EPISODE 91

485 58 4
                                    

Irene's POV

Pinaandar na ni kim yung sasakyan at napadaan kami sa harapan ng dome. I just wondering, bakit andaming media at police na aligaga sa pagrereport. Total, natapos na ang concert panay na ang kanilang report at update mapa television man or sa social media.

But I saw a girl na ininterview at may bandage sa kamay at plaster sa mukha. Kaya napaisip agad ako na may aksidenteng nangyari or what after nitong concert na ito. Sa dami ng tao, hindi maiwasang magtulakan, dahilan na minsan napapatumba ka nalang at nagkakaroon ng galos.

Habang pauwi na kami ni kim, i noticed na habang nagmamaneho si kim para siyang nahihirapang huminga.

"Hey, are you ok? Hindi pa ba ok ang tyan mo?" Concern kong sabi.

"Medyo humihilab po ng konti, may nakain lang po siguro kanina" she answered.

"Are you sure? Ako na ang magmaneho kung hindi mo na kaya" sabi ko.

"Ayos lang po Ms. Irene, kaya pa naman. Bibilisan ko nalang po" she said.

At binilisan na nga ni kim ang magmaneho. Maski ako kapag minsan humihilab ang tyan ko hindi ko nakakayanan ang sakit na minsan parang lalabas na ito na hindi mo malaman.

*FF

Nakarating na kami ng Mansion at excited na akong magkwento sa kanilang lahat about sa concert na pinuntahan namin ni kim. Pagpasok namin sa loob, hindi naming inexpect na nandito pala si PRRD. They are having dinner daw kanina.

Maaga namang natapos yung concert kaya naabutan pa namin silang gising pa. At ngayon, umiinom sila kuya bonget at PRRD sa sala habang sila liza at manang imee naman nagkukwentuhan sa harapan ng television.

"What's up guys" bati ko sa kanila dahilan na napalingon sila sa amin ni kim ng sabay sabay.

"Oh Mr. President, andito ka pala. How are you?" Tanong ko sabay beso kay PRRD.

"Ayos lang naman. Alam mo bang itong kapatid mo mukhang gusto na ulit magka-baby kaya pinapunta niya ako rito" he said and he chuckled.

Natawa naman kaming lahat dahil sa birong sinabi ni PRRD.

"Kim nag-enjoy ba kayo?" Tanong ni manang imee kay kim sabay beso ito sa kanya.

"Sempre naman po manang imee. Salamat po sa chance na iyon at dahil doon ok na kami ni Ms. Irene" kim said sabay tingin sa akin at ngumiti.

"Buti naman kung ganun. Btw, Kumain na ba kayo?" Manang imee asked.

"Sorry po manang imee, hindi na po ako makakain kasi po need ko na pong pumasok sa loob ng kwarto" pagpapaalam ni kim.

Hindi na nakapagsalita si manang imee nang dali dali nang naglakad si kim. Kanina pa niya iniinda yung sakit ng tyan niya. Ano ba kasing nakain neto? Hays.

"Bakit anong nangyari sa kanya?" Tanong sa akin ni kuya bonget.

"Masakit yung tyan niya. Kanina pa itong humihilab. Nailabas naman niya kanina at umabot pa ito ng isang oras sa public C.R, at ngayon sumasakit na naman" I explained.

"Bakit hindi pa ba siya uminom ng gamot?" Tanong ni liza.

"Hindi pa, agad na kaming umuwi kanina" i answered.

"Darling, dalhan mo ng gamot sa kwarto niya" sabi naman ni PRRD kay manang imee.

"Ako nalang manang ang kukuha ng gamot para sa kanya" sabi ko at agad kumuha ng gamot.

Kumpleto naman kami ng gamot dito sa mansion kaya walang problema. Pagkakuha ko ng gamot at tubig nilagay ko na ito sa tray. Pagpunta ko ng kwarto ni kim nakita ko yung aso kong Pekingese na may dinidilaan sa sahig.

"Pugger, what's that? Manang imee, pakikuha nga muna si pugger at dadalhan ko lang si kim ng gamot" pag-uutos ko kay manang.

Pero bigla akong nagulat dahil dugo yung dinidilaan ni pugger.

"Manang imeeee bakit andaming patak ng dugooooo ditoo?!!" Sigaw kong sabi.

At agad naman silang nagsitayo at pinuntahan kung nasaan kami ni pugger habang hawak hawak ko yung tray na may gamot at tubig.

"Bakit saan galing yan?!" Tanong ni manang imee.

Wala kaming idea kung saan galing yung dugong iyon hanggang sa napansin ni liza na duguan ang kamay ni manang imee.

"Manang imee, may dugo rin yang kamay mo" sabi ni liza.

Agad namang hinawakan ni PRRD si manang imee para tignan yung dugong nasa kamay niya.

"Darling, are you ok? May masakit ba saiyo? Sabihin mo sa akin" pag-alalang sabi ni PRRD habang chinecheck ang buong katawan ni manang imee.

"Buntis ka ba manang? Huwag mong sabihing makukunan ka naman" pag-alalang sabi naman ni kuya bonget.

Hindi naman sumagot si Manang imee at nakatunganga lang ito na parang malalim ang kanyang iniisip.

"Hindi" mahinang sabi ni manang imee.

"Anong hindi manang?" Tanong ko at pati ako kinakabahan na kung ano ang nangyayari.

"Si k-kim" utal na sabi ni manang imee sabay tingin sa kanyang kamay na may dugo.

Nagtaka na ako bakit si kim ang binanggit ni manang imee. Tinignan ko yung mga patak ng dugo at sunod sunod iyon papuntang kwarto ni kim. Hindi na ako nagdalawang isip at agad na akong tumakbo patungo sa kwarto ni kim dala dala ang tray.

Pagbukas ko nang kanyang pintuan, bumungad sa akin ang nakabulaktang nakadapang si kim sa sahig na wala na itong malay.

"Kimmmmmmm!" Sigaw ko at agad ko nang inilapag ang hawak kong try sa table.

"Kim? Gumising ka!" Pagmamakaawa kong sabi.

Nakita ko ang kamay niyang maraming dugo at doon na akong umiyak sa takot na baka ano na ang nangyari kay kim.

"Omg! Kim!!!" sigaw ni manang imee pagkapasok niya ng kwarto.

Ganun rin sila kuya bonget, liza at PRRD. Chineck ko yung kamay niyang duguan kung may sugat ito pero wala. Pero napansin ni manang imee na may butas ang kanyang damit sa bandang braso niya.

Agad namang kumuha ng gunting si liza at para makita kung anong meron sa butas na iyon at nakita nga namin ang isang saksak. At doon pa ako mas umiyak ng umiyak.

Napapikit na lamang ako dahil sa natamong sugat ni kim. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang pang mangyari kay kim. Namumutla na rin ang kanyang mukha at maski ang kanyang mga kamay puting puti na ito. Mukhang marami na ang dugo ang nawala sa kanya.

"Kuya kailangan na natin siyang idala sa hospital" sabi ko.

Agad namang binuhat ni kuya bonget si kim upang maisakay siya sa sasakyan nang maidala na ito kaagad sa hospital.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now