EPISODE 43

453 24 9
                                    

*CONTINUATION

Greg's POV

*CALLING TO PIA

"Hello pia" bungad ko kaagad.

"Hi, miss mo ako kaagad darling?" Sagot naman ni pia.

"Pia, makinig ka sa akin. Wala akong oras para jan. Gusto ko na huwag mo nang gamitin yung lipstick na ginamit mo kagabi" mabilis na paliwanang ko.

"Yung fuscia ang kulay" i added.

"What? Bakit naman? Suot ko pa naman ngayon" malungkot na pagkakasabi ni Pia.

"Just obey me, nakita ni irene yung marka ng lipstick dito sa kwelyo ko. At baka magtaka siya dahil kakulay ng lipstick mo yung nasa kwelyo ko. Kaya please!" Tensonado kong pagkakasabi.

"Ok ok, noted darling. Eto na tinanggal na" sabi ni pia sa kabilang linya.

"Ok good. Thank you! Alam mo naman kung ano yung plano ko diba? Sige na, at baka biglang lumabas si Irene ng C.r at marinig pa tayong nag-uusap" paalam ko sabay baba ng phone.

*CALL ENDED

Irene's POV

"Ready kana ba hon? Mukhang nasa van na silang lahat" i said.

"Aaah yes hon, ikaw ba nakapagready kana ba? Wala ba tayong naiwan?" He asked.

Meron greg, maiiwan mong durog na durog yung puso ko.

"Aaah wala na siguro" i answered habang nililibot yung buong kwarto kung may naiwan kami.

Nasa airport na kaming lahat at dahil sa nakita kong marka ng lipstick na nasa kwelyo ni greg, iniisa isa ko lahat ng kasama namin ditong babae kung sino naka fuscia ang kulay ng lipstick.

At ni isa naman sa kanila walang may nakafuscia ang kulay na lipstick. Nababaliw na ako sa kakaisip. Ni wala akong idea kung sino ito. Baka naman nasa palawan pa? Baka hindi naman siya kasama sa celebration? Baka outsider? O baka taga doon? Aaaaagh! I can't.

Hindi ko na kayang mag-isip, at ang sakit na ng ulo ko kaya itinulog ko na sa eroplano habang nasa byahe.

Kim's POV

May pasok na naman tayo mga ka buddy. Kailangan uli nating magtrabaho. Need nating mag-earn ng money for the future. At kailangan na rin ako sa station. I swear maraming mga reports na bubungad sa akin pagpasok ko.

Pero before ako pumunta ng station, dumeretso muna ako sa cauayan city para tignan kung ano na ganap sa contruction na pinapatayong cultural center ni Ms. Irene.

Maya-maya may checkpoint operation sila, kumpleto naman lahat ng papers ko tsaka authorized ako kahit saan magpunta at kilala na nila yung plate number ng sasakyan ko. Kaya pagdaan ko, binaba ko lang yung bintana ng sasakyan ko at grinant yung salute ng nagsisitang naka duty'ng pulis sa operation.

"Goodmorning ma'am" sabi ng mamang pulis sabay salute.

"Goodmorning sir" sagot ko naman saka rin ako nagsalute sa kanya.

Tinaas ko na yung bintana ng sasakyan ko at pinagpatuloy ang pagdadrive.

Andito na ako sa location. Saglit lang ako rito, kukumustahin ko lang yung mga nagtatrabaho dito.

As of now, marami na silang nasimulan. Nakita ko yung isang silid na malapit nang matapos. Nakahiwalay ito sa mismong pinagtatayuan ng cultural center, tinanong ko ito sa isang construction worker kung para saan ito.

"Kuya, para saan ito? Medyo maluwang pa" tanong ko kay kuya.

"Aaah, ito po yung magiging opisina ni Ma'am Irene. Agad na namin siyang tatapusin dahil pagbalik po ni Ma'am Irene, gagamitin na po niya ito" paliwanang ni kuya.

Tumango tango lang ako bilang sagot at nagpasalamat.

Mukhang malayo pa balik ni Ms. Irene dito dahil baka aabutin pa ito ng isang buwan sa pagtapos nitong opisina niya. Matagal ko pa siya makikita.

Nagpaalam na ako kila kuya dahil papasok na ako ng trabaho. Habang nasa byahe, nakita ko yung bracelet na suot ko. Naisip ko uli si Ms. Irene kung sinusuot niya pa din ba niya yung binigay kong bracelet sa kanya. O baka naman hindi na? O kaya'y nawala niya sa dagat, dahil paniguradong naligo sila sa dagat.

"I think hindi" sabi ko sa sarili ko habang nagdadrive. Aminado akong hindi iyon wawalain ni Ms. Irene.

Tinignan ko naman yung relo ko na kasama ng bracelet at it's 9:00 am na, andito na rin ako sa station. Simula na naman ang mase-mase buong araw.

Irene's POV

Nagising ako dahil maglalanding na ang eroplano. It's 12 noon na, at nararamdaman ko na yung gutom ko pagkagising.

Dali dali na kaming bumaba lahat ng eroplano at pumunta sa isang restaurant. Hindi pa rin ako mapakaling tignan yung mga suot nilang lipstick. Gusto ko na silang tanungin kung may kulay fuscia ba silang lipstick baka nag-iba lang ng ginamit ngayon.

Nasa restaurant na kami at nagsiupo. Nagorder na rin kami agad ng pagkain dahil lahat kami gutom na gutom na dahil sa mga nakikita kong itsura nila ngayon.

Katabi ko si dawn at nasa harapan ko ng upo si smally. Sa kabilang side ko, si liza si greg katabi ni mommy meldy at kaharap niya si pia.

Hindi ko na talaga maiwasang magtanong dahil nabobother ako sa kakaisip.

Una kong tinanong si dawn dahil siya ang nasa katabi ko. Pabulong lang yung tanong ko para hindi mahalata ni greg na nagiimbestiga ako against sa kanya.

"Dawn, what color of your lipstick did you used today?" Pabulong kong tanong kay dawn.

"Oooh! It's fiery rose, bagay ba sa akin? Bagong bili ko lang ito at ngayon ko lang ginamit" she answered.

"Bagay na bagay sa iyo. But do you have fuscia color dyan na dalang lipstick ngayon?" I asked.

"I don't have eh, bakit bet mo ba ang fuscia?" Tanong ni dawn saakin habang finifigure out yung mukha ko.

"Oo sana, babagay ba sa akin?" Tanong ko.

"Hmm! Mukhang babagay sayo, wait I'll ask smally kung may dala" dawn said.

Pero bago niya pang tanungin kay smally pinigilan ko na ito. Naparami na ako nang palusot.

"No dawn, it's ok. Saka nalang ako gagamit ng fuscia kapag nakabili na ako sa Maybelline" i said.

Enough na yung isang attempt ko sa pagtatanong kung sino may fuscia color na lipstick.

Binalewala ko na muna yung nangyari at sa paghahanap ng fuscia na lipstick. I think mas mahalaga itong mga projects ko at yung trabaho ko kesa isipin yung mga bagay na wala namang kwenta.

May panahon para jan, hihintayin kong magtapat sa akin si greg. At hindi ko pagsisisihan kung ano man ang magiging desisyon ko kapag nagsabi na sa akin si greg ng totoo.

Right now, kakain na muna ako dahil sobrang gutom na gutom na ako.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon