EPISODE 24

483 22 1
                                    

Karla's POV

Nakita kong lumabas uli si ate kim, at para siyang umiiyak. Pumunta siya ng sasakyan at kinuha yung mga alak. Tinulungan naman na namin siya.

Pagkalapag ng alak agad siyang uminom. Para siyang uhaw na uhaw.

"Ate kim, ayos ka lang ba?" tanong ko.

Pero hindi siya nagsasalita. Hanggang lumalapit na yung mga ibang kasama namin at nagtatanong kung ayos lang si ate kim.

"Doon muna kayo guys, ako na bahala dito" sabi ko sa kanila.

Nakatatlong bottle na siya ng beer pero ako paubos palang ng isang bote.

"Ate, bakit ano nangyari sayo? Bigla ka nalang nagkakaganyan after mo bumili ng alak. Tsaka hindi ka naman masyadong umiinom" tanong ko uli.

"May nangyari ba? Ate magsalita ka naman" i said.

Pero tulala pa din siya habang umiinom. Hindi ko na uli siya tinanong baka ayaw niya ng kausap. Pero nandito pa din ako sa tabi niya para damayan kung may problema man siya.

Maya-maya tumayo siya. Lasing na siya kasi pagewang gewang na siya maglakad.

"Oh ate, saan ka pupunta?" Tanong ko sabay hawak sa kanya para hindi matumba.

"Bitawan mo ko" rinig kong sabi ni ate kim saka niya tinanggal yung kamay ko.

Binitawan ko naman siya. Lumakad na siya hanggang sa pintuan at biglang nahulog sa hagdaan.

"Ateeeeeeee!" Sigaw ko.

Napatigil lahat ng tao noong sumigaw ako. Agad naman akong tumakbo para tulungan siya.

Nakita kong puno ng dugo yung gauge na nakacover sa sugat niya.

"Ate ayos ka lang? Ate yung sugat niyo, andaming dugo!" Pag-alala kong tanong.

"Sabi kong bitawan mo ko!!" Sigaw sakin ni ate kim.

Pero hindi ko siya pinansin. Tinawag ko si kuya arnold para buhatin siya at ipasok sa loob.

"Kuya arnold!!" Sigaw ko.

Nagsilabasan naman lahat ng tao.

"Anong nagyayari dito?" tanong ni ma'am imee.

"Napano si kim?" tanong naman ni Ma'am Irene.

Hindi ko muna sila sinagot. Sakto namang binuhat ni kuya arnold si kim. Pero si ate kim ayaw niya magpabuhat.

Irene's POV

Narinig naming may sumigaw. Kaya nataranta kaming tignan kung anong meron.

"Kuya arnold!!" Sunod niyang sabi. Napatakbo na kami agad nila ate imee.

"Anong nagyayari dito?" tanong ni ate imee.

Nakita kong nasa sahig si kim at lasing na lasing. Pinipilit niyang tumayo pero hindi niya kaya.

"Napano si kim?!" taranta kong tanong. Pero hindi sumasagot si karla.

"No-o guys. Ka-kaya ko ito. Wag ka-yong mag-alala" sabi ni kim.

Nakita ko naman yung paa niya. Punong puno ng dugo yung nilagay kong gauge.

"Kim! Ano ba? Tignan mo nga yang paa mo punong puno na ng dugo. Need na nating gamutin uli. Huwag na matigas ang ulo!" galit kong sabi.

"Nope, j-just stay! Jan l-lang kayo, huwag kayong gagalaw" sabi ni kim na lasing.

Mapilit siya kaya hinayaan lang muna namin at tinititigan kung ano gagawin niya.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEKde žijí příběhy. Začni objevovat