EPISODE 44

450 25 3
                                    

*AFTER 1 MONTH

Kim's POV

Isang buwan na pala mula noong huli kong nakita si Ms. Irene at hindi pa niya magawing umuwi dito sa isabela para asikasuhin yung under construction niyang project.

But i know na always naga-update si clyde at yung engineer nito. Wala kaming communication since then but i always checked my tiktok kung may mga nabasag ba siyang mga baso.

And i'm so much happy whenever i saw some latest pictures of her. Aware naman ako na may ibang work siya, bukod sa pagmamanage ng isang cultural industry. She teaches also for an orchestra. And sana pagbalik niya rito sa isabela, maalala niya pa ako.

I'm about to go to sleep dahil gabi na it's already past 11pm. But suddenly, my phone rings.

*PAT. RAMIREZ'S CALLING

"Yes? P/capt. Santiago speaking" bungad ko.

"Ma'am, we have an urgent operation tonight. May isang lalaking pinagbabaril ng isang riding in tandem dito sa san juan, ilagan. We need you right away ma'am, we're on our way" paliwanang ni Pat. Ramirez.

"Ok. Copied sir" i answered.

Dali dali na akong nagbihis at nagtungo kung saan yung sinabing location ng pamamaril. And it's 1am na. We are looking for surveillance camera kung meron ba dito sa lugar na ito at meron kaming nakitang active na CCTV.

We gathered already all the evidences, at nakilala na ang riding in tandem na namaril sa biktima.

We checked the whole area baka hindi pa nakakalayo itong mga suspect na ito. Then suddenly, may isang motor na nakapark sa isang bakanteng lote, chineck namin yung plate number na nakuha namin sa CCTV at confirm ito yung ginamit na sasakyan ng mga suspect.

Tinignan namin kung may tao rito. At may nakita nga kaming dalawang lalaking nag-iinuman.

"Kuya mukhang masarap ang inuman natin dito ha" sabi ko sa dalawang nag-iinuman na nakaupo sa magkabilang putol na trunk ng kahoy at umupo rin ako sa tabi nila.

Nagulat sila sa nakita nila kaya agad silang tumakbo at hinabol naman namin sila at nakornehan sa isang gusali.

"Huwag niyo na kaming pahabulin, mahuhuli rin naman kayo e, tsaka nakakahingal kaya" biro ko sa mga suspect at totoong hiningal ako sa paghabol sa kanila.

Pero agad akong sinugod nung isang lalaki at hindi ko iyon napaghandaan kaya tumama yung kamao niya sa pisngi ko. Aba! Mukhang may gustong malumpo ngayon ha.

Pinunasan ko yung labi kong bitak dahil sa pagkakasuntok ng lalaki at nakita kong may dugo.

"Kuya huwag mo siyang gagalitin, tignan mo" sabi ng isa kong ka buddy.

Pero sumugod uli siya at hindi ko na hinayaang tumama pa ulit yung kamao niya sa akin kaya umiwas ako kaagad dahilan na napasubsub siya sa mga malalaking drums na nakatambak sa may gilid.

Agresibo ding sumugod yung isang lalaki sa ka buddy ko pero naunahan niya ito at agad itong pinusasan.

Heto naman isa pinapahirapan pa ako, gusto pa atang masaktan.

Tumayo na siya ulit at aakmahing susugurin na naman ako. Hindi ko na ito pinalampas gusto ko nang umuwi at matulog. Kaya pinatikim ko na ng isang matamis na candy.

Pagkasuntok niya sa akin, agad kong nahuli yung kamay niya dahilan na mabuhat ko siya patalikod at ibinagsak sa lupa.

I'm still holding his hand at pinadapa para pusasan ang dalawang kamay nito habang binabanggit ang miranda rights.

"Sabi ko na kasi sayo kuya, huwag mo siyang gagalitin yan tuloy. Natikman mo ang matamis na candy ni Ms. Capitana" pag-tetease ng ka buddy ko sa lalaki habang hawak-hawak ang isa pang suspect.

Sakto namang nagsidatingan yung mga ibang kasamahan namin at agad pinasok sa police mobile ang dalawa.

It's 5 am na noong natapos ang operation. Buti naman at day off ko ngayon. Hays! Basta magdaday-off ako, sinusulit ako ng trabaho. Kung magdaday-off ako kinabukasan may emergency operation na nagaganap at laging madaling araw ito nangyayari.

Pero hindi naman nating maiiwasan ang pagkakaroon ng mga ganitong klaseng krimen kaya it's ok naman sa akin, this is my job kaya paninindigan ko ito.

Pauwi na ako ng bahay at agad humilata sa kama, buong araw na naman na tulugan nito.

Irene's POV

Right now, nasa mall ako para bumili ng camera na ibibigay ko kim. Kapalit lahat ng tulong niya sa amin at lalo na sa akin. Kasama kong ibibigay yung sumbrerong hindi maibigay bigay noon dahil parang nakakahiya kung ito lang.

Kaya naisipan kong bigyan siya ng camera dahil i know na nabasa yung camera niya noong nasa ilocos pa kami.

I purchased Canon EOS R3, i thought this will be suit for her passion sa pagcacapture ng kung ano ano man. And it's worth of? Hulaan niyo nalang mga marites.

*FF

Nagising ako ng maaga dahil ngayon yung balik ko nang isabela. Naayos ko naman na yung mga dapat kong asikasuhin dito sa makati, at ngayon kailangan ko na ulit bumalik ng isabela at icheck yung pinapatayong cultural center.

Tulog pa si greg at hindi naman siya sasama sa akin ngayon pabalik ng isabela. Susunod na raw siya next week dahil may trabaho rin siyang aasikasuhin dito. Talaga ba greg?

About sa nangyari noon sa palawan, hindi ko na ito masyadong iniisip dahil baka dito pa ako mabaliw. At ayokong maging stress ngayon. Kung ginusto man ni greg yun, siya na yung may kasalanan. Ginagawa ko lahat bilang isang mabuting asawa sa kanya, kaya huwag niya akong masisisi kung one time magbago na ang lahat dahil sa pinaggagagawa niya.

Naghahanda na ako para makaalis na ng bahay. Nagising naman na si greg para ihatid ako sa airport.

And yes, mag-eeroplano na ako para hindi masyadong hassle sa byahe at mas mabilis akong makarating ng isabela. 5 hours lang yung byahe kung mageeroplano ako samantalang kapag land transportation aabutin ako ng 12 hrs na byahe. O diba? Nakakapagod.

I kissed and hugged greg para makapagpaalam na. And still he's looking at his phone na parang may maliligtaan siyang messages.

And of course, we still pretending na parang walang nangyari o nakikita, pero sa totoo lang durog na durog na ako inside.

Nagboard na ako at pumasok na sa airplane. Nasa tabi ako ng bintana kaya kitang kita ko yung mga clouds. Pero maya-maya naramdaman ko na yung antok ko kaya naman tinulog ko na ito habang nasa byahe.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now