EPISODE 31

505 32 2
                                    

Kim's POV

At dahil no choice na ako at gusto ko rin naman talagang pumunta, nagpaalam na ako agad sa superior ko. Nagpaalam ako na may errands akong gagawin at babalik din kaagad. Binigyan naman ako ng 2 hours na palugit at kapag nag-exceed ako ng oras may kapalit yun kaya dapat alam mong i-manage yung time mo.

Ayokong nakauniform na pupunta kaya nagpalit muna ako ng pang civilian. Nagsuot ako ng blouse para medyo formal at trouser uli tsaka ko tinuck-in sa harap.

Pagsakay ko ng sasakyan tinext ko na si Clyde para ma-update siya.

*MESSAGE TO CLYDE

"Baklaaaa! On the way na ako jan. Hangga't maaari huwag mong sasabihin na pupunta ako para surprise sila, basta mag reserve ka nalang ng upuan for me. Thank youuu!" I texted.

Nagreply naman ito kaagad.

"Yown. Pupunta rin naman e. Sige, Ingat ka baklaaaa!" He replied.

After ko maitext si Clyde. Nagdrive na ako papunta sa sinabing restaurant. Medyo malalate lang ako ng 15 mins. Pero keri na. Ang importante masurprise ko sila.

Irene's POV

Nagbibihis na kami ni Greg para sa dinner namin nila Clyde. Nagsuot lang ako ng may collar at blazer saka pants. Si greg naman nakabihis na at nagseselpon habang nakaupo. Ewan ko ba lagi niya itong hawak hawak e Hindi naman kami active sa social media. Minsan tutok na tutok ito at umaabot ng isang oras niyang paggamit ng cellphone.

"Let's go hon, baka naghihintay na sila sa restaurant" yaya ko kay greg.

Agad naman niyang ibinulsa yung cellphone niya na parang kukunin ko. Dughhh! Sayong sayo lang yang cellphone mo, pero once na may nakita ako hindi ako magdadalawang isip ibato yan. Charizzzzzzzz.

Hindi ko pa din nabibigay kay kim yung sumbrero, saka nalang dahil bibili pa ako ng camera kasama nung sumbrero. Deserve niyang magkaroon ng reward from me.

Andito na kami sa restaurant, nagrequest ako kay clyde kung may seafood restaurant dito sa cauayan city, sa awa ng diyos meron dahil nagca-crave na ako nito.

Dumeretso naman kami sa nireserve ni clyde na table para sa dinner namin.

"Good evening Mr. And Mrs Araneta, this way po" bati samin ng receptionist.

Sinundan naman namin siya. Nauna pa pala kami ni greg na dumating dito buti nalang nasundan namin kaagad yung location ng restaurant. Maya-maya dumating na si clyde.

"Oooh, magkakasunod lang pala tayo" sabi ko kay clyde habang papalapit sa amin.

"Good evening Ms. Irene and Sir Greg" bati ni clyde. Tumugon naman kami sa pamamagitan ng pagbeso.

Naupo na kaming tatlo at mga ilang minuto dumating narin yung mga kaibigan kong umattend ng ceremony kaninang umaga. Sina mylene at diane.

Napansin kong naglalagay ng upuan si clyde sa tabi niya. Kami lang naman ang magsasalo salo, kaya tinanong ko siya kung para saan yung upuan na nilagay niya.

"Clyde, para saan yang upuan? Tayo tayo lang naman kakain dito diba?" I asked.

Ngumisi lang ito at sabay tingin sa may malayo.

"Ooh, she's here!" sabi niya habang nakatingin sa malayo.

Sabay sabay naman kaming lumingon kung saan nakatingin si clyde.

"Ooooooh mmmmmmy gooood" sabi ni diane na parnag manghang mangha sa nakita.

"Who is she?" Tanong naman ni mylene.

Lahat kami napanga-nga at dilat na dilat ang mata dahil sa babaeng papalapit sa table namin at may dalang bulaklak. Napaslow motion ang lahat nung biglang niyang hinawig yung buhok niya dahil sumasabay yung ihip ng hangin. Saka niya kinagat ang kanyang mga labi. Ang lakas talaga ng dati sa amin.

Napansin ko naman na parang natumba si mylene sa pagkaka-upo.

"Hello kim, buti nakarating ka" bati ni clyde sabay beso.

Bineso din niya yung dalawa kong kaibigan na tulala pa din. Kulang nalang punasan ni kim yung mga laway na malapit nang tumulo. Huwag niyo naman akong agawan mga bessy, hanap kayo ng inyo, ok?

After niyang ibeso lahat pati si greg lumapit naman siya sa akin.

"Congratulations Ms. Irene" she greeted sabay abot flowers.

Aaaaaaack! Kinikilig ako sobra. Hindi pa din ako makapaniwala na pupunta siya dahil busy sa work. Pero yung puso ko ayaw magpa-awat, kaya hindi na rin ako nagpatumpik tumpik pa.

Niyakap ko siya ng mahigpit, wala na akong pake kung ano sabihin sa kin ni greg. At nakita ko naman siyang umirap sa amin.

Basta napakasaya ko ngayong araw. Hindi ko maimagine na ganito yung nararamdaman kong saya. Iba yung feeling kapag nakikita ko si kim. She always made my day.

"Why are you here? I thought may work ka ngayon?" Tanong ko sa kanya nung bumitaw ako sa pagkakayakap at kinuha yung flowers. Lagi niya akong sinusurprise.

"Clyde, mukhang ayaw ni Ms. Irene na andito ako. Balik nalang ata ako sa station" tampong sabi ni kim kay clyde.

"Noooo! I'm super happy dahil nandito ka ngayon" sabi ko kaagad sa kanya baka kasi seseryosohin niya yung sinabi niya.

"Ehem" sabi nung dalawa kong kaibigan.

"Aaaah! I'm sorry. Mylene at diane this is kim, yung naghanap ng lupa for my cultural center. And kim this is mylene and diane, a friend of mine" pakilala ko sa kanila.

Nagshakehands naman sila at itong mylene parang ayaw nang bumitaw kaya ako na ang nagpabitaw sa pagkakahawak ni mylene kay kim. Mylene sinasabi ko sayo ha.

"So let's order na, dahil gutom na ako HAHAHA" sarcastic na sabi ni clyde. E mukha nga talaga siyang gutom kaya nag-order na kami.

Inabot naman ng waiter yung menu sa amin. Nagorder ako ng best seller nilang buttered garlic shrimp at sinigang na crabs dahil favorite ni greg yun.

Napansin ko namang binaba na ni kim yung menu card saka niya tinawag yung waiter.

"Kuya, wala akong oorder'n sa lahat ng nasa menu card ninyo. Pero pwde po bang magrequest?" Rinig kong sabi ni kim dahil magkatapat lang kami ng upuan.

"Yes po ma'am, baka sakaling available yung mga ingredients na nasa kitchen po" waiter.

Napaisip naman ako bakit hindi siya nagorder at magrerequest nalang. Ayaw niya ba yung mga nasa menu card? mukhang masasarap naman ang mga ito e.

Bigla namang bumulong si kim sa waiter. Hindi ko marinig kung ano yung sinabi ni kim kaya hinayaan ko nalang.

Habang naghihintay ng orders nagchichikahan muna kami.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon