EPISODE 3

715 25 2
                                    

👮‍♀️
KIM

Finally tapos na ring nadiscuss regarding sa event ni maam imee. Buti at maaga nila kaming inaapproach para maraming time para makapagprepare. Bale 2 days yung celebration, sunday and monday. Saktong day off ko naman. Nagsiuwian na rin kami dahil 11pm na. Maaga na naman bukas sa work. Ayokong mag push-up ng isang daan noh. Kaya uwi na at matulog.

Habang nasa daan ako, marami akong nakikitang magagandang view kaya agad kong kinuha yung camera ko para kuhanan ng litrato.

Mahilig ako kumuha ng kung ano anong mga pictures at ginagawa kong board puzzle. Naging collection ko na to simula bata kaya andaming nakadisplay sa bahay at sa shop din. Hindi ko siya binebenta pinapamigay ko sa mga nagpupunta ng shop para naman may malibangan sila habang naghihintay.

Bukod sa pagpupulis, passion ko rin yung music kaya may sounds services ako. At marami namang nagiinquire samin dahil maganda daw yung service. Sa lahat ng event na kinuha namin nandoon ako lagi dahil ako yung nagmamando sa lahat. Kumbaga ako yung director, dinidirect ko yung sa sound system, spotlight, layout ng stage, at photography and videography may band din kami, sinama ko na rin para kumpleto. Pero may mga magagaling na naka assigned bawat isa jan dahil hindi ko naman kayang gawin yan lahat ng sabay sabay.

Marami na akong nakuhang litrato kaya umuwi na ako at makapagpahinga.

🧓
IRENE

Ngayon na ang uwi namin ng pilipinas. Excited ako dahil birthday ni dad. At makakasama ko ulit sila mommy, manang imee, kuya bonget at mga pamangkin ko.

"Nakaready na ba ang lahat?" Greg asked.

"Yes dad, we're all ready even andy. He's excited to get home and make bond with his cousins" luis uttered.

"Then lets go" sabi ko naman.

Agad na kaming pumuntang van at pumunta ng airport.

"Hon, wala ka bang nakalimutang pasalubong para kila mommy at sa mga pamangkin natin?" Tanong ni Greg.

"Nasa iisang maleta na silang lahat hon, don't worry wala akong nakaligtaan kahit isang pasalubong at alam kong may iiyak kapag walang natanggap HAHAHAHAHA" I said.

Tumawa naman sila luis at xandra dahil sa sinabi ko. Si Alfonso may inaasikasong pang zoom meeting, busy sya at dapat matapos na iyon bago ang flight.

*FF

Nasa pilipinas na kami, at nakakapanibago dahil ang init init dito. Nagsitanggal na kami  ng mga jacket dahil parang maluluto na kami sa sobrang init.

Tinawagan ko na rin si kuya bonget para masundo kami dito sa airpot.

Maya maya meron na yung van na magsusundo sa amin. Dumiretso na kami agad ng ilocos dahil andun na rin sila manang imee at sila atty. liza at ng mga anak niya. Kasabay namin si kuya bonget, hindi niya kasabay sila atty. liza dahil may inaasikaso pa siya dito sa manila. Kaya nakisabay nalang siya sa amin na uuwi ng ilocos.

After ng napakahabang pangangawit, nakarating rin kami dito sa ilocos.

"Andaming nabago kuya ha, ang ganda ng kapitolyo at nitong malacañang of the north" sabi ko kay kuya bonget.

"Sempre alagang Gov. Imee yan e" kuya bonget complimented.

"Pero ikaw kuya wala kang pinagbago, mukha ka paring lolo dahil hindi ka nagtatuck-in" pang aasar ko kay kuya.

Natawa naman tong mga kasama ko.

"Aah talaga ba irene?" Sagot ni kuya habang pinipilit wag mapikon kahit obvious naman nang pikon. HAHAHAHAHAAHHA.

"Hoooooy mga bakla!" Sigaw naman ni manang imee habang papunta sa amin. Makabakla naman neto, sabagay siya yung kilalang babaeng bakla sa amin. HAHAHAHAHA.

Nagsibaba na rin kami. Bineso at nagmano naman sila luis, xandra, andy at alfonso kay Manang imee. Ang pula pula na ng pisngi at noo namin HAHAHAH.

"Namiss kita ading ko irene" manang imee said.

"Namiss din kita manang imee" i said.

"Halina kayo at napakadami kong dalang chismis ngayon at corny'ng jokes" manang imee said

Aba pinagmalaki pa niya ang mga corny jokes niya. Pumasok na kami at nakita namin si mommy meldy, hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap.

"I miss you mommy" i said habang niyayakap siya.

Alam kong namiss niya din kami kaya naiiyak na at isa isa niyang bineso sila luis at alfonso at pati sila xandra and andy.

"Asan si atty. liza?" Tanong ko kay manang imee. At nasa kusina daw siya tumutulong maghanda ng lunch. Pinuntahan ko naman siya at kinamusta.

"Kumusta atty. Liza? Yung mga pamangkin ko asan?" Tanong ko.

"Nasa taas tulog pa napuyat sa kakalaro ng mobile games. Oh ayan na pala sila" atty. Liza said. Tumingin naman ako sa itaas dahil maingay silang nagsibabaan.

"Titaaaa, titoooo, kuya luis at kuya alfonso" bungad naman ng tatlong anak ni atty. liza at kuya bonget. Isa isa silang nagmano sa amin at yumakap.

"Hello, sandro, simon at vinny" sabi ko habang yumakayap sa kanila.

"Ayun si tito greg niyo magmano kayo sa kanya" sabi naman ni atty. liza sa kanila at nagsitakbo at naguunahan pa. HAHAHAHAHAHAHA mga bata talaga e noh, ang kukulit.

After naming batihin sila. Nagpunta na kami sa kanya kanyang kwarto para maayos ang gamit at nang makapagshower na dahil amoy airport kami. Kasama ko sa kwarto si greg. At si luis, xandra at andy naman magkasama at si alfonso sa kwarto nila sandro, simon and vinny. Maraming kwarto itong bahay kaya kasya kaming lahat dito.

Bumaba na rin kami dahil tinatawag na kami para kumain. At after ng lunch magpapahinga na muna kami dahil nakakapagod magbyahe ng napakatagal.

Ayan na naman sila, naguunahan sa lamesa.

"Mga anak ni bonget talaga e noh manang mana sa kanya sobrang kulit parang may uuod sa pwet" simula na naman ang pag-aasar ko. HAHAHHAA

"E ganun talaga kaya nga nakatatlo kami ni liza e dahil sa kakulitan ko" sabi naman ni kuya dahilan ng pagtawa namin lahat.

Unang araw palang dito sa ilocos ang saya na. Basta buo kayong pamilya masaya na ang lahat.

After naming kumain. Nagsipasok na kami sa mga kwarto para magpahinga. Nakatulog naman agad kami ni greg dahil sa sobrang pagod.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now