EPISODE 77

493 38 6
                                    

Imee's POV

6:30 am palang pero nandito na si Kim, ang aga naman netong babaeng ito. Eh hindi naman ngayon matraffic. Btw! Sa Sophia Hotel sa BGC ko siya pinastay, dahil maganda ang services nila bukod sa magiging comfortable ka, maraming pang inclusions ang maeexperience mo.

Ayoko namang mahirapan si kim habang ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang wedding organizer, eh pag-uwi niya ng hotel meron siyang massage service lagi.

Hindi naman kalayuan yung BGC hanggang dito kaya keri lang. May sarili naman siyang sasakyan, sinabi kong mag eroplano nalang na pupunta dito para ako nalang ang magbibigay ng service niya rito, pwde ko naman siyang ipahatid sundo nalang para hindi na rin madagdagan yung pagod niya. Pero ang kulit, kaya dahil dun pinayagan ko nalang siyang idala yung sasakyan niya.

"Napa-aga ka ata ngayon kim ha" bungad ko sakanya habang papasok ng bahay.

Seriously, ang aga niya. I will update her sana later, na kahit 10am na siyang pumunta rito dahil hindi rin naman makakasama si darling sa meeting, na kahit late pa siyang dumating ok lang. Pero hindi ko naman masisi kung andito na, diba?

Ok lang na maaga siyang dumating dito para makwentuhan niya kami tungkol sa pinapatayong cultural center ni ading ko irene. Mommy Meldy is so excited na matapos iyon. Marami pa daw siyang pwdeng ilagay o idisplay. Kaya noong nalaman about sa project ni irene, tuwang tuwa siya. Gusto pa sana niya na within 8 months tapos nang ipatayo, pero hindi naman pwde. Ano yan, ura-urada sa paggawa?

"Kumain kana ba? Sumabay ka na sa amin kung hindi pa. Si Pres nasa malacañang, mukhang hindi natin siya makakasama sa meeting mamaya" I said.

"Nakakahiya naman pong sumabay sa inyo ma'am imee, pero kumain na po ako kanina. Pero kanina po iyon HEHE" she said then chuckled.

"Kanina pa iyon kaya let's go na. Follow me. Huwag kana mahiya, ano ka ba? Mommy meldy is waiting" I insisted.

Nako! Itong batang ito, kapag ito matigas ang ulo malalagot ako kay irene. Binilin pa naman sa akin na lagi ko siyang tignan. But speaking of.

"Btw! Natawagan mo na ba si Irene, nag-alala siya dahil hindi ka niya makontak. Hindi ka naman na daw nag-update sa kanya pagkarating mo dito" i said while walking going to the dining area.

"Buti nalang at tumawag siya sa akin at saktong nasabi ko na andito kana kaya ako na ang nagsabing nakarating kana dito" i added.

"Aaah oo nga po pala. I almost forgot!" she said panicking.

Agad naman niyang kinuha yung phone niya sa kanyang bag.

"Aysuus, magready kana. Dyan kana masesermunan ni irene, iba iyon kapag hindi sumusunod sa usapan HAHAHAHAHHA" pagbibiro ko kay kim.

When she finally dialed my sister's number, i whispered to her.

"Kagabi pa yan nag-alala, baka hindi pa yan nakatulog kakaisip saiyo. Nakoo! Suyo well later kim" mahina kong bulong sa kanya.

Hindi na mapakali si kim sa pagtawag sa kapatid ko at natawa naman ako sa nagiging reaksiyon niya. Parang batang takot sa magulang na hindi nakapagsabi kung nasaan na. HAHAHAHAHA.

Pero sa totoo lang, kalmado lang namang magalit si irene. She can control her angry, pero i think pagdating kay kim maa lalong maging malambot siya rito. Kaya wait natin once na sinagot ni irene yung tawag ni kim.

Pero i know something she don't know. HAHAHAHHAAHA.

Kim's POV

Nag stop muna ako sa may hallway para tawagan si Ms. Irene, si Ma'am imee naman dumeretso na sa dining table after niya akong bulungan.

Nasa tamang oras naman na ako sa pagtawag diba? Gising naman na siya siguro diba? Bakit hindi niya sinasagot? Sobrang galit niya na ba sa akin?

"Ms. Irene, answer my call please" mahina kong sabi sa may gilid ng hallway.

She missed my call nth times, pero i dialed again baka sakaling masagot niya na ito but then suddenly there's a phone ringings behind my back.

Nagulat ako dahil magkasabay ang pag-ring ng phone ko while calling at sa tunog ng ringtone sa aking likuran.

Pero mas kinagulat ko pa noong lumingon ako sa likuran ko kung saan nagmumula ang ringtone, nangatog ang aking mga tuhod at muntik nang napaluhod dahil sa nakitang kong mukha sa harapan ko.

Pero napahawak ako agad sa pader kaya nakatayo rin ako ng maayos na parang walang nangyari.

"Hello" sabi ng isang boses mula sa kabilang linya.

Nakatutuk pa rin pala ang cellphone ko sa tenga ko kaya rinig ko ang boses na mula sa telepono at boses na na nasa harapan ko.

"M-Ms. I-Irene" utal kong sabi.

"Oh bakit ka gulat na gulat? Multo ba nakita mo?" She answered then she hang up the call.

"Sisteeeeer nandyan ka na pala. Where's greg?" Manang imee said.

"Nasa sasakyan pa, inaasikaso pa mga gamit namin" sagot naman ni Ms. Irene.

Natulala nalang ako sa kanila habang nagbebeso at wala man lang ako masabi. Akala ko next week pa sila luluwas dito, napa-aga naman ata? O baka naman sa aking hindi pag-update kay Ms. Irene, pinag-alala ko siya ng bonggang bongga.

At aba! Dinadaan niya lang ako. Hindi na niya ako pinansin noong dumating si Ma'am Imee. Jusko! Nagkapwerwiso pa ako, nakakahiya. Pero masusuyo ko ito mamaya. Humanda ka nalang Ms. Irene. HEHEHE

Pagkadaan nila Ma'am Imee at Ms. Irene sa harapan ko papunta sa dining area, sumunod na rin ako sa kanina.

"Goodmorning Mommy!" Masiglang sabi ni Ms. Irene sa kanyang ina.

Nagpakita rin ako kay first lady dahilan na natuwa dahil nakita niya kami ni Ms. Irene.

Nagmano ako sa kay Ma'am Imelda at yumakap. Hehe feeling super close.

Nahihiya pa ako sa lagay nito dahil hindi ko malaman kung saan ako pwdeng umupo sa sobrang dami ng upuan. Ayos lang kahit sa dulo nitong mesa ako umupo, basta makakain.

"Aaah wait! Huwag ka jan. Dito ka" pag-aalok ni Ma'am Imee sa akin sabay turo sa tabi ni Ms. Irene.

"Aah hindi po, dyan po si Sir Greg. Hmm! Sa inyo nalang po ako tatabi, kung pupwde po Ma'am Imee" i said then smiled at her sweetly.

"Aaah sabagay. Sure, lika na maupo na tayo" pag-aaya nito.

Sakto namang dumating na si Sir Greg at matic talagang tatabi kay Ms. Irene. Pero at this time, hindi pa rin ako pinapansin ni Ms. Irene ni kahit matignan sa mata hindi rin.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon