EPISODE 84

396 32 18
                                    

*CONTINUATION

Borgy's POV

"Hindi mo ba alam na may curfew hours sa mansion kim?" I asked.

"Hmm? Mapapatawan na ba ako ng death penalty dahil hindi ako sumunod sa curfew hours nila?" she said then chuckled.

"Ang OA kim ha, pero madadapuan ng nagbabagang bakal siguro HAHAHAH" Pagbibiro ko.

"Seryoso ba yan? Mukhang hindi na yan nag-eexist sa Pilipinas eh" kim said.

"Pwde namang gawin ulit saiyo kim, ayaw mo nun magkaka-tattoo ka sa wala sa oras" i said then chuckled.

"Ikaw talaga puro ka biro" she said.

Ilang sandali pa napafocus ako sa daan dahil malapit na kami makarating sa mansion. Nabalutan na rin ng katahimikan dito sa sasakyan.

Napaisip tuloy ako, kim is an ordinary girl pero napaka ideal girl niya. Una ko palang siya nakita noon, nahuli na niya ako. Pero sabi nga ni Mommy nun na mag-aral muna ako. Kaya ngayong graduated na ako baka may chance na ako kay kim.

"Btw, Can i court you now kim?" Sincere kong tanong sabay tingin sa kanya.

Pero pagkalingon ko sa kanya, nakatulog na ito at pabagsak na rin yung ulo nya. Buti nalang nasalo ko yung ulo niya gamit ang isang kong palad.

Nakapatong pa rin ang ulo niya sa palad ko hanggang sa makarating kami ng mansion. Hindi pa rin tumitigil ang ulan kaya tinawag ko si manong guard na tulungan akong ipasok si kim sa loob.

Piniggy back ko si kim at agad ipinasok sa loob. Hindi ko ma-guess kung saang kwarto siya naka-stay. Lahat ng kwarto iniisa isa kong ginuess kung kanino, at sa tagal kong hinulaan biglang may bumukas na pinto ng kwarto. At buti nalang si Mommy iyon.

"Mommy" tawag ko sa kanya.

"Ay jusko!" Gulat nitong sabi.

"Borgy? Why are you here? Wait it's that kim?" Pagtataka nitong sabi.

"Yes mom, where's her room?" I asked.

"Aaah yes! Here" sabi ni mom sabay turo sa kabilang kwarto.

Ginuide ako ni mommy para mahiga ng mabuti si kim.

"Amoy alak, bakit saan kayo galing borgy? At paanong nakalabas ito. Akala ko nandito lang siyang mahimbing ang tulog" tanong ni mommy.

"Mahabang kwento mommy, basta ang importante naiuwi ko siya kasi nakita ko sa isang convenient store nilalamig na dahil sobrang lakas ng ulan sa labas, buti nalang at nakita ko siya at wala palang dalang sasakyan and i noticed walang taxing dumadaan doon" i explained.

Nasettle na namin si kim at lumabas na rin kami. Uuwi na sana ako pero dito na raw ako matulog sabi ni mommy. Bigla namang lumabas si Tita Irene galing sa kabilang kwarto. Naistorbo ata namin siya dahil medyo maingay kami.

Irene's POV

Naalimpungatan ako sa lakas ng ulan rinig na rinig dito sa kwarto namin ni Greg. Maya't maya, may narinig akong maingay sa labas, dahil sa curiousity ko, kung anong ingay yun tinignan ko kung anong meron.

Pero hindi ko na naituloy pang lumabas, at sumilip lang ako dahil nakita ko si kim na nasa likuran ni Borgy na kausap ni manang imee.

Tulog si kim na buhat buhat ni borgy. Diko maiwasang mapaisip ng negatibo pero mas maganda kung malalaman ko yung totoo. Maya maya ipinasok na si kim sa kanyang kwarto at hinintay sila makalabas.

Makalipas ng ilang sandali, lumabas na rin ang mag-ina.

"Hey! What's wrong? Anong nangyari kay kim?" I asked.

"Nakita ko sa may convenient store tita nilalamig na dahil sa ulan. At tsaka nakainom ng kaunti" pagpapaliwanang ni borgy.

"Sa ganitong oras? Jusko irene magbati na kasi kayo" sabi ni manang.

"Manang, you know me. Nagpapakipot pa ako kapag mga ganyang bagay" sabi ko.

"Bakit tita may alitan kayo ni kim?" Tanong naman ni borgy.

"Oo borgy tapos ikaw pumasok ka na ng kwarto at matulog na. Pati ikaw pasaway ka ha, saan ka galing sa ganitong oras? Di porket may sarili ka nang sasakyan eh pagala gala ka nalang kahit saang gusto mo" pagsesermun ni manang kay borgy sabay pingot ng tenga niya.

"Aaah mom, masakit. Galing lang ako kila drake aaaaah aray! but mom!" Sabi ni borgy at nakakalas sa pagkakapingot ni manang sa kanyang tenga.

"What?!" Galit na tanong ni manang at pinanlakihan ng mata si borgy.

"Diba you said kapag nakagraduate na ako saka lang ako makikipag girlfriend" borgy said.

"So?" Pagtataray ni manang.

"So? Pwde ko na bang ligawan si kim?" Borgy said with a sweet voice.

Nagulat ako sa tanong ni borgy. Hindi ko akalaing aabot dito. Noon pang gustong ligawan ni borgy si kim pero hindi pinayagan ni manang dahil hindi pa ito nakapagtapos ng pag-aaral. Pero ngayong nakagraduate na si Borgy, baka payagan na siya.

Matagal pa bago sumagot si manang imee.

"Pag-isipan ko pa" sagot ni manang.

"Kayo tita, pwde ko na bang ligawan si kim?" Tanong sa akin ni borgy.

"Aaah ako? Sempre hindi my dear nephew. Alam mo bang may ibang gusto si kim?" I said.

"Seryoso ba yan tita?! Sino tita?! Kilala niyo ba siya? Tita paano niyo alam? Tita irene!" Sabi ni borgy na pilit kunin ang atensyon ko dahil pabalik na ako ng kwarto. Hindi ko na siya pinansin pa. Hinayaan ko lang siyang mainis at mag-overthink.

"Manang, mag-usap tayo bukas" huling sabi ko saka ko sinara yung pintuan ng kwarto.

Kim's POV

Nagising ako sa alarm ko. It's already 6am, at 8am may appointment uli kami sa designer nila manang imee ng wedding gown at si PRRD naman ang magsusukat ng kanyang susuotin.

Nagreminisce sa akin yung nangyari kagabi, hindi na ako magtataka kung paano ako napunta dito dahil for sure si borgy ang nagdala sa akin dito.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

"Kim, ano ba? Kay Ms. Irene lang tayo ok?" Sabi ko sa sarili ko at napailing iling.

Habang papunta ako ng banyo, nakapa ko yung tickets sa bulsa ko at nilabas iyon. What if kung si borgy nalang yayain ko kapag hindi pumayag si Ms. Irene? Sayang naman ito. Naka VIP seat pa naman. Hays!

After ko makabihis lumabas na ako ng kwarto at bumungad sa akin si borgy na nasa harapan ng pintuan.

"Ay juskoooo!" Gulat kong sabi.

"Borgy, bakit ka nandyan? Ginulat mo na naman ako. Dito ka ba natulog?" Tanong ko.

"May lakad ka ba? Pwde ba tayong lumabas?" Pag-aaya ni Borgy.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now