EPISODE 30

535 30 6
                                    

Kim's POV

Umuwi na kami at agad din akong umuwi ng bahay para makapagbihis. Nagmamadali na akong nagdrive dahil medyo malalate na ako sa work pero ayos lang dahil pagkadating ko ng station saka palang nagsisidatingan yung mga superior ko.

Pero sempre binilisan ko ng maglakad para maunahan ko silang makapasok ng station para hindi halatang late.

*FF

It's 6 am na at kakauwi ko ng bahay. Wala naman kaming masyadong activity sa station kanina kaya nakatulog ako. Gumayak na ako para makapunta sa bahay ampunan.

Nakaligo na ako at nakapagbreakfast na. Kinuha ko na yung mga board puzzles at mga damit para ibigay sa mga alaga ko.

Nasa byahe na ako at naisipang mag drive thru, bibilhan ko sila ng jollibee para may meryenda sila mamaya pagdating ko.

Kung same direction lang sana papuntang bahay-ampunan at sa location nila Ms. Irene, dadaanan ko sana sila kaso hindi e.

Nakapagdrive-thru na ako at nagdrive ulit. Maya-maya andito na ako sa bahay ampunan. Sinalubong ako ng napakaraming bata. Hays! Naaawa ako sa kanila dahil hindi nila kasama yung kanila pamilya. Bakit pa kasi nag-aanak kung hindi naman kayang buhayin at dito na dinadala, yan tuloy itong mga bata ang nahihirapan ngayon dahil hindi nila maramdaman ang may tatay at nanay.

But still they're blessing dahil lumalaki silang mabait at may takot sa diyos.

"Hey! Kumusta kayong lahat" tanong ko sa kanila.

"Miss na miss ka na namin ate kim" sabi sakin ni princess.

"Eh busy sa work e, pero ngayon babawi si ate sa inyo. May dala akong jollibee para sa inyong lahat" i said.

Natuwa naman sila dahil sa dala ko. Agad naman kaming nagtungo sa loob at nilapag sa lamesa yung mga dala ko.

Habang kumakain sila, kinuha ko na yung mga board puzzles para malaro na nila ito after nilang kumain.

"Eto na yung favorite niyong laruin" sabi ko habang dala-dala yung mga board puzzle.

"Yeheeeey! May lalaruin na naman kami" princess. Tuwang tuwa sila sa nakita nila.

Pagtingin ko ng relo ko it's 10 am na, for sure patapos na yung ceremony nila Ms. Irene.

"Wow! Ang dami po nyan ate kim" ela.

"Sempre naman para sa inyong lahat ito. Tignan niyo ito o, ang cute diba?" i said habang pinapakita yung mga design ng mga puzzles.

"Ate ang cute nito o, pusa na kumakain ng isda, saan niyo ito nakuha ate kim?" Tanong ni marco.

"Aaah yan? Sa ilocos ko yan nakuha. Ang cute diba? Sa iyo na yan marco" i said.

Binigyan ko na sila lahat pati na rin yung mga damit. Maglilibot naman ako dito sa kasama sila sisters at mapagusapan kung ano pa ang kailangan ng mga bata dito sa loob ng bahay ampunan.

"O siya, laruin niyo na yan ha at maglilibot lang ako kasama sila sisters" paalam ko sa mga bata.

"Sige po ate kim, salamat po sa mga ito" princess.

Umalis naman na kami nila sister jane and sister mae.

"Salamat kim dahil kahit busy ka sa mga trabaho mo naiisipan mo pa ding dumalaw dito" sister jane.

"Wala po yun sister, napamahal na rin sila sa akin. Noong unang pagbisita ko dito, maliliit pa sila noon, at ngayon nagdadalaga at nagbibinata na sila" sabi ko.

"Yun na nga e kim e, sa tagal mo nang dumadalaw dito ni wala ka man lang boyfriend para may kasama kang dumalaw dito" sister mae.

"Nako sisters, hindi po yun ung priority ko" i said.

Habang naglalakad kami may binigay na dalawang bracelet si sister jane.

"Para saan po ito sister jane?" Tanong ko sa kanila.

"Dahil napakabuti mong tao, gusto kong ibigay ito sayo"sister jane.

"Bakit po dalawa sister? Magkabilang kamay ko ba itong susuotin?" Biro kong tanong.

"HAHA hindi iha, para sayo yang isa tapos yung isa naman gusto ko ibigay mo itobsa taong pinakamahalaga sa buhay mo" sister jane.

"Magiging lucky charm niyo ito sa lahat ng bagay na gusto niyong ma achieve" dagdag pa nito.

"Hala salamat po sister, lagi ko po itong isusuot" i said.

"At eto pang kwintas para ito kay mama mo, dumalaw siya dito nung nakaraan. Nagdala siya ng mga gulay, e nagmamadali siyang umalis kaya hindi namin ito naibigay" sabi naman ni sister mae.

"Salamat po ng marami sisters. Matutuwa po rito si mama dahil nagiging lucky charm rin po niya itong mga binibigay niyo sa kanya" i said.

Nagbigay rin sila sisters ng bracelet kay mama noon at lagi iyon suot. At dahil laging suot ni mama yung bracelet, laging may blessings na dumarating.

*FF

Hapon na kaya it's time para umuwi. Nagpaalam na ako sa mga bata.

"Salamat uli ate kim, balik po kayo ha" princess.

Niyakap naman ako ni princess dahilan na yumakap din yung mga ibang bata. Nag group hug na kaming lahat.

"Byeeee! Magpapakabait kayo ha. Balik ako sa susunod" paalam ko sabay sakay ng sasakyan at nagdrive.

Irene's POV

Kakauwi namin ni Greg dito sa hotel dahil napagod kami sa ceremony kanina. May dinner kami nila Clyde at yung dalawang kaibigan ko na umattend ng ceremony.

9am na nagstart yung ceremony at natapos yun ng 11am. Doon na din kami naglunch kasama lahat ng bisita. Natapos naman yung ceremony ng maayos pero nakakapanghinayang lang dahil hindi nawitness ni kim yung ceromony, e siya pa naman yung naghanap ng lupa.

Marami rin kaming compliments na natanggap dahil good choice yung location. Nasa City ito kaya maraming makakapansin at madali lang puntahan.

Tatawagan ko sana siya para maupdate kung ano nangyari sa ceremony pero bigla akong nakatulog.

Kim's POV

Papasok na ako ng station at hindi na ako late. On time akong pumasok. Magsisipag tayo ngayong duty dahil day off ko na uli bukas. Matutulog ako buong araw. HAHAHAHAHAH.

Habang nasa desk ako naalala ko na magdidinner sila Ms. Irene at Clyde ngayon. Nagdadalawang isip ako dahil gusto kong umattend sa dinner.

Tinawagan ko naman si Clyde kung saan yung place ng restaurant at anong oras.

*CALLING TO CLYDE

"Hello baklaaa!" Bungad ko.

"O ano problema? Kalako ba busy ka sa work ngayon?" Clyde.

"Busy nga pero gusto ko atang pumunta" i said.

"Location ba mare? At anong oras dinner niyo?" Tanong ko.

"Dito rin sa cauayan city, dito sa "isla sea" seafood restaurant. Maya pang 8pm yung dinner e 7:10 pm palang. Pumunta kana bakla" clyde.

Alam ko yung sinabing restaurant ni clyde. Pero seafood restaurant, allergic ako sa shrimp. Pero specific lang, may nakakain naman akomg ibang seafood. Yung shrimp lang talaga.

"Pag-iisipan ko pa, basta huwag mo sasabihin sa kanila na may plan akong umattend sa dinner ha. Hesitant pa ako" sabi ko.

"Osige sige. Basta text mo ako kapag pupunta ka. Tsaka kami kami lang din tapos may dalawang kaibigan ni Ms. Irene" clyde.

"Sigee, Balitaan kita maya maya. Byeeee!" Paalam ko sa kanya sabay baba ng phone.

Nagiisip pa din ako kung pupunta o hindi.
Pupunta ba o hindi? Pupunta o hindi pupunta? Gora ba or not?

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now