EPISODE 42

534 29 6
                                    

Irene's POV

Patapos na ang kasiyahan at bukas uuwi na kaming lahat ng maynila dahil balik normal na ulit. May kanya kanya rin kaming trabaho kaya kailangan nang umuwi. Maya-maya tinanong ako ni mommy meldy.

"Irene, nasaan si greg?" Tanong sakin ni mommy meldy.

Tinignan ko naman yung paligid namin kung nasaan si greg habang bumabalik na sa quarter. At hindi ko masulyapan si greg.

"Ayan na, nawawala na naman siya" biglang bulong sakin ni kuya bonget.

"Baka nag C.R lang po mommy" sagot ko nalang.

Pumasok na si mommy meldy at sila kuya bonget sa mga kwarto nila at ako hinihintay ko si greg dito sa labas ng quarter.

Medyo matagal na akong naghihintay kaya naisipan kong tawagan siya pero hindi sinasagot. Pagkailang minuto dumating rin si greg.

"Where have you been hon?" i asked.

"Hmm, nag Cr lang hon" sagot niya.

"Halika ka nga dito, at ayusin ko yang kwelyo mo" i said.

Pagkafold ko ng kwelyo niya, may nakita akong marka ng lipstick. Kulay fuscia ito. Eh hindi naman kulay fuscia ang lipstick na ginagamit ko. At bakit may marka dito sa kwelyo ni greg?

Doon na nagsink-in na may ginawang kalokohan si greg. Pinunasan ko nalang yung mark gamit ng thumb finger ko. Pero lalo itong kumalat. Hindi ko na tinanong about doon. Gusto ko siya mismong magsabi sakin kung ano na naman ang ginagawa niyang kalokohan. Maaaktuhan ko rin siya.

Pinipigilan kong huwag umiyak dahil ayoko na ulit maging mahina sa harapan niya. Ayoko ipakitang marupok ako. Kaya pumasok na kami sa loob. Tinap tap ko nalang yung mukha ko gamit ang panyo na kunwari pinagpapawisan pero magpupunas pala ng luha.

Greg's POV

Nagtext sa akin si pia na magkikita raw kami sa isang hindi gaanong pinupuntahan ng tao at nang walang makakakita sa amin. Pagdating ko ng meeting place namin, masulok ito at madilim. Nakita ko naman siya kaagad na nakasandal sa pader.

"Bakit?" Tanong ko.

"Huwag mo akong yayayain sa mga ganitong occasion ng tayong dalawa lang, baka makakahalata na ang asawa ko at makita pa tayo ng iba" dagdag ko.

"E hindi kita masolo solo e, lagi kayong magkadikit ni irene at tsaka bakit ka ngayon nandito, kung talagang ayaw mong makita tayong magkasama? Miss mo ako siguro no? dahil pinuntahan mo ko ngayon dito" sabi niya na may pag-aakit.

"Tumigil kan-" napatigil ako nung bigla niya akong sinunggaban ng halik. Hinalikan ko na rin siya pabalik kasi nadala na ako.

Totoong namiss ko si Pia at ang halik niya, e hindi na namin nagagawa ni irene dahil panay siya tanggi kaya hindi ko maiwasan kay pia ko ito gawin.

Sinandal ko siya sa pader at hinalikan. Hinalikan naman niya ako sa leeg dahilan na naitulak ko siya ng konti pero nakahawak parin ako sa balikat niya.

"Need ko nang bumalik ng quarter, paniguradong hahanapin ako" sabi ko sabay alis. Naiwan naman siyang magulo ang buhok at kalat ang lipstick.

Habang naglalakad ako, nagpupunas ako ng bibig dahil alam kong dumapo sakin yung lipstick niya. Nagpunas rin ako ng leeg, dahil hinalikan niya rin dito kanina.

Pagkadating ko ng quarter nagulat ako nung nasa labas si irene. Hinahanap na ako neto.

"Where have you been, hon?" Tanong niya.

"Hmm, nag Cr lang hon?" Palusot ko.

"Halika ka nga dito, at ayusin ko yang kwelyo mo" she said.

Lumapit naman siya at inayos niya yung kwelyo ko, sana naalis yung marka ng lipstick sa leeg ko. Pero naganahan nako nung tapos na niyang inayos at wala siyang binabanggit. Buti naman. Muntik na ako dun.

Pumasok na rin kami sa loob at magpapahinga na dahil another pagod na naman ang ma-eencounter namin bukas.

Irene's POV

Nasa isip ko pa din yung kanina. Hindi ko maiwasang mag-overthink, may nakahalikan si greg kaya ganun ang itsura at may marka ng lipstick sa kwelyo niya. Kung sino ang may kulay fuscia na lipstick hindi na ako magdadalawang isip na siya yung nakahalikan ng asawa ko.

*FF

Gising na kami ni greg at una siyang naligo. At sumunod na ako para makapagprepare na dahil maya maya uuwi na kami.

Pagkayari kong maligo, inayos ko yung mga gamit namin sa maleta. Hiniwalay ko yung mga maruming damit at yung mga hindi nagamit. Tinignan ko ulit yung kwelyo na damit ni greg kagabi at tinignang maigi yung kulay ng lipstick. Kulay fuscia nga ito. Tinignan ko si greg ng nagsusuot siya ng sapatos.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari. Basta kung ano man ang mangyari sa relationship namin tatanggapin ko nalang iyon ng buong buo. Kung inulit man niya ulit yung ginawa niyang pagloloko sa akin, hindi na akong magdadalawang isip makipaghiwalay.

Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy yung ginagawa ko, at hindi ko napansin na may tumulong luha na pumatak sa damit. Pinunasan ko na agad at pumunta ako ng C.R para itahan yung sarili ko sa pag-iyak. Eto na naman tayo, akala ko hindi ko na ito mararamdaman ulit.

Ang sakit sakit ng ginagawa ni greg sa akin pero kailangan kong maging matatag ngayon. Natauhan na ako, hindi na ako magiging marupok para lang sa taong niloloko ako ng paulit ulit. Naghilamos na uli ako para hindi mahalatang umiyak.

Greg's POV

Tinignan ko si irene habang inaayos yung mga gamit sa maleta habang nagsusuot ng sapatos. Nakita kong tinignan niya yung kwelyo ng damit ko kagabi, bakit focus na focus ito sa may kwelyo?

Bigla akong umiwas ng tingin dahil tinignan niya rin ako. Maya-maya umalis na ito at bumalik sa C.R.

Agad ko namang tinignan yung kwelyo ng damit ko at nakita ko yung marka ng lipstick. Nataranta akong kinuha yung cellphone ko para tawagan si pia habang nasa C.R pa si irene. At buti naman sinagot niya ito agad.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now