EPISODE 127

292 28 4
                                    

👴
GREG

Binigay ko kay Irene ang dala kong bulaklak pero hindi niya ito tinanngap sa halip tumayo na ito at nagtungo sa sala. Nagkatinginan kami ni luis at alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng tinginang iyon kaya dali dali kong sinundan si Irene sa sala. Hindi ko na muna siya pinansin at nilagay ang mga bulaklak na dala ko sa nakadisplay na flower vase dito.

Tsaka ako umupo sa pwesto kung saan ako nakaupo kaninang nagkakape ako, at nandoon pa rin yung kumot na inilagay ko kay Irene dahil dito siya natulog kagabi.

"Napa-aga ka ata ng uwi?" Tanong niya.

"Pinauwi na ako ng anak mo eh para bigyan ng bulaklak" I answered.

She just nodded and give a down smile.

Andito lang ako sa pwesto ko at nasa kabilang sofa lang din siya. Ang tagal naming nag-usap hanggang sa umabot na sa tawanan at biruhan. Napag-usapan na rin namin ni Irene tungkol sa celebration bukas.

Lumapit na rin sila luis, xandra at si andy. Kumandong sa akin si andy dahil miss na daw niyang mag-skating sa MOA na kasama ako. Hindi naman ako nagdalawang isip na idala siya ngayon doon para mag-skating.

Hindi ko natiis si Irene bigla bigla nalang akong nanghina noong time na tumawa siya. Napawi yung galit na dapat kong ipretend sa harapan niya pero nabura yun dahil sa mga ngiti niyang nakakatunaw. Dapat na ba kaming magkaayos para sa mga anak namin?

Tutal matagal na kaming hindi nag-uusap at nagkikita ni Pia at si alfonso nalang ang bahala sa kanya. As of now, hindi ko pa alam kung anong balak ni alfonso sa kanila basta siya nalang daw ang bahala.

Nasa MOA na kami at lahat kami nag ice skating. Hawak hawak ko ang kamay ni irene dahil hindi pa niya kayang magbalanse. Sila luis at xandra, magkahawak rin ang kamay habang nag-iikot. Si andy, masayang masaya siyang nakapag-ice skating ulit.

🧑‍🦳
IRENE

It's our 28th Wedding Anniversary. Ok na kami ni Greg, ewan ko ba dito bigla bigla nalang siyang naging maayos sa akin pero nararamdaman ko kung ano yung nararamdaman niya. Kung ako yung naka-experience na nangangaliwa ang asawa baka the rest of my life hinding hindi ko siya kakausapin even to forgive him. Sana naman hindi na yun mangyayari, kasi bumabalik na si Greg sa dati.

Lagi na siyang may time sa amin at lalo pa siyang naging sweet sa akin. Hindi katulad noon na kahit nasa kalagitnaan ng isang okasyon nagpapaalam siyang umalis madalas nga bigla bigla nalang siyang nawawala.

Anyways, malapit nang mag-gabi at lahat ng family and friends dadalo ngayon. Nandito na sila mommy at mga pamilya manotoc. I know na after this celebration masesermunan ako ni mommy tungkol sa mga issue.

On the way na rin sila kuya bonget and ako'y abala pa sa paghahanda. Gusto kong imbitahan si kim pero pinigilan ako ni manang imee. Nababasa niya kung ano ang naiisip ko.

"Alam kong gusto mo na siyang makita pero magtiis muna kayo dahil hindi pa ito natatapos" manang imee said.

"Manang, is she ok? Nag-alala na rin ako sa kanya baka mamaya hindi na siya nakakain, natutulog o baka hindi na rin siya pumapasok ng trabaho" pag-aalala ko.

"Hmmm tungkol pala sa trabaho ni kim" she sadly said.

"Trabaho manang? Bakit ganyan ang reaction mo manang, may nangyari bang hindi maganda?" Pag-alala kong sabi.

"Sabi ng husband ko, hindi na siya pwdeng magtrabaho bilang pulis dahil na-revocate ang kanyang professional license. At kani-kanina lang umaga yun nangyari" manang imee tensely said.

"Anoooo?" Malakas kong tanong.

"Huwag ka maingay irene, nandyan si mommy. And you know already who did this" manang imee uttered.

"It was mom who did this to kim!" i angry said.

Hindi ko napigilan yung sarili ko at bigla kong sinugod si mommy na nasa tabi ng pool pero bigla akong hinatak ni manang imee pabalik.

"Irene ano ba? Huminahon ka muna. Huwag ka pabigla-bigla at baka ikaw ang isunod ni mommy na pabagsakin ka sa mga kumpanya at mga proyekto mo, kahit anak ka pa niya" sabi ni manang imee.

"Malakas pa rin ang kapangyarihan ni mom dahil sa mga projects din niyang napatayo noon habang siya pa ang First Lady" she added.

"Pero manang, sobra na ito! Alam mo namang gaano yung determinasyon at integridad ni kim sa propesyon na iyon. Remember what they did to abi? Ginawa nila ang lahat mapaghiwalay lang kami. At si kim, malakas siya i know na may inoffer din sa kanya tulad sa ginawa nila kay abi but kim i know she refused it kaya ito ang kapalit. Pinawalang bisa niya yung lisensya ni kim manang" pagtitimpi ko.

"Yes, alam ko yun. Pero hinahan mo lang ang boses at baka marinig ka ng mga bisita mo" manang imee said.

"Manang, simula pa lamang si mommy at daddy na ang sinusunod ko kung ano man ang gusto nila pero ngayong matanda na ako pwde bang sarili kong kagustuhan ang susuportahan nila?" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Shhhh! Andito naman kami ni kuya mo bonget para suportahan ka. Kumalma ka muna ading ko. Marami nang tao, nakakahiya kung ngayon ka magdadrama. Patapusin mo muna itong celebration na nito" wika ni manang imee.

"Kailangan ako ni kim ngayon, manang. Please manang idala mo ko ngayon sa kanya. She needs me right now, alam kong hindi kaya ni kim sabihin sa parents niya ito kaya ako yung dapat nasa tabi niya. Manang, you know i can't convince mom, kahit anong gawin kong pagmamakaawa, hindi na niya babawiin kung ano man ang ginawa niya kay kim" i said then slowly falling my tears.

Pero bigla ko itong pinunasan at itinahan ang aking sarili dahil i noticed dawn approaching.

"Hey, congratulations again mareng irene. Ano yan? Bakit ka umiiyak? Aaaah, tears of joy. Nako irene, sana umabot pa yan ng golden anniversary" wika ni dawn.

Tinignan ko naman si manang imee at nag down smile siya. Hindi ko alam kung aabot pa nga kami sa ganoong years ni greg, eh ngayon palang unti unti nang narereveal lahat ng secreto ng pamilya namin.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now