EPISODE 32

562 34 12
                                    

Kim's POV

Hindi ako nagorder ng kahit na anong klaseng seafood kahit ito pa ang pinaka best seller nila. Dahil baka matakbo ako ng hospital ng wala sa oras. Kaya nagrequest nalang ako kung pwdeng magpaluto ng ibang putahe. Binulong ko ito kay kuya at sumang-ayon naman kung pwde nilang iserve sakin yun.

After naming magorder ng foods nagsalita yung isang kaibigan ni Ms. Irene.

"So ikaw yung tinutukoy ni Irene, sa speech niya na sobra siyang nagpapasalamat dahil may taong handang tumulong para lang matupad ang project na ito" diane said.

"Nako Ms. Irene, no need to mention naman po. Ayos lang naman po kahit hindi ako mabigyan ng acknowledgement" humble kong sabi kay Ms. Irene.

"Btw, single ka ba?" Biglang tanong ni mylene nang kanina pang nakatitig sa akin.

Nakita ko namang nagsalubong yung mga kilay ni Ms. Irene dahil sa tanong sakin ni Mylene. Natatawa ako dahil bakit ganoon siya makareact nung tinanong ako ni Mylene.

Magsasalita na sana ako pero biglang siyang nagsalita.

"Nako mylene, alam kong naghuhunting ka na naman. She's taken na. Kaya tigilan mo si kim" aggressive na sabi ni Ms. Irene.

"Right kim?" She said sabay tingin sakin at tinaas yung mga kilay niya, sign na sasang-ayon sa sinabi niya.

"Uuuhm, yeaaah I'm t-taken na p-po" utal kong sabi.

Ewan ko ba kay Ms. Irene bakit niya ito sinabi kahit alam naman niyang single ako.

Makalipas ng ilang minuto dumating na yung mga orders namin. Nahuling nilapag yung order ko which are 3 eggs sunny side up then isang baso ng pineapple juice.

"Baklaaaaa ano yan? HAHAHAHA. Hindi mo naman sinabing gustong gusto muna ng itlog" biro ni clyde sa akin na sobrang tawang tawa sa joke niya.

Nagtawanan naman yung mga kasama namin. Si Ms. Irene naman kita ko sa mukha niya na curious na curious sa nakita.

*Dirty mind, dirty mind

"Hooooy!" Sigaw ko kay clyde.

"Do you remember ba? Nung pinakain mo ako ng shrimp? Alam mo ba na malapit na akong mamatay dahil sa ginawa mo" paliwanang ko sa kanya.

"What do you mean?" Curious na tanong ni Ms. Irene.

"Diba po nakilala ko si clyde sa isang event, that time lasing na kami pareho tapos nagdala siya ng shrimp na pulutan namin. E ayaw kong kumain ng pulutan dahil allergic ako sa shrimp pero itong baklang to, pinilit ako, at pinalamon ako ng pinalamon. Eh sempre lasing na rin ako kaya parang wala na akong pake. Hanggang nakain ko yung shrimp na yan at doon na ko nagsimulang hindi makahinga" kwento ko.

Natatawa pa din si clyde, pero nararamdaman kong guilty siya sa ginawa niya.

"Hanggang na hospital siya at lahat ng tao sa event na yun sumama sa hospital. HAHAHAHAHAHAHAH" lakas tamang sinabi ni clyde.

"Seriously?" Takang sabi ni Ms. Irene.

"Kaya simula nun, ayoko nang kumain ng kahit anong klaseng seafood" i said.

"I'm sorry mareee, hindi ko na rin alam yung ginagawa ko that time. But kahit hindi kana makahinga you are still pretty" clyde said sabay ngumiti sa akin at hinawakan yung buhok ko.

"Nakoooo, kaya wag ka nang magtaka kung bakit itlog ang inorder ko" I explained.

Si Ms. Irene halata sa mukha niya na nag-alala sa kwento ko.

Irene's POV

Tatlong sunny side up yung inorder ni kim. Nagtataka ako bakit iyon lamang ang inorder. Mapili ba ito sa pagkain? Nasa magarbong restaurant naman kami pero itlog ang inorder.

Pero noong kinuwento niya sa amin about sa ginawa ni clyde sa kanya. Doon ko na nalaman kung bakit itlog lang ang inorder niya at doon rin napawi yung curiosity ko. Nag-alala ako sa nangyari sa kanya, buti nalang nakasurvive siya. Allergic pala ito sa hipon. Hays! Yun pa naman yung inorder ko at favorite ko.

*FF

Kumakain na kaming lahat, Si greg naglalagay ng nabalatan na hipon sa plato ko. Dahil favorite ko ito napapasarap ang kain. At habang busy sa pagngunguya nagtanong si kim sa akin.

"Ms. Irene mukhang masarap yan" tanong ni kim sakin.

"Hmm? A-ang alin?" Utal kong sabi.

"Yang ano po" sabi ni kim sabay turo sa sinigang na crabs.

"Eto ba? Yuuuh, masarap siya" i said.

"Can i try?" Pacute niyang sabi sa akin na parang nagmamakaawang bata.

"Noooo!" Sabay sabay naming sabi.

Nagulat siya sa mga hiyaw namin pero no effect dahil para siyang batang mapilit.

Kinuha na niya yung serving spoon at kumuha ng isang crab at dahil sa katigasan niya tinapik ko yung kamay niyang nakahawak sa serving spoon dahilan na natapon sa kamay niya yung mainit-init na crabs na may kasama pang sabaw. Kaya ang ending napaso siya dahil sa ginawa ko.

"Aaaaaahh!" Sigaw ni kim sabay tayo. At nataranta na kaming lahat.

"I'm sorry" i said.

Sobra na akong nataranta kaya tumayo na ako bigla at kumuha ng tissue para punasan yung kamay niyang napaso saka ko bilis dinala sa restroom para mahugasan ito.

"Ayan tuloy, napaso ka dahil sa ginawa ko. Pasensya, ang tigas kasi ng ulo mo, alam mo na ngang allergic sa ganong pagkain pipilitin pading kumain makatikim lang" panenermon ko kahit kasalanan ko kung bakit napaso.

Nakatingin lang siya sa akin habang hinugasan ko yung kamay niya. At pagkatapos ko itong hinugasan, pinunasan ko na ito gamit uli ng tissue. She's still staring at me. Hanggang sa napatitig na rin ako sa kanya.

Ang amo ng kanyang mukha at sobrang ganda ng mata. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinagi yung nakaharang na buhok sa mata ko kahit maikli lang yung buhok ko. Pagtingin ko sa kanyang namumulang mga labi agad naman niya itong kinagat, at napalunok ako sa ginawa niya.

Nilapit niya pa lalo ang mukha niya sa mukha ko sabay hawak ng chin ko. Nung tinaas niya na yung baba ko, hindi na ako pumikit para hindi masyadong assuming.

But she's trying na halikan ako, konting konti nalang magdidikit na ang mga labi namin. Napahawak nalang ako sa may lababo dahil eto na, dadapo na!

Peroooooo?

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now