyhn

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now