EPISODE 56

447 33 2
                                    

Irene's POV

After nang gabing iyon madalang nalang yung pagkikita at pag-uusap namin ni kim dahil we're both busy sa sari-sariling trabaho. Maya-maya nagsalita si Greg na nakaupo sa couch.

"Hon" bigla nitong sabi.

"Yes hon?" i asked while reading an agreement paper.

"Nakapunta kana ba sa bahay nila kim?" Tanong naman nito.

"Hmmm, yes dinalaw ko siya nung kararating ko dito sa isabela, and they're hospitable" i answered sabay tingin sa kanya.

"Why?" I added.

"Can we go there? Gusto ko lang malaman kung ano status ng buhay niya maliban sa pagpupulis at pagmamanage ng isang services" he said sabay akbay sa backboard ng couch ng kanyang dalawang kamay.

"What do you mean?" I asked.

"Nothing. I just want to know kung what's her parents doing" he desperately said.

"Ano? Kailangan mo pa bang malaman iyon. As i said earlier, nagpunta na ako dun at napakadisente nila kahit simple lang silang namumuhay" i answered.

"Eh malay mo nagpapakitang tao lang sila" sabi ni greg.

"Alam kong hindi sila ganun dahil nung nagpunta ako sa bahay nila. Trinato nila ako hindi bilang isang anak ng dating pangulo kundi trinato nila ako bilang isang ordinaryong tao" i explained.

"Basta may kutob akong kakaiba kay kim" he said.

"Kutob? Ano namang kutob yan?" I asked.

"Basta may mali akong nararamdaman" he said.

"You know what? I know na pinalaking mabuti si kim. At alam mo kung ano nakakatuwa, tatlo lang sila pero sobra nilang happy kapag magkakasama" i said while fixing my things.

"E bakit tayo? Masaya naman tayo diba?" Tanong nito sabay tingin sa akin.

Napasmirk nalang ako at chuckled bilang sagot.

"Kaya kung ano man ang nasa isip mo greg, malayong malayo. Hindi sila ignorante katulad ng mga iba jan" dagdag ko.

Nakita ko naman si greg na pailang-ilang kaya alam kong iba ang nasa isip nito.

"Sige kung gusto mo talagang pumunta doon para malaman ang status ng buhay nila, ok fine. But before that i will message kim, at baka nasa work pa" i said.

*MESSAGE TO MS. CAPITANA

"Good day Ms. Capitana" i greeted first.

"Can we come in to your house with my husband?" Sunod kong tinext.

After ilang minuto nagreply na siya agad.

"Yes of course Ms. Irene" she texted.

"Pauwi naman na ako galing work so doon na rin kayo magdinner. Btw, good early evening" kim said.

After kong mabasa yung tinext ni kim, napatingin naman ako sa world clock dito sa opisina at it's past 6pm na pala.

"Ok i will update you kung papunta na kami. Ingat sa pag-dadrive" concerned kong pagkakasabi.

"Thank you Ms. Irene, kayo rin later" kim replied.

*END OF CONVERSATION

Kim's POV

Habang pauwi na ako, tumunog ang aking cellphone kaya agad akong nagstop sa gilid ng kalsada para tignan kung sino ang nagtxt sa akin.

When i open my phone, there's a message from LOML. So meaning si Ms. Irene ang nagmessage sa kin.

She said that if they come to my house with Sir Greg. Hindi naman na ako naghesitate na papuntahin sila 'coz why not divaaaa?

Matagal rin kaming hindi nagkita ni Ms. Irene after nung gabing iyon at malimit lang kami nag-uusap dahil sa work.

Sinabi ko rin sa reply ko na sa bahay na magdidinner. Pauwi naman na ako kaya ako nalang maghahanda ng dinner mamaya.

After kong mareplyan si Ms. Irene, agad ko nang pinatakbo yung sasakyan ko dahil maya-maya pupunta na sila Ms. Irene at sempre para makapaghanda na rin ng hapunan.

Andito na ako sa bahay kaya agad agad na akong nagtungo ng kusina. Pinaalam ko na rin kila mama at papa na sasalo ng dinner sina Ms. Irene at Sir Greg.

Natuwa naman ang magulang ko dahil pati si Mr. Araneta ay pupunta rito.

"Nakooo! Maganda kung ganun anak" sabi ni mama.

"Pero hindi ka ba na pe-pressure anak dahil mga nagtataasang mga tao ang pupunta rito?" Dagdag nito.

"Halla si Mama, remember I am a policewoman. Nasa ethical po naming pagsilbihan ang mga nagtataasang tao. At tsaka pantay-pantay lahat ng tao rito sa mundo" i explained habang nagbabalat ng sibuyas.

"O siya! Tulungan na kitang magluto. Bilisan mo jan na mai-gisa na yang sibuyas at bawang" sumbat naman ni papa.

"Kayo na bahala jan ha. Huwag niyo masyadong sarapan ang luto ninyo at baka madiscover kayo ng wala sa oras" pang-aasar naman ni mama.

Tumawa lang kami ni papa at tinuloy yung ginagawa namin. Naisipan ko ring magluto ng pinakbet kaya nagpakuha ako kay mama ng gulay sa likod.

"Ma, kailangan ko ng pang pakbet" i said with pouty lips para kuhanan ako ni mama ng gulay sa likod.

"Sige, sandali at pipitasan kita" mama responded sabay alis.

Nagluluto ako ngayon ng tinolang manok at si papa naman papaitan. And then, kapag nakakuha na si mama ng gulay sa likod isusunod ko na kaagad yung pakbet. Kasi anytime dadating na sila Ms. Irene at Sir Greg kaya double time tayo ngayon.

Maya-maya dumating na si mama na may dalang gulay. Sakto namang nagtxt si Ms. Irene, sinabing papunta na raw sila dito.

Dahil sa update ni Ms. Irene, binilisan ko pa ang paggalaw. Si papa naman, naka pressure cooker siya dahilan na mabilis lumabot yung karne ng baka for papaitan. Kaya titimplahan niya nalang ito at ready to serve na.

Sa part ko naman, tapos nang maluto yung tinola. Kaya isusunod ko na yung pakbet. Tinutulungan na ako ni mama maghimay ng mga gulay para mai-gisa na rin. Habang naghihintay, nagbitak muna ako ng limang itlog sa frying pan na may hulmang bilog.

After ng ilang minuto, kumukulo na yung niluluto ko kaya it's time para lagyan ng lasa at naprito na rin yung mga itlog. Naisipan kong iprank si mama, kaya dali dali akong nagsandok ng kalahating kutsarang asin saka ko nilagyan ng sabaw ng pakbet.

Hinalo ko ito para madissolve yung asin para hindi halata.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now