Thirty Nine

2.5K 47 2
                                    

***

DARA POV:

Nilingon ko si Denise na nakatingin sa akin at nakahawak sa bibig niya. Ganon rin si Margie. Sumama ang tingin ko sa kanila dahil panigurado na ibang katangahan na naman ang pumasok sa isipan nila. Nilipad na naman ng hangin ang mga utak nila.

"Paano mo nalaman ang mga yun, Dara? Don't tell us na SPY ka? Oh My God! Paano mo ito nagawa sa amin? Tinuring ka naming kaibigan lalo na si Ellah tapos gaganitohin mo lang kami? Magsisinungaling ka sa amin? Bakit hindi mo sinabi na nagtatrabaho ka pala sa isang agency, edi sana nakasali rin kami. HOW DARE YOU!" Sigaw nito na talagang ikinagulat ko dahil sa lakas ng boses nito. Dinuro pa ako nito gamit ang kanyang daliri.

"Wala kang kwetang kaibigan. Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin para sayo ganito lang ang isusukli mo sa amin? I HATE YOU!" Sigaw din ni Margie. Napatingin ako kina Cyrus na gulat na gulat din na nakatingin sa dalawa dahil sa mga inasta nila. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla biglang mag-iiba ang mood nila.

Napahawak nalang ako sa noo ko at umiling iling. Tinamaan na naman po sila ng katangahan nila. Ang akala ko gumaling na sila pero hindi dahil lalo pa lang silang lumala. Lumala na ang katangahan nila.

"You're a traitor!" Bulyaw pa sa akin ni Denise

"Hindi lang siya traydor, Denise, kundi manloloko pa. Niloko niya tayong lahat. Paano mo nagawang magsinungaling sa na isa ka palang spy at bakit mo iniimbistigahan ang Isla Mapayapa?"

"Oo nga. Teka... Oh my god! Kung ganun may anumalyang nangyayari sa Isla Mapayapa like taniman ng mga droga, bintahan ng mga illegal items o lugar ng mga pirate. Alin dun?"

Lord please, isang wish lang. Pwede ko po bang ihulog itong dalawang ito sa dagat? Masisiraan na ata kasi ako ng bait sa kanila at baka maihulog ko talaga sila ng totoo.

"Pwede ba tigilan niyo yang katangahan niyo? Atsaka anong spy, droga at pirate ang mga pinagsasabi niyo? God!" Bulyaw ko sa kanila habang umiiling

"Girl baka naman hindi siya si Dara. Baka impostor siya. Kasi kung siya si Dara, dapat pinagbabantaan na sana niya tayo." Kausap ni Margie kay Denise. Kung makapag-usap sila parang hindi nila ako katabi ah.

"Oo nga. Di bali. Pagdating natin sa Isla Mapayapa ay magpatulong tayo kay Ellah." Sang-ayon sa kanya ni Denise. Napakatanga talaga nila. Hindi ko lubos maisip kung paano namin nila napapagtiyagaan ni Ellah. Lalo na itong mga ugali nila.

"Kapag hindi kayo tumigil. I swear ihuhulog ko kayo dito at wala akong pakialam kahit kainin kayo ng pating!" Bulyaw ko sa kanila na ikinatalon nila sa gulat.

"Girl, siya talaga si Dara. Pinagbabantaan na tayo eh." Narinig ko pang Bulong ni Denise kay Margie.

"Oo nga. WAHHHH DARA I MISS YOU. SABI KO NA NGA BA MAHAL MO KAMI." Biglang sigaw ni Margie at susunggaban na sana ako ng yakap pero umatras ako para iwasan ito. Ayokong mahawa sa katangahan nila.

Kaya lang sa pag-antras ko ay may nakabangga ako sa aking likuran at naramdaman ko ang pagdikit ng likod ko sa dibdib ng taong yun at ang paghawak nito sa magkabila kong braso kaya agad na napunta ang tingin ko rito at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko dahil si Denver pala itong naatrasan ko. Nakatingala ako sa kanya at halos magdikit na ang mukha namin dahil nakatungo rin ito habang nakatingin sa akin.

Mabilis akong umalis sa pagkakahawak nito lamayo dahil sa kakaibang koryente na aking naramdaman at sa biglang pagbilis ng tibok ng puso na hindi ko maitindihan kung bakit. Ngumiti lang sa akin si Denver pero Inirapan ko lang ito. Ewan ko ba, parang naiinis ako sa ngiti nito. Sinamaan ko naman ng tingin si Margie at Denise dahil kasalanan nila kung bakit biglang nadikit ang katawan ko kay Denver.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)On viuen les histories. Descobreix ara