EPISODE 6

558 18 3
                                    

👮‍♀️
KIM

Habang naghihintay silang matapos, nanunuod lang ako sa tiktok.

"Hoy kim, yang ngiti mo mapupunit na, ano ba yan pinapanuod mo?" Tanong ni ate dean.

"Aaah wala ate mga random videos lang dito sa tiktok" sagot ko pero yung totoo videos lang ni Ms. Irene pinapanuod ko wala nang iba.

May mga videos kasi siyang kita cleavage kaya yun HAHAHHAAH.

Ilang araw nalang makikita ko na siya. Chigidig my heart.

"Tapos na kami, tara na dito ka nalang kumain" pag-aalok ni ate dean.

"Sige ate, kaya gustong gusto ko pumunta dito e" sabi ko naman.

"Pero treat mo ngayon ha" ate dean said.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Kasi akala ko, kaya gustong gusto ko pumunta dito ay dahil laging may libreng pagkain.

"Wala pang sahod ate" sabi ko sabay tawa.

"Aysuuuuus, ikaw pa ba mawawalan ng pera. E wala ka ngang jowang pinaggagastusan" pang-aasar naman niya.

"E bakit ikaw ate, wala ka rin namang jowa pero agad nauubos pera mo" balik asar ko naman. Sinampal naman niya yung braso ko. At tawang tawa naman yung mga kasama niya.

"Sige na tara na sa labas para kumain" sabi ko rin 'coz why not naman diva?

Nagdrive thru nalang kami at kumain sa park. Lagi ko paring dala itong camera ko dahil naaappreciate ko yung ganda ng nature. Click duon, click dito. Walang sawang pagkuha ng litrato. Maski sirang gloves na nakita sa daan pipicturan. Nasa sayo na yun kung paano mo ianggulo yung camera sa things na yun para maganda yung pagkakakuha.

Then after nun umuwi na kami para makapagrest na.

*FF

"Ma, pa, nakauwi na po ako" sabi ko.

"Oh anak, kumain kana ba? Kumusta araw mo?" Sabi naman ni mama.

Hindi ko na siya natulungang magligpit ng paninda niya. Pero alam naman niyang busy sa work at sa shop.

"Ayos lang ma. Kayo po, hindi na ba kayo nahihilo?" Pag-alala kong tanong.

"Hindi naman na anak. E sa shop, kumusta naman? Kailan ka susunod sa kanila kasi hindi mo pa naman day off bukas? Mama asked.

"Linggo ng madaling araw ma. Nakapaghanda naman na kami, bukas babyhe na yung team" i answered.

"Ganun ba? Sige umakyat kana anak nang makapagpahinga kana rin. Iloveyouuuu anak" sabi ni mama sabay yakap.

"Goodnight ma, iloveyou too ma" sabi ko naman.

Umakyat na ako ng kwarto. Naghalf bath lang ako dahil gabi na. Maaga naman akong aalis bukas para puntahan yung mga team.

After ko magbihis, inopen ko muna yung laptop ko para isave yung mga pictures na nakuha ko kanina. Sineseparate ko na yung mga gagawin kong board puzzle. Dahil after ng event, bibisitahin ko yung mga alaga ko sa bahay ampunan. Bibigyan ko uli sila nito at alam kong matutuwa sila kapag nandun ako. Kinocollect ko muna dito sa isang file para minsanan nalang akong gumawa ng board puzzle.

Natulog na ako pagkatapos.

🧓
IRENE

Late kaming nakauwi dito sa bahay dahil namasyal pa kami. Andami naming napuntahan.

"Andy, say goodnight to mamila" luis said to andy.

"Goodnight mamila" sabi ni andy sabay kiss sa pisngi ko. Hinalikan ko naman siya pabalik.

Sila mommy meldy alam kong tulog na mga yun at sila manang imee. Mga tigang ang mga iyon e.

Napansin kong hindi umiimik itong si greg. Kaya niyaya ko na siyang pumunta ng kwarto para makapagpahinga.

"Tara na hon" pag-ayaya ko sa kanya.

Pagkapasok namin ni greg sa kwarto bigla niyang nilock yung pinto. Nagulat naman ako nung bigla niya akong sinandal sa pader. Bigla naman niya akong hinalikan, at hinalikan ko rin siya pabalik. Pero hindi naman nagtagal yung halikan namin dahil pagod ako dahil sa pamamasyal. Pero pumipilit siyang gawin namin ngayon dahil namiss niya daw. Pero ayoko dahil nga bagsak na katawan ko dahil sa pagod. You know, nagkakaedad na madali nalang mapagod.

"Hon, stop ayoko ngayon" i said.

Pero mapilit talaga siya, hinahalikan niya ako hanggang sa napahiga ako sa kama. "Greeeeeeeeg" sigaw ko dahil ayaw niya tumigil.

Nagalit ako sa kanya dahil alam naman niya na pagod ako.

"Hindi mo ba maintindihan yung salitang ayoko!? Galit kong sabi.

"Hon, ngayon na nga lang eh pagbigyan mo na ako" sabi ni greg habang hinihila ako.

At dahil pagod ako at the same time galit na dahil sa ginawa ni greg, bigla ko siyang sinampal. Agad akong pumunta ng Cr at nagshower para lumamig ung ulo ko.

Pagkatapos ko magshower, lumabas na ako at nakita ko siya sa kama hawak niya yung cellphone niya. Hindi ko siya kinakausap, nakahiga na ako nang naramdaman kong panay vibrate yung cellphone niya. Hindi ko naman yun pinansin, at baka mga katrabahuhan niya lang sa company. Hindi ko pa rin siya kinakausap at ganun din siya. Hanggang sa nakatulog na kami.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now