EPISODE 88

358 36 5
                                    

*CONTINUATION

Pia's POV

Buti nalang at nakalabas na kami ni greg ng dome dahil andaming tao maski dito sa waiting area. Maraming tao ang hindi na nakapasok.

Patungo na kami ni greg sa parking area nang may lumapit sa amin na isang babaeng tiling tiling makita ako.

"Ms. Pia, ikaw po ba yaaaaaaan?!" bungad sa akin.

Tumango tango lang ako bilang sagot.

"Pwde po bang pa picture? Idol po kayo ng mama ko" sabi ng babae.

Yes! Sikat ako sa kapanahunan ko. Dahil sumasabak rin ako sa showbiz.

"Yes sure" pag-aalinlangan kong sabi dahil marami nang taong nakatingin sa amin, hindi na rin ako makatanggi dahil yung phone ng babae nakatutuk na sa akin.

Lumayo naman sa amin si Greg para kaming dalawa lang ang makuhanan ng litrato.

"Ms. Pia, isama niyo na rin po yung asawa niyo" sabi ng babae.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niyang "asawa" dahilan na nagkatinginan kami ni greg. And i'm a little bit chuckled.

"Sige na po sir, kahit isang beses lang po" sabi ng babae.

Lumapit naman sa amin si greg. At maya't maya, may lumapit na isang babaeng pulis at nag-alok na siya na ang kumuha sa amin ng litrato. Mukhang nakaduty yung mga pulis dito sa concert. At naka-assigned ang babaeng pulis dito sa kinaroroonan namin.

"Ako na po ang kukuha ng litrato ma'am para sainyo" sabi ng pulis.

Binigay naman nung babae yung phone. Ang bait naman ni mamang pulis.

"Ok! 1 2 3 smile" sabi ng pulis dahilan na ngumiti naman kami.

Pagkatapos ng dalawang take, nilabas naman ni mamang pulis yung phone niya.

"Isang capture pa po ma'am, idol ko po kayo Ms. Pia" sabi ng mamang pulis.

Yung fan na babae naman ang kumuha ng litrato samin kasama yung pulis.

"Salamat po Ma'am and sir" sabi ng dalawa.

Hindi na nagtagal bumalik na kami ng sasakyan nang makaalis na dito.

Irene's POV

Nasa moment kami ni kim na magkahawak ang aming mga kamay. Ang sarap hawakan ang kamay nito dahil ang lambot at ang kinis. Ni kalyo wala kang mararamdaman.

Pero nagulat ako noong time na may tumawag sa pangalan ko dahilan na napabitaw ako sa pagkakawak sa kamay ni kim. It's Hailey, yung akala niyang favorite student ko sa music class na kahit hindi naman dahil ayoko magkaroon ng bias sa mga students ko. Pero itong si kim palaban.

"Her favorite person" kim said.

Hindi ko maiwasang ngumiti dahil bigla bigla nalang siyang nagdedesisyon. Paladesisyon ka girl? HAHAHHAAHA. Pero aminin na natin, as of now siya ang favorite person ko dahil she always make butterflies in my tummies. And also, siya na rin ang favorite kong wild kisser. Pagtitig mo palang sa labi niya, nadadala kana. Ganun siya ka wild. Rawr!

But until, hailey wants to stay between me and kim pero hinarangan ito ni kim kaya sa kabilang side siya napunta. Nakakatawa talaga itong si kim, hinding hindi nagpapatalo. But i like it, dun ko napatunayan na gusto niya talagang nasa tabi lang niya ako at ayaw niya ng may katabi akong iba.

Pero ilang sandali na rin at patapos na ang show, nagpaalam na si hailey dahil kailangan na niyang lumabas para tignan yung boyfriend niyang KJ, ayaw niyang samahan ang girlfriend niya dito dahil hindi daw niya bet ang ganitong klaseng experience.

*FF

The concert is already done. World class ang performance ng ben & ben napaka worth it nito. Kaya I'm so happy na nakapanuod ako ng concert nila and at the same time kasama ko yung favorite person ko.

Naprioritize kaming na escortan ng mga security guard palabas ng dome para makalabas kami ni kim kaagad. Also kim, she surely secured me, dahil anytime pwde nila akong batuhin ng kahit na anong bagay ng mga anti-marcos once na nakita nila ako dito.

You can't please anyone, kaya kung ano man ang gustong gawin ng mga tao sayo gagawin nila. Napapansin ko naman ang pagflash ng mga camera ng ilan sa mga tao, kaya itong si kim kulang nalang balutin ako sa sobrang secured sa akin.

Pero yung ilan, tumitili dahil nakita nila ako. Gusto na nilang magpapicture sa akin pero kim refused them kasi nasa kalagitnaan kami ng exit way. Kim said na sa labas nalang ng dome sila magpapicture sa akin.

Paglabas namin ng dome doon na nagsimulang magpakuha ng litrato yung mga tao. Lumapit na rin yung mga personal bodyguard ko na naghihintay dito sa labas. Para sa ganoon double yung magbabantay sa akin. Ilang sandali, nagpaalam si kim na magc-cr lang siya sandali dahil kanina pa siyang naiihi at hintayin ko nalang daw siya sa sasakyan niya after ng picture taking na ito.

Pinakausapan naman niya yung mga personal bodyguard ko na bantayan ako ng mabuti at ihatid kung nasaan man yung sasakyan ni kim.

Napakaprotective naman ni kim. How i wish na sobrang swerte yung taong magiging makakatuluyan niya sa end game. Hindi ko man masasabing ako iyon dahil maraming hadlang ang haharapin namin kung sakaling pipiliin namin ang isa't isa. Naimasmasan ako nung may sumigaw ulit sa pangalan ko.

"Tita ireeeeene!" Sabi ng isang babae.

"Ang ganda niyo po tita irene. Kumusta na po yung pamangkin niyong si sandro?" Sabi ng isang babae na tumitili ng sobra.

"He's fine. Picture nalang tayo" i humbly said.

Nakakatuwa itong mga nagpapapicture sa akin dahil laging si sandro ang hinahanap. Ewan ko ba sa pamangkin kong iyon, ginayuma na ata ng lahat ng babae dito sa pilipinas. Pero grabe, nakagawa ng isang pinagtitiliang sandro marcos itong sina liza at bonget. Bravo!

Nang wala nang masyadong nagpapapicture nagdecide na akong bumalik sa sasakyan at hintayin nalang si kim doon after niyang mag-CR. Hinatid naman ako ng mga bodyguard ko sa sasakyan ni kim and still nagbabantay pa rin sila para sa seguridad ko habang wala pa si kim. Kahit saan ako magpunta nandyan ang mga personal bodyguard ko dahil yun ang bilin ni apo lakay sa amin kahit ayaw namin na magkaroon nito. No choice na rin kami dahil para sa aming kaligtasan namin ito.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now